Chapter 12
Nagkulong ako sa kwarto at tahimik na humihikbi. Bakit ganon? Pinagkaitan ba ako nang tadhana, yung taong gusto ko may gusto ng iba?
Inis akong bumalikwas ng higaan. Tumayo ako at lumabas ng pinto. Wala si nanay Delia at Fina, nasa sapa at si Pedio at tatay Berto ay nasa sakahan.
Pupunta ako sa sapa ng may magawa ako. Bukod mag iimbestiga ako. Malapit lang ang bahay ng ginoong iyon sa sapa.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Freda ng makasalubong ko siya.
"Sa sapa sana" nahihiyang sagot ko.
"Sana? Ayieeee baka—" sabi niya kaso pinigilan ko siya.
"Wag kang maingay" sabi ko pa.
Hinawi niya ang kamay sa bibig niya "sige basta sasama ako"
"Ano?" gulat na tanong ko.
"Sasama ako" pag uulit niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Ang damot mong malandi ka" natatawa niyang aniya sabay talikod.
"Sandali" habol ko. "Pumayag ba'ko na sumama ka?" tanong ko.
"Bakit? Kailangan ko pa ba ng permiso mo e sa inyo din naman ang punta ko?" saad niya.
"Bakit sa'min? Anong kailangan mo?" takang tanong ko.
"Wala kasi akong magawa, kaya aanyayahan sana kitang gumala" sagot niya.
"Ahh"
"Ayaw mo ba?" tanong niya
"Gusto ko 'sana'..." sabi ko sabay napayuko.
Nang makarating kami agad naman niya akong hinila para magtago sa likod ng puno.
"Ayon" sambit niya habang nakaturo pa.
Sinundan ko ng tingin ang daliri niyang nakaturo. Agad nanlaki ang mata ko ng makita iyon.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...