CHAPTER 09

30 8 0
                                    

Maaga akong nagising, sinadya ko iyon. Bago pa'man akong gising ay nauna na si nanay sa'kin.




"Himala ito" pambungad ni nanay.




"Anong himala nay?" tanong ko. Naupo na ako sa upuan. Kasalukuyan na nag luluto si nanay ng pakbet.




"Maaga kang nagising, gusto mo bang turuan kitang magluto?"




"Titingin lang ako"




"Oo ba"




Habang nagluluto si nanay ay nakatingin ako kung paano niya iniluto iyon. Inaantay ko din na sumilay na ang haring araw para magpaalam na pumunta ng sapa.




"Nay pwede ba akong pumunta nang sapa?" tanong ko habang nag hahain na ng pagkain.




"Bakit Rosa? Ano gagawin mo doon?" pabalik na tanong niya.




Ano nga ba pwede gawin doon?




Maligo?




"Maliligo po sana ako" sagot ko.




Tumango naman ito "Delikado doon kapag mag isa ka lang"




"Magandang umaga nanay at ate Rosa" bati ni Fina.




"Magandang umaga din sayo Dina, gisingin mo na ang tatay at manòng mo nang makakain na" balik ni nanay.




"Sige po" sabi ni Fina bago tuluyan na bumalik sa loob.




"Nay payagan mo na po ako" pamimilit ko.




Gusto ko talaga pumunta doon para malaman kung totoo ba na gwapo ang   bagong nakatira malapit sa sapa.




"Nayy sige na po" pagmamakaawa ko.




"Oh! Bakit manáng?" tanong ni Pedio ng makalapit.




"Gusto nitong manáng mo na maligo sa sapa" sabi ni nanay.




"Samahan kita manáng" suhestiyon ni Pedio.




"Ako rin" si Fina.




Tumango naman si nanay. "Mabuti pa"




"Sige" tanging sagot ko, at kumain na.




Alas nwebe na nang magpunta kami sa sapa para maligo, kasama ko si Pedio at Fina. Dala rin namin ang aming tuwalya at may unti rin kaming pagkain.




"Saan kaya dito yung sinasabi ni nanay?" bulong ko sa aking sarili.




"Manáng, Anong hinahanap mo diyan?"




Nagulat pa ako kay Fina na bigla nalang sumulpot sa gilid ko.




"Wala" palusot ko.




"Kanina kapa lilinga-linga kung diyan, may hinahanap ka ba?" tanong niya pa na parang inaakusahan niya akong may sala.




"Wal—— "




Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang..




"Gusto ko doon kuya"




Napalingon ako sa narinig kong boses babae, napaka gandang babae, maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, mapupulang labi at mapupungay na mga mata.




Devil's  Understrapper (1946-2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon