Kabanata 26: Cherish The Moments

25 1 0
                                    

Adam P.O.V.

Nakangiti akong tinatanaw ang babaeng mahal ko habang masayang nakikipaghabulan sa dalawang kaibigan na kalaunan ay nadamay sina kuya franco at austin.

"Tara sali tayo sa kanila" Natatawang aya ni thomas sa amin,sumangayon ang dalawa tinanong pa nila ako kung sasama ako umiling naman ako, Maya maya ay pupunta na rin ako roon

Ilang minuto ko pa siya tinignan nang may magsalita sa gilid ko "Hindi ka pa ba sasali roon?" tanong ni mom na ikinailing ko "Bakit?"

"Wala mom, Masaya akong pinagmamasdan siya rito" Nakangiting sagot ko

"You're so lucky having her anak" Matamis na sabi ni mom, Napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin at malapad ang ngiti

"Paano mo po nasabi mom?"

"From the start, Na pinakilala mo siya sa akin ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Itinuring ko na siyang anak simula't sapul. Kaya lubha akong nasaktan nang sabihin mo sa akin ang nangyari sa pagitan ninyo, Ang paghihiwalayan niyo" Namuo ang mga luha ni mom, Kaagad ko siyang niyakap "Pero sobra akong nasiyahan nang magkabalikan kayo at pinatawad ka niya" Napangiti ako sa sinabi ni mom "I know it is so hard to her para ipasok lahat sa isip niya ang nangyari sa kaniya for past two months pero nagawa niya anak, She made it and now fiancee ka na niya. I can't wait na maging asawa mo na siya pero like what you've said, Kailangan natin bigyan ng time sila ng pamilya niya" Humiwalay sa akin si mom sa pagkakayakap "She deserves it" Hinalikan ko pa sa pisngi si mom at nagpasalamat saka napagdesisyunan na makisali na sa kasiyahan nila.

Masaya kaming nagtampisaw sa tubig.
Natapos kami nang magalas-onse na senyes na magla-lunch na.

Kanya kanya kaming bumalik sa mga room namin, Nakayakap si blair sa sarili animonh nilalamig.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya

Tumango lamang siya.

"Mauna ka nang magshower, Gamitin mo yung hot water kaysa cold" Tumango siya at pumasok na sa banyo.

Kumuha ako ng isang hanggang tuhod na dress na kulay krema naglabas rin ako nang jacket sakaling gusto niyang magsuot nito.

"Love paabot nang damit" Sigaw nito mula sa banyo, Inabot ko ang kaniyang damit saka mabilis na sinara ang pintuan ng banyo.

I respect her.

-
Read the full version at dreame
Thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon