"Manang gising" si Fina habang inuuyog ang aking balikat.
"Kay aga-aga Fina, nambubulabog ka" pagmamaktol ko, hindi parin ako bumangon. Patuloy parin ang pagyuyugyog sa'kin ni Fina, "Hindi ka titigil"
"Mag aaral tayong magluto ngayon" masayang sambit niya.
"Kung gusto mo ikaw na lang" irap ko sa kaniya sabay taklob ng kumot.
"Manáng naman..halika na" panghihila niya sa braso ko.
"Maghilom diha uy" pagbawi ko ng braso.
Naramdaman ko ang paglalakad niya palabas ng kwarto. Babalik na sana ako sa pagkakahimbing matulog nang biglang narinig ko ang malakas na si sigaw ni Pedio.
"Naaaaaay" sigaw ni Pedio.
Napabangon naman ako para tignan iyon, hindi na rin naman ako makakatulog, dahil binulabog na ang maganda kong tulog kanina.
"Ano 'yon?" si nanay.
"Bakit hingal na hingal ka manòng?" rinig kong sambit ni Fina.
Nang makarating ako sa kusina nakita ko ang hingal na hingal na si Pedio, medyo namumutla din siya.
"Anong nangyari?" tanong ni nanay.
Maya maya lang ay dumating na si tatay, kaya natuon ang atensyon namin sa kaniya. Napalingon din si Pedio sa kaniya.
"Oh Berto, Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni nanay.
Lumapit ako kay tatay at nagmano sa kaniya.
"May nakitang patay sa taniman ni Mang Juan" sambit ni tatay na kinagulat naming lahat. Hindi man nagsalita si Pedio, kumabog ang aking dibdib sa takot.
"Kinsa?" Tanong ni nanay.
"Hindi pa alam kung sino at anong nangyari" laylay na balikat na sagot ni tatay. "Hindi muna magpapatrabaho, dahil may mga sundalong nag iimbestiga roon" dagdag ni tatay.
Napabuntong hininga naman si nanay Delia sabay tango. "Ang sabi nang iba ay rebelde ang may gawa, ngunit tapos na ang gyera hindi ba, tapos na ang digmaan" sambit ni tatay.
Mukhang nahahabag si tatay dahil siya ang nakakita, sila ni Pedio. "Wakwak ang kaniyang tiyan, wala namang puso ang gumawa noon" sambit ni Pedio.
"Wag mo nang isipin 'yon anak" payo ni nanay Delia.
"Nay, ako ang nakakita sa bangkay, nangingitim na ang dugo at walang laman ang kaniyang tiyan" sambit ni Pedio na ngayon ay nakaupo na tila nanghina ang kaniyang tuhod sa kaniyang nasaksihan. "Napakalapit sa'kin nay" dagdag niya na napaiyak nang tuluyan. Lumapit si nanay at Fina sa kaniya at niyakap ito.
"Kumain na muna tayo, tanging lugaw lang ang nailuto ko dahil hindi pa nakakapagluto ng ulam" sambit ni nanay.
Tahimik kaming kumain, sa umagang iyon, alas nwebe na nang umaga. Unti lang ang kinain ni tatay at ni Pedio, sigurado na kumain na sila kaninang alas singko ng madaling araw bago umalis, pero wala din silang gana kumain ngayon. Tingin ko naman ay karumaldumal nga ang nangyari dahil mukhang natrauma ang aking kapatid.
"Kailan naman kayo ulit makakabalik sa pagsasaka?" pambasag nang katahimikan ni nanay.
"Sa huwebes" tanging sagot ni tatay at tumango naman si nanay.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...