Chapter 2

494 16 2
                                    

Pupunta daw ngayon si Lucas sa cafe. Kaya nagpalit kaagad ako ng damit. Medyo madumi na din kasi andaming customer kanina. Para maimpress din siya syempre.

Narinig ko na may pumasok sa cafe at nakitang si Lucas iyon. Tumakbo ako at niyakap siya.

"Kahapon lang tayo nagkita ah. Na-miss mo naman ako kaagad," niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Since I'm free at walang gagawin sa kompanya. Gusto kita tulungan sa cafe," sagot niya.

What!?

"Wait, are you sure?" tanong ko.

"Yes. Matutulungan kita at the same time kasama kita. Nagpaalam na ako kay tita," he explained.

Kaya pala umalis si mom kanina.

"Saan ba magsisimula?" tanong niya habang nag-iikot sa loob nung kitchen.

"Wala namang customer," sabi ko.

"Ahh. Pwede ba gumawa ako ng sarili kong drink?" tanong niya.

"Yeah sure. Ano ba gusto mo?"

"Hmm, I'll make my own drink," naglakad lakad siya para maghanap ng mga gusto niyang ingredients.

Kumuha siya nung kape tas matcha powder.

"Pwede ba ito? Paghaluin I mean."

"Oo naman. Eto yung blender," at nilapit ko sa kanya yung blender.

"How?" he looks confused but also cute.

"Gusto mo gamitan mo na lang ng espresso shot?"

"Oh, pwede yun? Then I'll use that."

Pumunta ako sa espresso machine at binigyan siya ng isang espresso shot.

"Then?" nakatingin lang siya sa akin iniintay kung anong gagawin ko.

"You told me that you'll make your own drink," sabi ko.

"Oh, yeah. I forgot," ginawa niya naglagay siya ng matcha powder sa blender at ice nilagyan din niya ng gatas.

"How do I use this thing," tinititigan niya yung blender na para bang kaaway niya, nakanguso pa nga dahil di niya maintindihan kung paano gamitin.

Tinuro ko sakanya kung paano at tuwang-tuwa siya nung nag-be-blend na yung blender.

"Woah, that's so cool! I need to buy one of this for myself."

He looks really cute.

Pagkatapos mag-blend nilagay niya sa isang baso.

"Oh tapos? Ano na gagawin mo," I asked.

"I wanna add the espresso shot to this drink."

Nilagay niya yung isang shot at nag-isip kung may kulang pa.

"May whipped cream ba kayo?"

"Yup. Here," inabot ko sakanya yung whipped cream dispenser.

"The fuck how do you use this? It looks complicated."

Tinuruan ko siya kung paano gamitin. Nung medyo hiyang na siya naglagay na siya sa baso niya.

Medyo mataas yung nalagay niyang whipped cream mukhang matatalo na ang Mount Everest ah. Mukha tuloy babagsak.

"Oh no," sabi niya nung nasalo yung bumagsak na whipped cream. Bigla tumaas yung gilid ng labi niya at nilagay sa mukha ko yung whipped cream.

"Lucas!" sigaw ko.

Cursed Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon