Maaga akong nagising dahil maaga ang flight namin papuntang Zamboanga. Magbabakasyon muna kami sa lolo namin ngayong bakasyon. Kasama ako din naman si ate Nathalie kaya kampante ako.
Ito ang unang beses kong magbakasyon sa lolo ko kaya excited din ako.
Naaaliw pa akong naka dungaw sa bintana ng eroplano. Ang ganda ng mga ulap ang sarao pagmasdan, kitang kita rin ang malawak na kalupaan at mga bughaw na karagatan. Kalahating oras din ang lipad sa himpapawid ng eroplano pero para sakin ay ang bilis lang niyon. Nang makababa kami sinundo kami ng mga tita namin, nagkamustahan lang saglit at sumakay kami sa taxi, bumaba kami sa bus terminal na papasok sa Ipil.
Malawak ang mga halaman at maraming tanim na mga mais at mga ibat ibang klase ng prutas at gulay, mayroon ding mga tubo ang naka palibot sa bahay ng lolo ko. Nakakagaan sa pakiramdam ang mga nakikita kong mga berdeng dahon na sinasayaw ng mga hangin. Ang lamig din ng simoy ng hangin na humahampas sa balat ko. Tingin ko'y mag eenjoy ako sa bakasyon ko ngayon taon.
Malayo ang mga kabahayan dito, malayong malayo sa Q.c. na medyo dikit ang mga bahay. Dito anlalayo ng agwat, pumasok kami sa loob. Makaluma ang mga disenyo niyon, may gawa sa semento pero mas maraming kahoy ang parte ng bahay.
Maganda naman siya pero nakakatakot ata itong tignan kung gabi na. "Dalaga na din pala itong si Natasha" pambungad ni lolo. Nakaupo na kami ngayon sa sofa. Nilibot ko ang aking mga mata, malaki din naman ang bahay ni lolo, nakakalungkot nga lang ay siya lang ang naaktira rito.
"Apo, musta na?" sambit ni lolo na kay ate Nathalie nakatingin.
"Ayos naman ho lo" sagot ni ate Nathalie.
"Dalaga na rin itong kapatid mo, baka may nanliligaw na sayo o may boyfriend kana" magiliw na sambit ni lolo.
Matanda na si lolo dahil nasa 86 years old na siya, malakas pa din siya dahil sa mga kinakain niyang mga gulay at prutas. Nakakatuwa naman dahil nakakwentuhan ka namin siya. Kulubot na ang kaniyang balat at puti na rin ang kaniyang buhok, payat pero kitang kita ang kagandahang lalakeng taglay nito nung kabataan pa.
"Ay wala po akong boyfriend at wala din pong manliligaw" sambit ko.
"Ay ganun ba, kung magkakaroon man apo, ay mag iingat ka" putol niya at bumuntong hininga pa. "Wag mong pairalin ang kasakiman ng puso apo, mag una ang isip bago ang puso, dahil ang utak ay nasa ibabaw ng parte ng ating katawan at ang utak ay nagtatrabaho para mag isip, wag ang puso apo, wag kang papalinlang sa mga nakikita ng mga mata mo" batid kong sa tono ng pananalita ni lolo ay isang paalala iyon.
Tumango naman ako at ngumiti. Di ko naman naintindihan ang sinabi niya kaya hinayaan ko na lang tutal ngayon ko lang naman nakasama si lolo.
Nang kinahapunan nagmeryenda kami ng mga mangga, andaming manggang tanim si lolo dito kaya napadami ang kuha ni ate at yun ang mineryenda namin.
Kingabihan nagtungo na ako sa kwarto ko, tag isa kaming kwarto ni ate. Medyo ang creepy nga lang ng room na to, may bintana din na kahoy sa gilid ng lamesa. Imagine, nasa loob ka ng bahay na makaluma tapos ikaw lang mag isa sa kwarto.
Hindi ako dinalaw ng antok, ilang balintong na ginawa ko sa kama ay di ako makatulog. Siguro nga ay namamahay lang ako dahil hindi naman ako sanay matulog sa ibang bahay.
Lumabas ako ng kwarto, balak kong puntahan si ate at dun na rin matulog, dala dala ko ang unan at kumot ngayon.
Hindi naman ako nahirapan hanapin yun kasi magkatabi lang kami ng kwarto. Kinatok ko siya pero walang sumasagot, dinikit ko na din ang mga tenga ko sa pinto, pero wala akong naririnig.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...