Kabanata 5: Sintomas

40 6 0
                                    

Blair P.O.V.

Nagising ako sa pagbaliktad ng sikmura ko.
Dali dali akong bumangon sa akin higaan at sumuka sa lababo ng aking cr. Nakatulog pala ako.

"Blair?" Tawag ni adam..

"I'm here!" Sigaw ko, Hindi na siya sumagot at pumasok na lang sa cr.

"You okay?" Tumango lamang ako.

"Nagsuka ka na naman?" Tanong niya na may halong pag-aalala

"Yes, I am okay, Don't worry" At isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Nilagay niya ang kanyang isang kamay sa aking ulo at marahang hinaplos ang aking mga buhok, Habang ang Isa niya pang kamay ay nakayakap sa aking likuran na marahan din nitong hinahaplos.

"Basa ang likod mo!magpalit ka ng damit!Magkasakit ka!" Utos niya na ikinatawa ko.

"Nagka amnesia ka ba love? Remember may sakit na ako hahaha!" Tawa ko, Napapikit pa ako sa pagtawa ko. Pagkadilat ko nakita ko ang seryoso niyang mukhang nakatitig sa akin.

"Hey what's wrong?" Tanong ko rito. Hindi niya ako sinagot at nagiwas lamang ng tingin pero kita mo pa rin ang inis sa kanyang mukha at ang pagtiim ng kanyang panga.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pilit na pinahaharap sa akin. "Love? Did I say something wrong?" Meron ata blair, hay.

"Wala" Malamig nitong tugon.

"Meron eh! Kung wala eh bakit ang lamig mo bigla tas ang seryoso mo pa!" Nguso kong saad.

"Fc-k" Bulong niya

"Tas nagmumura ka pa!" Dagdag ko.

"Lets's go, I prepare your breakfast." Saka hinawakan ako sa siko at iginayak papuntang labas.

"Mamaya na! Sabihin mo muna" Pagmamaktol ko

"Wag matigas ang ulo!" Malamig na naman nitong sabi

Hindi na ako nagsalita at nagpahila na lamang sa kaniya.

-
Read the full version at dreame.
Thank you!

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon