"Ga, mag iingat ka" paala-ala ni nay Bebang sa akin.
"Oho nay" tugon ko.
Papunta ako ngayon sa baryo ng aking mga magulang. Nang matapos akong ikasal ay dito na ako namalagi sa aking napangasawa.
Mula ng ako'y ikasal, ni minsan ay hindi dumalaw sa akin sina nanay at tatay, kaya napagdesisyunan kong sila ay dalawin.
Habang ako ay nag lalakad papunta sa sakayan ng bangka. Nakaramdam ako ng sobrang pagka uhaw, na hindi ko maintindihan.
Kinuha ko ang galon ng tubig at nilagok ang laman nun, halos maubos ko na ang laman pero hindi pa rin mapawi ang uhaw ko.
Nang makatungtong na ako sa bangka ay agad nag iba ang aking paningin ng makita ko ang lalaking bangkero. Parang may kakaiba sa aking pakiramdam na parang gusto ko siyang lapitan pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili.
"O neneng ayos ka lang ba?" tanong ng bangkero sa akin.
"Oho ayos lang ho" sagot ko.
Hindi naman ako makatingin ng diritso sa kaniya, hanggang sa magsagwan na siya.
Hindi ako sanay sa ganito, hindi ako pwedeng maging....
"O neng nandito na tayo" sabi ng bangkero, agad naman akong tumayo at nagbayad sa kaniya. Ngumiti naman ito.
Naglalakad ako sa loob ng kagubatan papasok sa aming tahanan. Nakatira kami sa bundok kaya, sobra talaga akong napagod ng makarating ako.
Naabutan ko naman ang batang si Ella na aking pinsan ay nakaduyan sa labas ng bahay. Wari ko'y siya ay natutulog ngunit nais ko siyang gambalain.
Halos pigilan ko ang aking sarili na lumapit sa batang natutulog. Alam kong may mali, parang may mali.
"O manáng nariyan ka na pala"
Nagulat naman akong lumingon sa kaliwa ko at nakita ko ang aking nakababatang kapatid na ngayon ay tuwang tuwa na papalapit sa akin.
Nakaramdam naman ako ng hilo ng biglaan "manáng ayos ka lang ba?" natatarantang sabi ni Fina. "Manong tabangi ko... manong tabang" sigaw nito. Sa pagkakataon na iyon ay nawalan na ako ng malay at ulirat.
Nagising akong nasa loob na ng kwarto ko noon nung dito pa ako nakatira. Nakita ko naman agad si Fina na nakaupo sa gilid ng kama na nagbabasa ng aklat.
"Manáng gising kana pala, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin na ngayon ay nakaharap na at nakatingin sa aking mga mata.
"Ayos na ako Fina, nasan sila nanay at tatay?" tanong ko sa kaniya.
"Ah si nanay ay namalengke sa bayan at si tatay ay nagdadaro kanila Mang Juan" sagot nito. "Nagugutom ka ba ate, may ini.... "
Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil nakaramdam ako ng hilo at parang ang sarap sa pakiramdam na hawakan ang kapatid ko.
"Manáng ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.
"O masama parin ba ang pakiramdam mo manáng?" tanong ni Pedio na kakapasok lang sa kwarto.
Hindi naman ako nakapagsalita at makatitig lang sa kanilang dalawa, bakas naman sa mga mukha nila ang pag aalala.
"Ayo, mga bata" dinig kong sambit ni nanay Delia na kakarating lang galing sa pamamalengke.
Agad naman tumakbo sina Fina at Pedio para tulungan si nanay Delia na buhatin ang mga dala nito patungo sa kusina.
Naiwan naman ako na mag isa sa kwarto. Napahawak ako sa ulo ko na sobrang sakit na ngayon, napalunok naman ako at napahagod sa aking lalamunan.
Nauuhaw na naman ako pero hindi ako uhaw sa tubig dahil madami na din akong nainom, ayokong mangyari ang nasa aking isipan.
"O anak, kamusta ka? Anong nangyari sayo?" sunod sunod na tanong ni nay Delia na ngayon ay mukhang alalang alala.
"A-ayos lang ako nay" sagot ko, napatingin naman ako sa leeg ni inay na ngayon ay pawis na pawis, halatang galing sa lakad.
"Anak, nagugutom ka ba? Baka nasikmurahan ka sa byahe" sambit ni nay Delia na hinahawakan pa ang ulo ko. "Sandali lang at kukunin ko ang haplas" dagdag nito sabay alis.
Napabangon naman ako sa kinahihigaan ko at nagtungo sa kusina nakasalubong ko naman si nay Delia "O anak ba't ka bumangon, ayos ka na ba?" Sambit pa ni nay Delia.
"O-okey na man ho na ako" tanging sagot ko. Pumunta ako sa lagayan ng mga baso kung nasan ang pitsel na may lamang tubig at ininom iyun.
Naubos ko na ang laman ng pitsel ngunit kulang parin ito sa akin. Patuloy padin akong nauuhaw. Nagtataka naman ngayon ang mga mukha ni nay Delia at nina Fina at Pedio.
"Anak, anong nangyayari sayo? Nauuhaw ka pa ba?" tanong ni nay Delia, napatango nalang ako at dali dali niyang kinuha ang galon ng tubig at nilapag sa mesa. "Uminom ka pa, kung nauuhaw kapa" dagdag niya.
Kinuha ko ang galon ng tubig at binuhat ko ng walang kahirap hirap at uminom doon. Bakas naman sa mga mukha ni Nay Delia, Fina at Pedio ang gulat sa aking ginawa.
"O sige, magpahinga ka muna, ako'y magluluto lang ng ating pananghalian" sambit ni nay Delia na iiling iling pa.
Napatingin naman ako sa dalawa kong kapatid "manáng ayos ka lang ba?" tanong ni Pedio.
"Oo ayos lang ako Pedio, wag kang mag aalala" tugon ko at bumalik na kwarto.
Habang nasa loob ako ng kwarto ay napadungaw ako sa bintana, nakita ko naman ang pinsan kong si Ella na natutulog sa duyan.
Parang may nagsasabi sa loob ko n hawakan ko ang bata, ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili.
Akmang tatalon na dapat ako upang mapuntahan si Ella ng dumating si Fina. "Manáng nakahain na si nanay, kakain na tayo" tugon nito at bumalik na sa kusina.
Lumabas naman ako at umupo na din sa upuan. "T-teka gigisingin ko lang si Ella, kanina pa siya natutulog sa duyan" sambit ni Fina at dali daming tumakbo palabas ng bahay.
Nang makabalik na si Fina ay kasama na nito si Ella. Habang kumakain sila ay nakatingin lang ako sa kanila at napapangiti. Hindi ko man alam pero parang wala akong gana sa kinakain namin ngayon.
Paunti unti lang ang pagsubo ko, dahil may iba akong nararamdaman at iba ang aking panlasa.
"Anak, ba't wala kang gana kumain?" tanong ni nay Delia.
"Ah naninibago lang ho ako nay sa lasa ng pagkain dito" tugon ko
"Bakit manáng, masarap naman ah" sambit ni Fina.
"Lami ka-ayu" sambit ni Ella na sarap na sarap kumain ngayon.
"Lami jud basta si nanay ga luto" pambobola ni Pedio.
"Anak may gusto ka bang kainin?" tanong ulit ni nay Delia na ngayon ay nakatingin ng diritso sa aking mga mata.
"Ah wala ho, gusto ko po itong luto niyo" sagot ko pero ang totoo, sa kaloob looban ko ay karne ng tao ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...