Kabanata 31: Article V Section 55

34 1 0
                                    

Marco P.O.V.

"Nasan ang walangyang nanagasa sa anak ko?" galit kong tanong pagpasok ko sa prisinto.

"Nasa loob ho siya ng preso sir" sagot ni chief

"Ilabas niyo siya" dali daling pumasok sa preso ang dalawang pulis na sinenyasan ni chief

"D-dad calm down" mahinang sabi ng bunso ko

Lumapit ako rito at hinalikan ito sa noo
"I'm sorry princess, Pagbabayarin natin Ang gumawa niyan sa iyo" ngumiti lamang siya ng tipid sa akin kaya't napabuntong hininga ako.

Hindi siya makapaglakad dahil sa isang paa niyang sinemento at lalong hindi pa niya maigalaw ang kaniyang kamay dahil sinemento rin ito habang ang isa ay nanghihina pa din kahit isang linggo na nang madischarge siya.

"Sir ito na ho!" at ipinakita ang lalaking nakasagasa sa anak ko.

Sinapak-sapak ko siya "Sino ka para sagasaan ang anak ko?" minura mura ko siya,pinigilan na ako ng mga pulis. Dumudugo na rin ang mukha niyang sinapak ko.

"B-boss pasensya na ho! N-nawalan ho kasi ako ng preno nung oras na iyon h-hindi ko po namalayan" sa pangalawang pagkakataon sasapakin ko na sana siya uli ng may humawak sa kamay ko

"D-dad let him e-explain" utal utal pa rin nitong saad.

-

Read the full version at dreame

thank you

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon