Year 2019
"Sobrang nakakapagod" sambit ni Cherry na ngayon ay nag papaypay ng kaniyang kamay dahil din siguro sa init.
Malapit na ang summer kaya siguro sobrang init na ngayon. Papunta kami ngayon sa McDo near Recto para kumain ng tanghalian.
Madalas kami laging sa McDo dahil paborito naming tatlo iyun. Pagdating namin ay naghanap na sila ng mauupuan samantala ako ang mag oorder.
Sa aming tatlo nagkakaroon kami ng salitan sa pagbabayad ng pagkain at sa pag kakataong ito ay ako ang bangka sa amin kaya ako ang mag oorder at magbabayad.
"1pc. Chicken McDo with McSpaghetti Value Meal (small), 2 Crispy Chicken Fillet Value Meal (large), 2 Medium Fries and Royal Berry Delight Creamy McFreeze" sabi ng cashier ng makuha ang orders ko.
Habang nagtitipa siya ay parang tumaas ang balahibo ko sa di ko alam ang dahilan, lagi ko na lang 'to nararamdaman kahit saan ako magpunta.
Napalinga linga naman ako sa paligid pero wala naman akong nakita na nakatingin sa'kin pero ang nararamdaman ko ay parang may nakatingin sakin. Hindi ko alam kung ano at kung sino iyun.
"498 ma'am" sambit muli ng cashier, kinuha ko naman ang pera ko sa wallet at hindi nalang pinansin ang nararamdaman ko. "I recieve 500" dagdag na sabi ng cashier pagkakuha ng pera.
Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang tatlong tray na order ko. Tinulungan naman ako ng crew na dalhin yun sa table namin.
Kapag ikaw ang bangka kawawa ka, ginagawa kang katulong.
"Wow! Mahal na mahal mo talaga kami ah" napapamanghang sambit ni Carol na kinukuha na ang paborito nilang kainin ni Cherry na Crispy Chicken Fillet Value Meal.
"Oo nga e sa sobra MAHAL, butas ang bulsa ko" diniinan ko talaga ang salitang mahal.
"Babawi na lang ako, pag ako na ang bangka" sambit pa ni Carol.
"Ikaw... Babawi e napaka kuripot mo" sabat ni Cherry.
Nakagawian naman namin na pagsama-samahin ang mga fries at ilagay sa isang tray para magmukhang marami at doon kami mag she-share.
Habang kumakain, narito na naman ang kakaibang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin sa di kalayuan.
Napalingon lingon pako para hanapin yun pero hindi ko naman makita. Nag uusap habang kumakain si Carol at Cherry at di naman nila ako napapansin na parang may hinahanap na ayaw naman mag pakita.
"Natasha tapos mo na mga requirements mo?" tanong ni Cherry. Natuon naman ang atensyon ko sa kaniya sandali bago sumagot.
"Ah oo, unti na lang matatapos ko na" sagot ko.
"Buti ka pa!" sambit ni Carol.
Maayos naman kaming natapos kumain at bumalik na din kami sa school pagkatapos kumain para asikasuhin ang mga kulang na requirements para mapirmahan ang clearance namin.
"Kailangan na natin matapos tong clearance natin, dahil next month mag papractice na tayo para sa graduation" sambit ni Cherry.
"Oo nga at sobrang excited na talaga ako" sagot naman ni Carol na napapasayaw pa.
Napapangiti at napapailing na lang ako. Sa aming tatlo si Carol ang pinaka walang hiya samin, hindi kasi nito alam kung saan ba ilalagay ang kakulitan, sobrang kalog kasi.
Hindi naman ako nahirapan na mapirmahan lahat ng clearance ko dahil nagpasa naman ako ng mga requirements ko on time.
Nang kinahapunan ay naghiwa hiwalay na kami dahil iba ang way namin. Uuwi ako sa Quezon Ave. Samantala si Carol ay dito lang sa Sta. Cruz malapit sa school at si Cherry ay taga Nagtahan, Sampaloc.
Naglalakad ako ngayon mag isa papunta sa Quiapo Church. Hindi ko naman maiwasan na mapatigil at napalingon lingon dahil sa pakiramdam kong may tumitingin sakin.
Hindi na ako naninibago sa pakiramdam na ito dahil mula pagkabata ay ganito na ako. Malakas akong makiramdam.
Sabi nila sa lugar na'to madaming mga isnatser o magnanakaw kaya nagmadali na lang ako maglakad baka nagmamasid lang sakin sa malayo yun at holdapin ako e wala naman akong pera.
Nang makarating ako sa tapat ng Quiapo Church ay di pa rin naalis ang kakaibang pakiramdam. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at umakyat na ako sa over pass para makatawid sa kabila dahil doon ang sakayan ng bus papunta sa Quezon Ave.
Nang makarating ako doon ay nag antay pako sandali, medyo nakaramdam pako ng gutom kaya dahil hindi pa ako nag meryenda.
Nagpalinga linga pako muna at nakita ko ang nagtitinda ng Fishball. Pumunta ako doon at bumili. Habang nag aantay ako ng bus ay kumakain ako ng Fishball at umiinom pineapple juice.
Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na parang may nakatingin sa akin pero di ko na pinansin yun, baka guniguni ko lang.
Halos isang oras na din akong nag aantay dito sa bus. Sigurado akong traffic ngayon dahil byernes ngayon.
Tuwing Byernes talaga traffic dahil dagsaan ang mga tao lalo na ang mga taong nagsisimba sa Quaipo Church. Hindi na rin naman bago ito sa akin dahil lagi naman ganito.
Nang may nakita akong bus sa di kalayuan ay agad na akong pumila para sa mga taong sasakay sa bus na iyon.
Nang hahakbang na ako sa bakal ng bus ay pinahinto ako ng konduktor "Hija pasensya na puno na ang bus" sambit nito.
Napasimangot naman ako "kuya kahit nakatayo lang ako okey na sakin" sagot ko, dahil disperada na akong makauwi dahil madilim na.
"Hija nakikita mo ba yan" turo niya sa mga pasahero na nakatayo sa gutna ng bus. "madami ng nakatayo sa gitna, siguradong maiipit ka lang tsaka mag ooverloadin na ang bus, hindi pwede yun" sabi niya pa.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango tango. Lumaki naman ang mata ko sa tuwa ng may makita akong bus na kakarating lang. Agad naman sumilay ang ngiti sa labi ko dahil ako ang una sa pila at patungo din yun sa Quezon Ave.
Nang makasakay na ako pumunta ako sa pinaka likod ng bus at doon naupo sa tapat ng bintana.
Nakita ko naman ang mga taong papasok sa bus at nagsisimula na din mag hanap ng mauupuan at ng wala ng bakante ng upuan ay nakatayo na din ang iba at halos puro lalaki sila.
Nang magsimula ng umandar ang bus ay napadungaw naman ako sa labas ng bintana.
Sa gilid ng poste na semento ay may nakatingin sa akin na babae na diritsong diritso ang tingin sa akin. Bigla naman akong kinilabutan sa titig niya sakin.
Kahit madilim na naaaninag ko padin siya dahil sa mga ilaw na mula sa tindahan ng mga second hand na cellphone.
Hindi niya inalis ang paningin niya sa akin hanggang sa makalayo na ang bus na sinasakyan ko, titig na titig siya sa akin.
Anong meron sa kaniya, iba ang pakiramdam ko sa kaniya, hindi siya pangkaraniwang tao sa tingin ko. Tama pa ba tong iniisip ko?
☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦☦
Follow jaeinmcllns
Don't forget to vote and comment. Thank you ✝
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Ficção HistóricaNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...