Kabanata 20: Depresyon

37 2 0
                                    

Janice P.O.V.

Matagal nang inaasam ng aming pamilya na mahanap ang aming unica hija. Sa sobrang tagal ay sa wakas natupad na rin ang panalangin namin.

"Patawarin mo ang mga kuya bunso at nawala ka" sabi ni Franco, Ang aking panganay

Nakatingin lang siya sa amin at hindi sumagot, napayuko si Franco nang hindi siya niyo sagutin..

Tinapik siya sa likod ng aking asawa.

"Love?" pinisil nito ang kamay ng aking anak. "Kausap ka nila, peroo hindi ka sumasagot" mahinang sabi nito

"S-sorry po, nabigla lang po ako" paliwanag nito

"Okay lang anak" sagot ng asawa ko

"H-hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko" bigla siya umiyak

Tumayo ako at lumapit sa kaniya "Anak wag kang umiyak" hinawakan ko ang mga kamay nito

"M-masaya lang po ako m-mom kasi makakasama ko na po kayo. Makakasama ko na ang tunay kong pamilya." napaiyak ako sa itinawag niya sa akin

Tinatanggap niya ako bilang Ina niya.

"Hindi lang po ako makapaniwala,parang panaginip po kasi" natawa siya sa kaniyang sinabi "Pero totoo po pala ito" at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Tumingin sa kaniya ang kaniyang nobyo at tinanguan siya nito. Tumayo ito at niyakap ako.

"Mommy" umiiyak siya nang bangitin niya iyon, hinaplos haplos ko ang kaniyang likuran.

"Andito na ako anak" inalo alo ko pa siya pero hindi siya tumigil

Inalalayan ko siya papunta sa kaniyang ama.

"Daddy" mas lumakas ang kaniyang pag-iyak

-
Read the full version at dreame
Thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon