Papasok na kami sa gate ng mansion nina Lucas. First time kong mapunta dito sa mansion nila. Malaki siya. Pagkabukas ng gate may dalawang bumungad sa amin sa gate. Sila ata yung nagbukas. May dalawang katulong ang naka-antay sa may hagdanan.
"Good evening po, sir," bati nila atsaka ako pinagbuksan ni Lucas ng pinto ng kotse.
"Good evening po, maam," bati naman nila sa akin. Grabe may mansion din naman kami pero di ganito. It feels weird.
"Good evening din po," pagbabalik ko sa kanila. Mukhang nagulat sila na binati ko sila.
"Let's go," sabi ni Lucas at nilagay yung kamay niya sa bewang ko.
Pagpasok ng mansion may maliit na section, kumbaga foyer.
Hinubad ni Lucas ang sapatos niya. Sinabayan ko siya. Pagkatapos namin maghubad ng sapatos nilagay namin sa kaliwa. Atsaka nagsuot ng slippers.
"Kuya!" biglang sigaw ni Leah. Naka-upo sila sa couch may katabi siyang lalaki. May pinapanood ata sila sa TV.
"Leah, where's, mom and dad?" tanong ni Lucas.
"Si mom nasa kitchen. Si dad di pa umuuwi," Leah explained.
"Hmm, okay. Maaga pa naman. Eh si, Kuya?" tanong ulit niya at naupo na kami sa kabilang couch.
"Wala pa din. Paalis pa lang daw sila sa ospital," sagot ulit ni Leah.
Maganda si Leah. Two years lang agwat namin. Matangos ilong niya. Medyo singkit. Tapos may full lips siya. Tanned naman ang skin niya. Di kagaya ni Lucas na maputi.
Nakasuot siya ng lavander na long sleeve dress. Tas naka-straight ang buhok niyang itim. May make-up din siyang kaunti. Tas may pearls siyang hikaw at bracelet.
Nanuod na lang din kami ni Lucas ng TV. Ng mag-alasais. Dumating na yung kuya nina Lucas kasama yung girlfriend. Atsaka yung tatay nila.
"Kids, let's go eat dinner na," pag-aya ng nanay nina Lucas. Totoo nga yung sabi ni Lucas, naka long dress ang nanay nila.
Naupo kami sa mga upuan sa dining room. Madaming nakahain na pagkain.
"Iha, what's your name?" tanong sa akin nung nanay ni Lucas habang sumasandok siya ng kanin.
"Sandra po," sagot ko.
"Anong ginagawa ng mga magulang mo?" tanong ulit niya.
"Si dad, po yung may ari ng SG Group, then si mom, po may cafe po siya." sabi ko.
"Oh, honey kilala mo ang may ari ng SG Group diba?" lingon niya sa tatay nina Lucas.
Sinandukan ako ni Lucas ng kanin, kumuha naman ako ng ulam.
"Yes. Malaking kumpanya yun so sikat," sabi nung tatay ni Lucas.
After asking me those question. His mother asked Leah's boyfriend the same questions.
We ate dinner. It was actually not that bad as I thought. Di naman masungit ang nanay ni Lucas pero yung tatay niya medyo masyadong seryoso.
"Ingat kayo Lucas. Iuwi mo ng maayos si, Sandra," pagpapaalala ng nanay ni Lucas.
"Iha, goodbye. Nice meeting you. Sana makasama kita sa susunod ng mas matagal. Bonding tayo minsan nina Leah. Kahit isama mo ang nanay mo," sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit at bineso-beso.
"Ingat, Sandra. It was a pleasure meeting you," sabi naman sa akin ng tatay ni Lucas.
Bineso-beso ko si Leah at girlfriend ni Kuya Lewis, naging close na kaming tatlo kahit papaano. Nag-wave goodbye na lang ako sa kanilang lahat nung nasa loob na kami ng sasakyan.
"I guess they liked you," komento ni Lucas habang nag-da-drive.
"Yeah I guess so," sabi ko.
Inuwi niya na ako at kinuwwnto ko lahat ng nangyari kay mom. Natuwa naman siya dun sa sinabi ni tita na mag-bonding daw kami minsan. Nagalak din siya nung malaman na nagustuhan nila ako.
I had a great night that day.
---
December 31 na. Which means, New Year na mamaya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ng mga magulang ko. Pero nasa isang vacation house kami nina Lucas. Sabay-sabay na lang daw kami mag-celebrate ng New Year.
Kasama ni Leah yung boyfriend niya atsaka yung pamilya nung boyfriend niya, pati na rin yung girlfriend ni Luya Lewis kasama. Kaso wala sila sa good terms ng pamilya niya kaya di kasama yung pamilya nung girlfriend niya.
Buti na lang malaki yung vacation house nina Lucas dinoble yung kung ikukumpara sa mansion nila.
May pool din sila atsaka malaking garden.
"Ate, ano mga isusuot niyo mamaya?" pangungulit sa amin ni Leah. Nasa isang kwarto lami kung saan nag-aayos kami ng sarili namin. Nag-me-make-up lang kaming tatlo kasama si Ate Jaz.
"Magsusuot lang ako ng dress na may polka dots tapos maroon," sagot ko habang nag-aapply ng eyeshadow.
"Ako cropped top lang na may polka dots tas kulay yellow. Then, high waisted jeans," sagot naman ni Ate Jazmine.
"Ano isusuot ko?" nakangusong tanong ni Leah sa amin.
"Magsuot ka ng gusto mo. Yung komportable ka," ani Ate Jaz.
"How about mag-gown ako? What do you think?" natatawang sabi ni Leah.
"You silly. Ikaw bahala malay mo partner pa kayo ng mga nanay natin," sabi ko.
"Hmm, makapag-dress na nga lang din," sabi niya.
"Good idea," sabi ko.
"Hey girls! Di pa ba kayo tapos diyan. Mag-dadalawang oras na kayong nag-aayos," biglaang pasok nung mga lalaki sa kwarto.
"Wag nga kayo maingay," saway ni Leah.
"Ako maglalagay ng eyeliner mo, baby," ani Kieffer yung boyfriend ni Leah.
"Marunong ka ba!" napipikon na sabi ni Leah. Baka kasi masira lang yung pinaghirapan niyang make-up.
"Nag-aral ako para sayo noh!" defensive niyang sabi.
Natatawa akong nakatingin sa kanila. Nilingon ko si Lucas nakatingin lang siya sa akin.
Lumapit siya sa akin at umupo dun sa table na may space.
"Dahan-dahan naman. Baka masira yung mga make-up ko!" sabi ko at inusog yung mga gamit ko.
"Masisira din yang mga make-up niyo. Mag-si-swimming lang naman tayo mamaya. Except dun sa matatanda," sabi ni Lucas at hinawakan yung baba ko.
He gave me a peck. Namula yung pisnge ko. Hindi dahil sa kilig, dahil sa hiya.
"Uy! Ano ba yan! Get a room you two!" sigaw ni Leah na para bang may nakitang kung ano.
"Lucas, sobrang PDA mo pala," komento ni Kuya Lewis na naka-upo na sa tabi ni Ate Jazmine.
"And so what Kuya? She's my girl," sagot pabalik ni Lucas.
Oh gosh, di mapigilan ang bibig ni Lucas.
---
Please vote and comment! Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Cursed Love
Romance[COMPLETED] What will you do if you fall inlove with the person that is under your mother's spell? What if he suddenly finds out? What are you gonna do? Started: June 11, 2020 Ended: September 20, 2020 --- The cover is made by: FiftyShadesOfTimmy! G...