Kabanata 12: Kuya Aries

37 6 0
                                    

Blair P.O.V.

Lumipas ang araw ay pinilit kong tumayo tayo at heto ako ngayon nakakapunta na sa veranda ng kwartong tinutuluyan ko.

Habang nag-iisip ako ay biglang pumasok sa isipan ko si adam.

Kamusta na kaya si adam?

Muling umagos na naman ang mga luha ko, Traydor na luha na ito.

Nakasilip ako kay caleb ngayon na nasa ibaba, Nakatutok sa kanyang laptop.

Absent na naman siya sa trabaho niya. Psh! Kasalanan ko ito.

Hindi pumupunta si adam dito siguro sinabi nila thomas na wag muna ako puntahan, Mas mabuti iyon.

Baka magbago pa ang desisyon ko pag nagpaliwanag pa siya. Pagod na ako!

"Blair?" Tawag mula sa aking likuran.

Humarap ako rito "Bakit po ate" Ngumiti ako sa kanya upang hindi mahalata na kakagaling ko lang sa pag-iyak.

"Umiyak ka ba?" Nahalata pa pala niya. Umiling ako, Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Blair, Alam mo namang bawal saiyo ang masyadong emosyon diba?" Umiwas ako ng tingin

"Hindi na mauulit ate" At nagpauna papasok ng kwarto.

"Kakain na, Itatanong ko lang kung saan mo gusto kumain"

"Gusto ko po sa garden, Sabay kami ni caleb" Tumango siya at inalalayan ako papalabas ng kwarto hatak hatak niya rin ang bakal na nagsisilbing swero ko.

Caleb P.O.V.

Inayos ko na ang mga paperworks ko at ipinasok ito sa loob ng opisina ko. Yes, May sarili akong office sa bahay ko. Papunta na sana ako sa kwarto ni blair nang bumukas ito, Lumabas ang nurse niya at si blair.

Nakaswero pa rin.

"Ako na ang magbababa sa kanya, Pakihanda na lang ang pagkain niya"

"Yes sir" Bumaba na ito.

Nakahawak si blair sa kanyang lagayan ng swero.

"Caleb sa garden tayo ah?" Nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kung pilit o natural ba iyon.

"Sa garden tayo maglalunch?" I asked.

"Oo bawal ba?" Yan na naman sya, Like what I've told her, Feel at home, Pero nahihiya pa din siya.

"Of course pwedeng pwede" Inakbayan ko pa siya. Para na siyang younger sister para sa akin.

Kumain nga kami sa garden katulad ng gusto ni blair. Nagstay pa siya dito ng ilang oras, Nakaidlip din siya, Nilagyan namin siya ng unan para safety.

Blair, Sana pag dumating ang kuya mo mapapayag ka niyang magpaopera.
Sana mabago niya ang desisyon mo.

Maraming nagmamahal sa iyo, Sana isipin mo iyon...

-
Read the full version at dreame
Thank youPero sa kalagayan at nangyari sa kanila ni

Untold Story Of Blair [ COMPLETED & UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon