"Saan ba kayo galing?" sermon ni tita."kanina ko pa kayo hinahanap" dagdag nito.
"Nagpaalam po——" di na natapos ni ate ang sasabihin dahil nagsalita pa ito ulit.
"Delikado ngayon sa lugar na ito, hindi natin alam kung sino ang sunod na bibiktimahin nang mamatay tao na yon kaya wag muna kayo lumabas ng bahay" saad nito na ipinagtaka namin.
"Po?" takang tanong ko.
"Nabalitaan ko kay Josephine na ang anak ni Julio na si Fresian ay natagpuan na "panimula niya. "Natagpuang patay malapit sa ilog"
"Po?" gulantang na sabay na sagot namin ni ate.
"Kaya kayo, dito lang kayo sa bahay" habilin ni tita.
"Paano po nangyari 'yon, diba nagtanan sila nang jowa niya" takang tanong ko. Napatingin naman si tita saka nagulat kung bakit ko alam iyon. "Narinig ko po kayo nag kukw——"
"Masama makinig sa usapan ng matatanda Natasha" pinandilatan ako ni tita.
Nanindig ang aking balahibo sa tingin ni tita sa'min tila kakaiba na may pagbabanta. Yumuko na lang ako upang hindi ko makita ang kaniyang itsura.
Kinagabihan ay masaya kaming kumakain habang nag kukwentuhan. "Bukas tuturuan ko kayong mag tanim nang mga gulay gulay mga inday" sambit ni lolo.
Napatango na lang kami ni ate habang kumakain. Tahimik ngayon si tita, ni hindi siya nagsalita buong gabi.
Kinabukasan, maaga kaming ginising ni lolo para sanayin kami para magtanim, dapat kaming matuto mag tanim ng mga bulaklak dahil kami raw ay mga babae.
Mag tanim kami ng Calla lily.
Nagmula pa raw ito sa Africa padala nang kaibigan ni lolo kaya mas mabuting palahian daw ito dito. Hindi man namin alam kung mabubuhay ang bulaklak na ito pero amin paring susubukan.
Kinahapunan ay naghanda ng orange juice si tita at mga tinapay. Pakiramdam ko ay may problema si tita, hindi niya lang sinasabi sa'min. Galit ba siya? Dahil sa ginawa namin kahapon?
"May napapansin ka ba kay tita?" bulong na tanong ko kay ate. Natatakot akong baka marinig niya kami at bigla na naman siyang magalit.
"Parang balisa siya" sagot ni ate. Tumango tango naman ako pang sang ayon.
"Napagod ba kayo apo?" tanong ni lolo.
"Hindi po lolo" sagot ko. Pero ang totoo ay napagod ako ka kayo ko at kakabungkal nang lupa.
Nang gabing iyon ay hindi ako nakaramdam nang antok, kahit alam kong pagod ako kakatanim ng bulaklak pero hindi ako makatulog.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Ficción históricaNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...