Kabanata 11: Pagpapangap

40 4 0
                                    

Adam P.O.V.

Pinaharurot namin ni caleb ang kaniya kaniya naming mga sasakyan. Sabay rin kaming nakarating sa bahay nila.

Dali dali akong bumaba at tumakbo papasok. Nasa hagdanan si becker nang makapasok ako.

"Asan si blair?" Ang mahinahon niyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya

"Gising na siya pero tulala lang siya kanina hindi siya kumakain at she said that" Hindi niya natuloy ang sabihin niya nang  nagtuluan ang mga luha niya.

"A-ano sabi n-niya?" Hinawakan ko siya sa balikat niya

"G-gusto niya na m-magpahinga at p-pagod na siya" Tumulo  na naman ang mga luha ko.

A-akala ko ba l-lalaban siya?
B-bakit bumibitaw na siya?

"Nasaan s-siya?" Hindi siya sumagot at umakyat na lamang sa taas, Sumunod naman ako sa kanya. Pumasok siya sa isang kwarto.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

Kita ko sa pwesto ko ang babaeng nakahiga sa kama. Lumapit ako sa kama at naupo sa upuan sa gilid nito.

"B-blair?" Tawag pansin ko rito,tinignan ko ang kabuuan niya. Sa loob ng limang araw ay namayat siya.

Sobrang laki ng ibinawas ng timbang niya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalik-halikan ito.

Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo blair?

Pumasok si caleb gaya ni becker ay may halong pagkadismaya ang kanyang mukha.

"Anong sabi ng d-doctor?" hindi ko inaalis ang tingin ko kay blair at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Pwede na siyang operahan" Napatingin ako sa kanya, Natuwa naman ako sa wakas pwede na siyang operahan! "Pero... Nakausap niya na si blair kanina" Nakausap? Bumagsak ang mga balikat ko nang may pumasok na ideya kung bakit ganito sila caleb ngayon "H-hindi pumayag si blair magpaopera" Napaharap siya sa dingding nang magtuluan ang mga luha niya.

-
Read the full version at dreame
Thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon