CHAPTER 02

46 22 8
                                    

"Pizza delivery"



Nag order kami ng Pizza para may nilalamon kami habang nag mo-movie marathon dito sa condo ni Cherry.



Pumunta ako sa pintuan para pagbuksan ang pizza delivery man. "Signature na lang po ma'am" sabi ng delivery man.



Nginitian ko siya at pumirma na sa papel na katunayan na natanggap ko iyun, kinuha ko na ang resibo at ang dalawang box ng pizza. Inamoy amoy ko pa iyun bago pumasok ng may mahagip sa gilid ng mata ko.



Nakaalis na ang delivery man, pero nakatayo pa din ako sa pinto. Doon sa gilid ng hagdan natatanaw ko ang isang babae.



Namumukhaan ko siya pero di ko siya kilala. Parang nakita ko na siya dati, hindi ko alam kung saan. Nakatingin siya ng diritso sa akin. Masyado siyang malayo para makilatis ko siya.



"Hoy Natasha, inuubos mo na ba ng palihim ang pizza" sigaw ni Carol kaya natauhan ako. Sinarado ko na ang pinto at bumalik na sa sala.



"Wow hawaiian supreme, sarap sarap" sabi ni Carol na parang aso na sinisinghot ang pizza.



"Ignorante lang ang peg Carol?" sarkastikong tanong ni Cherry.



"Epal to, ninanamnam ko lang" sagot naman ni Carol.



"Ngayon ka lang ba nakatikim, kung makaganyan ka?" tanong ulit ni Cherry.



"Ingay niyo nanonood tayo oh" awat ko sa kanila. Nanood na lang kami habang kumakain ng Pizza, syempre ang akin ay Bacon cheeseburger pizza dahil mahilig ako sa cheese.



Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng tumunog ang bell at may kumatok sa pinto. Nagkatinginan pa kaming tatlo, dahil wala naman kaming inaasahan na bisita.



Nagkakatakutan din kami dahil pinatay namin ang mga ilaw at ang pinapanood namin ay horror.



"Sino yun?" tanong agad ni Carol.



"Aba malay ko, condo ko ba to!" sagot ko.



"Di ko alam, wala naman kasing nagsabi na may pupunta dito maliban sa tin, check natin" sambit ni Cherry.



Nagulat pa kami ng may sumigaw, kumabog ng mabilis ang puso ko sa gulat dahil sa t.v. nagmula yun. Sumigaw ang babae na hinahabol ng maligno.



Hinila ako patayo ni Cherry para buksan ang pinto. "Hoy! Wag niyo ko iwan dito sasama ako?" sigaw naman ni Carol.



Naglakad na kaming tatlo papunta sa pinto. "Sandali!" sabi ko sabay hinto, tumingin naman sila sakin na may takot at pagtataka. "Buksan natin yung ilaw muna" sabi ko at napahinga sila ng malakas.



Hindi ko alam kung bakit kami natatakot dahil siguro ay nadala kami sa pinapanood namin kaya natatakot kami ngayon kung sino ang nasa pinto dahil wala naman kaming inaasahan na bisita.



Binuksan namin ang ilaw at hinayaang bukas ang t.v. pumunta na kami sa pinto at binuksan iyun ni Cherry habang kami ay nasa likod niya.



Pagbukas ng pinto ay walang tao, kinabahan naman kami dahil narinig namin na may nag bell at kumatok sa pinto.



"Baka sa ibang condo unit yun" napabuntong hininga na sambit ni Cherry.



Nakahinga naman kami ng malalim at bumalik na kami sa kaniya kaniyang pwesto. Pinagpatuloy namin ang panonood ng horror movie.



Nang malapit na matapos ang movie ay may kumatok ulit, nagkatinginan na naman kami "naku! Baka sa ibang condo unit yun" biglang sambit ni Carol.



Hinayaan na lang namin yun hanggang sa nawala na ang katok. Nang tapos na ang movie ay nag uusap na lang kami tungkol sa mga crush at buhay namin habang inuubos ang natirang pizza at lumalaklak ng Yakult.



Pinayagan akong mag overnight dito sa condo ni Cherry dahil ito ang huling practice namin sa graduation next week. Napagdesisyunan din namin to para may bonding kami bago maghiwa-hiwalay sa bakasyon.



Balak kasi ni daddy na umuwi kami ng probinsya at doon magbakasyon kaya pinayagan nila ako ngayon mag overnight. Ito din ang unang beses kong matulog sa ibang bahay dahil kadalasan hindi ako pinapayagan.



Sa sobrang kakapilit ko ay pumayag din sila at isa pa dun kilala nila si Cherry kasi nakapunta na din yun sa bahay.



Naghalf-bath muna ako bago ako nagpalit ng pantulog. Inaantok na din kami dahil napagod din kami sa practice ng graduation kanina. 11PM palang ng gabi.



Nakapatay na ang ilaw dahil hindi nakakatulog ng may liwanag si Cherry at ganun din si Carol. Magkakatabi kaming nakahiga dito sa kama. Nasa gitna si Cherry at nasa kaliwa ako at si Carol ay nasa kanan.



Natawa pa ako ng marinig kong humihilik si Cherry. Ang lakas ng hilik niya. Batid ko naman na natutulog na din naman si Carol pero ako hindi ako makatulog.



Naglalakbay kung saan ang isip ko kaya di ako makatulog. Siguro ito ang tinatawag nilang namamahay, dahil hindi ako sanay nasa ibang bahay ako natutulog.



Wala akong makita, puro dilim. Ipinikit ko na ang aking mga mata ngunit sumasakit lang ito dahil sa kakapilit kong ipikit.



Nanindig naman ang balahibo ko ng may nararamdaman akong kakaiba, alam kong sanay na ako sa gantong pakiramdam pero natatakot ako dahil nararamdaman ko lang ito at hindi nakikita ng dalawang mga mata.



Nakapatay pa ang mga ilaw kaya wala talaga akong maaninag. Alam kong himbing na himbing na ang pagkakatulog nila Cherry at Carol. Tinakip ko na lang ang kumot sa buong ulo ko at hinayaan ko na lang ang hindi magandang pakiramdam.



'Wak wak'



Kinilabutan ako at tumindig ang balahibo ko, hindi ako sure kung may narinig ba ako o nag hahallucinate lang ako.



Sumusumpong na naman siguro ang insomia ko kaya di ako makatulog pero may narinig akong tunog.



Ibon ba yun? Gusto kong itanong iyun pero natatakot akong magsalita lalo na't tulog na sila Cherry at Carol.



'Wak wak'



Nanginginig na ako sa takot at kaba, tingin ko kasi ay nasa gilid ko lang iyun. Kinabahan ako ng sobra dahil nasa gilid lang din ako ng kama.



Gusto ko lumipat ng pagkakahiga sa pwesto ni Cherry dahil sa takot kaso naalala ko na pagod din sila baka maisturbo ko ang tulog.



Naiiyak na ako dito sa loob ng kumot hindi ko alam ang gagawin. Nagdasal pa ako ng paulit ulit, pero hindi parin nawawala ang tunog na iyun.



Hindi ko namalayan na dahil sa pag-iyak ko ay nakatulog na ako. Kinabukasan paggising ko wala na akong katabi. Dali dali naman ako agad bumangon ng maalala ang nangyari kagabi.



Natagpuan ko sila sa kusina na kumakain ng tinapay at umiinom ng kape. Napabuntong hininga naman ako para mawala ang kaba.



"O gising kana pala Natasha, kumain kana" sabi ni Cherry ng makita ako.



"Hindi ka namin magising kanina, ang hirap mong gisingin... Tulog mantika" sambit ni Carol na ngumunguya pa.



Nakatulala lang ako sa kanila, dahil parang wala naman silang alam na nagyari kagabi. Baka nga dahil sa himbing ng tulog nila hindi nila alam yun. Totoo ba iyun o hindi? Baka hallucination ko lang yun, kailangan ko ng sabihin to kay mommy pag uwi.







☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦

Follow jaeinmcllns
Don't forget to Vote and Comment. Thank you ✝

Devil's  Understrapper (1946-2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon