Kabanata 1: Secret Revealed

124 11 0
                                    

Blair Point of View

Nagising ako sa puting kisame.
Pinilit kong umupo habang hawak hawak ko ang ulo ko. Pumikit ako at inalala ang mga nangyari. Mga pangyayari na ayoko na mangyari muli.

Inatake na naman ba ako?
Si adam ba nagdala sa akin dito?
Alam na kaya niya? Sana hindi..

"Sh-t! Bakit ka naman bumangon?" Napadilat ako at gulat na napatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko, Ni hindi ko man lang siya naramdaman na pumasok ng kwarto, Ganun ba ako ka-occupied? W-wait? May nalalaman na ba siya?

"Blair naman magpahinga ka nga lang" Inis nitong saad sa akin. Nakakunot ang noo nito tila ay galit. Ano ba ang ginawa ko? Sa pagkakaalam ko wala ah?

"Okay lang ako adam, Gusto ko na umuwi" At iniwas ko ang tingin ko sa kanya,ang talim ng mga tinginan niya sa akin,sh-t. Wala naman ako ginawa ah? Bat ganyan siya makatingin sa akin? Para nya akong kakainin huhu.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi, At hindi ka okay" napatingin ako sa kanya, Napakalamig ng kanyang boses. Okay naman ako huhu.

"Bakit?" Bulong ko.

"Anong bakit? Bakit ganito ako?" Tumango ako at hindi na ako umimik.

"Sino ba naman ang hindi magiging ganito kung ang girlfriend niya ay naglihim sa kaniya?" Napaiwas ako ng tingin sa kaniyang sinabi

"W-wala naman akong tinatago eh" Pagdedeny ko.

"Wala nga ba talaga blair?" Malamig niyang tanong, Umiling lamang ako.

Bigla siyang may kinuhang at binato ito sa harap ko. Nagulat ako sa kaniyang pagbato, Never niya akong ginanito. Never niya ako sinigawan.

"WALA? EH ANO YANG RESULTA NG TEST MO" Sigaw niya, Nagsisimula nang magsituluan ang mga luha ko. Ngayon pa lang niya ko sinigawan ng ganito. Ngayon ko pa lamang siyang makikitang galit na galit sa akin.

-
Read the full version at dreame.
Thank you!

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon