Kabanata 23: Regalo

29 3 0
                                    

Blair P.O.V.

Ilang araw na ang lumipas at Christmas na bukas.

"Kuyaaaaaa" pasigaw kong tawag kay kuya Austin.

"Bakit?"

"Kuyaaaaaa" tawag ko uli

Nakailang tawag ako kay kuya, nairita na siguro siya kaya tumayo siya at unti unting lumapit sa akin.

"Sigaw ka ng sigaw" napaatras ako nang bigla siyang ngumiti ng nakakaloko

Bigla siyang tumakbo papalapit sa akin kaya tumakbo rin ako.

"Biro lang kuyaaaaaa" takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa garden kung na saan sina mom at dad

"wag kang tumakbo baka bigla kang madapa" paalala ni dad

"Si kuyaaaa kasiii----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may kumiliti sa akin

Napahiga ako sa damuhan,natawa naman sila mom sa ginawa ni kuya

"Tama na kuyaaa" natatawang sabi ko

Natigil siya nang biglang dumating si kuya franco "What's goin' on?" takang tanong nito, kaya nagkaroon ako ng tyansa na makawala kay kuya Austin tumakbo ako papalapit kay kuya Franco at saka nagtago sa kaniyang likod

"Si kuya Austin---" napatigil ako sa paghabol ng hininga ko "--- kiniliti ako" natatawang dagdag ko

Hindi ako sinagot ni kuya Franco at humarap sa akin saka ako kiniliti kagaya nang ginawa ni kuya Austin,napahiga uli ako sa damuhan. Pinagtulungan ako ng dalawa kong kuyaaaaa! Wah!

"T-tamaaaaa na" hindi nila ako tinantanan sa kilitian.

Nang hingalin sila ay tinigilan na rin nila ako kaya dali dali akong tumakbo,hinabol naman ako nila.

"A-ayokoo naaa!" saka nagtago sa likod nila mom

"Tama na yan baka matuyuan yan ng pawis si bunso" suway ni dad

Tumigil na si kuya kaya lumapit na ako sa kanila at niyakap sila.

"Aysus ang bunso naglalambing" natatawang sabi ni kuya Austin, Ngumuso ako sa kanila

"Napagod ka?" tumango ako sa tanong ni kuya Franco "Manang, bimpo nga po" sigaw ni kuya Franco

Ilang sadlit lang ay dumating si manang martha at ibinigay ang bimpong hinihingi niya.

-

Read the full version at dreame
Thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon