Kabanata 29: Accident

34 1 0
                                    

Blair P.O.V.

"Madam,Nailagay na po sa labas ang mga tables at chairs"

"Pakitanggal yung menu" utos ko

"Madam nandyan na po yung mga orders ninyo" sabi ng manager ko.

Pagkalabas namin ng cafe ay nandun na ang truck ng delivery ng mga pina-order.

"Good afternoon kuya, complete po ba ang orders ko?" nakangiting tanong ko

"Yes ma'am" pumasok ako at kinuha ang payment sa office ko.

"Here's the payment kuya" at inabot ang sobreng naglalaman ng presyo ng orders ko "And here's your tip" at inabot ang apat na libo para sa kanila ng kasama niya.

"Thank you ma'am, sa susunod uli" saka nagbuhat na ng mga boxes of orders.

Nang mag-alas onse ay nagpa-lunch na ako.

"Kumain lang kayo ha" nakangiting sabi ko

"Yes madammmmm" at nagpasalamat pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na kaming mag-ayos uli.

"Kulang ito ng isang upuan, nasaan ang isang upuan?" tanong ko

"Ay ma'am naiwan pa po sa labas nakalimutan po ata ni leo, kukunin ko na lang ma'am" akmang lalabas na nang pigilan ko siya

"No need, Ako na lamang ipagpatuloy mo na lang yan ginagawa mo" saka lumabas ng cafe.

Nakita ko ang isang upuan malapit na sa kalsada.

'bakit napunta 'to dito?'

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

Pabalik na sana ako ng cafe nang may mahagip sa paningin ko na isang papel sa kalsada.

Binitawan ko ang upuan at lumapit roon.

'Be ready' basa ko sa papel.

"Be ready? Sino naman ang nag-iwan nito dito at para kanino ito?" takang tanong ko

Posible kayang sa akin talaga ito pinapakita?

Itinapon ko na lamang ang papel at naglakad pabalik ng cafe.

Pero isang maingay na sasakyan ang narinig ko kaya lumingon ako sa kalsada.

Naistatwa ako nang may makita akong rumaragasang kotse papalapit sa akin.

'Sht! gumalaw kay blair' sigaw ko sa sarili ko

Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"MADAM!" huling narinig ko bago ako sagasaan ng kotse.

-

Read the full version at dreame

thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon