CHAPTER 07

42 19 7
                                    

CHAPTER 07

Year 2019




"Natasha bumangon kana dyan.. Nariyan na sila tita at tito" gising sa'kin ni ate Nathalie. Nag unat pa ako ng katawan bago ko idinilat ang aking mga mata. "Hoy Ano? Titigan mo na lang ako? Hinahanap ka, kanina pa" dagdag niya sabay labas ng kwarto ko.




Nang marehistro ito sa utak ko ay agad akong kumilos, kinuha ko ang damit ko pamalit at ang skin care kit ko, dali-dali akong tumakbo sa likod bahay dahil may pangalawang pinto doon papunta sa palikuran.




Bakit kasi hiwalay ang CR dito? at kailangan pang lumabas ng bahay.




Bumalik naman ako agad sa kwarto ko pagtapos kong magbihis at mag morning skin care, hindi na lang ako naligo.




Pumunta ako sa sala kung saan masayang nagkukwentuhan si tita at lolo, nandoon din si ate kaya tumabi ako sa kaniya.




"Tinanghali ka ata Inday" pagtatanong ni tita Juaning.




Inday?




"Opo nga po, sa amin kasi ganitong oras ay tulog pa po kami" si ate na ang sumagot.




"Edi mabuting dito kayo nagbakasyon para masanay kayong magising ng maaga" sagot ni tita. "Sadya bang lagi kayong naka-short?" dagdag niya ng mapansin ang suot namin.




Si ate ay nasa spaghetti top at naka dolphin short, samantalang ako ay naka big shirt at maong short. Napakasexy ngang tignan sa ate sa suot niya samantalang sakin ay tingin ko ay ayos naman.




"B-bawal po b-ba? Nauutal na tanong ni ate.




"Hindi naman, kaso hindi magandang tingnan sa mga matang nasa paligid ang ganiyang kasuotan" sagot ni tita, tumango naman si lolo ng pag sa ng ayon niyon.




Ano gusto nilang suotin namin? Daster?




"Magpapalit na lang po kami" suhestiyon ni ate.




"Mabuti pa nga, sige na mga Inday kumilos na kayo magluluto lang akong pananghalian"
Tugon ni tita, nagsikilos naman ang lahat, si tito ay binuhat na ang sako bag papunta sa kwarto nila at si lolo ay nagtungo sa garden niya at kami naman ay pumunta sa kaniya kaniyang kwarto para magpalit ng damit.




Hindi ko na pinalitan ang pang taas kong damit, pero pinalitan ko ang pang baba ng pajama. Mukha naman akong manang tignan nito. Naisip ko naman na malayo naman ang mga bahay dito kaya ayos lang.




Nakarinig ako ng ingay na nagtatakbuhan at ang mga sigaw at tawa ng mga bata kaya lumabas ako. Nakita ko naman ang dalawang batang babae na naghahabulan sa harap ng pinto. Natigil sila at napatingin sa'kin.




"Hello po ate Natasha" magiliw na sambit ng batang babae na nasa edad sampu sa tingin ko. Maputi siya at makinis ang kaniyang balat, hindi siya katangkaran at payat lang siya.




"Ako nga po pala si Nicole" pakilala niya "at siya si Elli" pakilala niya sa kasama niyang bata "magkapatid po kaming dalawa" dagdag niya at tumango naman ako.




"Nicole at Elli" sambit ni ate ng makalabas mula sa kwarto niya. "Oh! Natasha si Nicole at Elli, anak ni tita Juaning" pakilala ni ate. "Kilala niyo na ba siya?" tanong ni ate sa kanila.




"Opo" sabay na sagot nila kaya napatango na lang si ate Nathalie.




"Mga inday kumain na kayo, nakapaghain na ko" sigaw ni tita Juaning sa kusina.




"Wow! Tinulang manok nanay" manghang sambit ni Elli.




"Oo, ngayon tinola sa sunod na mga araw puro gulay na ang kakainin natin" sagot ni tita Juaning habang nilalagyan ng sabay ang pinggan ni Elli.




"Bakit naman nay?" nakangusong tanong ni Nicole.




"Bakit di pa ba kayo sanay?" sambit ni tita sabay tingin sa'kin.




Bakit ako?




Napayuko na lang ako at sumubo ng pagkain. Nang matapos kumain ay nag volunteer ako na mag hugas ng pinggan, natuwa naman si tita Juaning.




Maingat kung hinugasan ang mga plato upang di makabasag. Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay nagtungo ako sa kwarto ko at nahilata roon para mag scroll sa mga social media accounts ko. Kinamusta ko rin si Cherry at Carol.




SizterakasGC



Carol Biong: Next week pupunta kami Palawan




Natasha Olivarez: Sana ol




Carol Biong: Ano? Buryo kana ba dyan?




Cherry Monde: Hi siz Tagaytay is waving ☺




Natasha Olivarez: Sana ol talaga




Cherry Monde: Probinsyanang binibini😂




Natasha Olivarez: @Cherry Monde Ulol.




Napaayos ako ng upo ng makarinig ako ng ingay mula sa sala. Lumabas muna ako ng kwarto at sinilip iyon. Naroon si tita at may dalawang babae na hindi ko kilala.




"Oh Inday, nariyan ka pala" sambit ni tita Juaning ng makita ako. "Teodora, Josephine si Natasha pamangkin ko mula sa Q.c." pagpapakilala sa'kin ni tita. "Natasha si Josephine" turo ni tita sa babaeng kayumanggi ang balat at kulot ang buhok. "si Teodora" turo ni tita sa babaeng kayumanggi ang balat at may malaking nunal sa ilong "mga kumare ko sila" pagpapakilala ni tita.




"Eto ba yung bunsong anak ni Divina?" tanong ni Teodora.




"Oo mare, dalaga na hindi ba?" magiliw na sambit ni tita.




"Nasaan pala si Nathalie?" tanong ni Josephine.




"Ay baka tulog yun, alam mo naman ang batang iyon ay laging inaantok" sabay sabay naman silang nagtawanan.




Nagpaalam muna ako na magtitimpla na lang ng gatas kaya umalis na ko sa sala pero malapit lang iyon sa kusina namin kaya naririnig ko parin ang kwentuhan nila.




"Yung anak ni Julio na dalaga, si.. Si" pagkukwento ni Josephine. "Nakalimutan ko ang pangalan ano nga ba yu——"




"Si Fresian?" si Teodora.




"Oo yun nga" sagot ni Josephine.




"Oh! bakit?" si tita.




"Nakipagtanan daw" sambit agad ni Josephine.




"Kanino?" tanong ni tita.




"Ay ang sabi sabi ay doon daw sa anak ni Gorio" sagot ni Josephine.




"Totoo ba yan?" tanong ni Teodora.




"Oo nga" agad na sagot ni Josephine.




"Narinig ko na din ang chismis na yan pero di ko alam kung totoo" si Teodora.




"Totoo nga, kaya nga mainit lagi ang ulo ni Julio pag nagtitinda sila sa palengke at sinugod pa si Gorio sa bahay nila kagabi"  si Josephine.




"Kaganda pa naman ng batang 'yon" tugon ni tita.




"Ikaw ba Natasha may boyfriend ka na ba?" tanong sa'kin ni tita.




"Po?"




"May boyfriend ka na ba?"




"Wala po"




"Mabuti naman, uso pa naman ngayon pakikipagtanan, kung hindi kabet, nakikipag tanan naman, mga kabataan talaga ngayon, hindi na matino ang pag iisip" pag aalala ni tita.




Devil's  Understrapper (1946-2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon