"Sige, huwag kayong papa umaga" habilin ni nanay Delia bago kami umalis patungo sa sayawan sa kabilang bayan.
"Bago mag alas dose ay uuwi na tayo" sambit ni Fina.
"Ang sabi ni nanay, Huwag papa-umaga. Maaga pa ang alas dose para umuwi" sambit ko.
"Pero manáng——"
"Walang pero pero" sabi ko pa at nauan nang maglakad.
Pagdating namin sa sayawan ay nakakaindak na tugtugin ang sumalubong sa amin.
🎶🎶Alone from night to night you'll find me
Too weak to break the chains that bind me
I need no shackles to remind me
I'm just a prisoner of love🎶🎶
"Oh! Nasan na 'yong amiga mo manáng?" tanong ni Fina na gaya ko ay palinga linga din.
Halos humaba ng ang aking leeg kakalingon pero di ko parin sila nakikita. Sa kakalinga ko ay nahagip ng aking mga mata ang isang gwapong nilalang. Nakaupo siya sa sulok at tahimik itong nanonood sa mga taong sumasayaw.
🎶🎶For one command I stand and wait now
From one who's master of my fate now
I can't escape for it's too late now
I'm just a prisoner of love🎶🎶
🎶🎶What's the good of my caring
If someone is sharing those arms with me?
Although she has another
I can't have another, for I'm not free🎶🎶
🎶🎶She's in my dreams, awake or sleeping
Upon my knees to her I'm creeping
My very life is in her keeping
I'm just a prisoner of love🎶🎶
Parang bumabagal ang paligid at unti unti kong nakikita na kaming dalawa na lang ang taong narito ngayon. Kasabay ng mabilis na pagtibok nang aking puso. Napahawak na lang ako sa akong dibdib at dinama ang puso na naririnig ko ngayon.
Sumilay ang aking ngiti ng biglaan niyang paglingon sa aking gawi. Bigla naman tinambol ng kaba ang aking dibdib. Nakatingin ako ngayon ng diritso sa kaniyang mga mata. Nangungusap ang mga iyon, pakiramdam ko ay para na akong lumulutang dahil sa tuwa na aking nararamdaman.
"Manáng, nasan na ba sila?"
Natauhan lang ako at nabaling ang atensyon kay Fina na nakahawak pa sa aking braso. Tinarayan ko siya at binaling ulit ang atensyon doon sa gwapong nilalang na ngayon ko pa lang nakita. Paglingo ko ay wala na siya sa kina uupuan niya. Mabilis na hinanap ng aking mga mata ang lalaking iyon pero di ko na nakita pa hanggang sa dumating na si Freda.
🎶🎶What's the good of my caring
If someone is sharing those arms with me?
Although she has another
I can't have another, for I'm not free🎶🎶
"Kanina pa ba kayo?" tanong niya.
"Oo kanina pa" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...