Malakas na kalabog ng pinto ang nakapukaw sa akin. Hindi ko parin yun binubuksan. Hindi ko alam kung magnanakaw ba iyon na baka tangkain ang buhay ko o yung babaeng laging kong nakikita sa malayo na nakatingin sa akin.
Ang gulo ng isip ko at naghahalo halo ang mga nasa imahinasyon ko. Pabilis ng pabilis ang kalabog sa pinto kaya nagtago ako sa ilalim ng kumot.
"Natasha, ayos ka lang?"
Nabingi ba ako sa ingay o may narinig talaga akong boses. Batid kong boses ni ate Nathalie iyon. Pero di ako nakakasigurado.
"Buksan mo ang pinto" sambit niya ulit at tumigil na ang ingay na kalabog sa pinto.
Patakbo akong pumunta sa pinto at binuksan paunti- unti. Bumungad sa akin si ate Nathalie, agad ko naman siyang niyakap at umiyak ako ng umiyak sa kaniyang bisig niyakap naman niya ako.
"Shsssh... Tahan na" sambit nya na hinahagod ang likod ko.
Pumasok siya sa loob ng kwarto at naupo kami sa kama. Humihikbi parin ako habang nakaharap sa kaniya.
"Ano bang nangyari?" pambungad na tanong niya.
"May n-nakita akong a-anino" himbing tugon ko "Dyan sa may pinto" turo ko sa pintuan.
"Naka lock ang pinto, nakasarado ang bintana maliban sa binata mo dito sa kwarto, san makakapasok ang magnanakaw, baka namamalikmata ka lang" tuloy tuloy na sabi ni ate Nathalie, umiling naman ako dahil hindi ako pwede magkamali na may anino akong nakita.
"Nakita ko talaga ate, sa dalawang mata ko" sabi ko na tinuro pa ang mga mata ko.
"Saan naman dadaan kung magnanakaw yun aber" pambabara ni ate.
"Hindi ko alam" sagot ko.
Naalala ko naman yung babae na lagi ko nakikita. "Uhm ate naranasan mo na ba yung pakiramdam na parang may tumitingin sayo?" tanong ko.
"Syempre maganda ako, normal na yon" sagot niya.
Hindi naman yun yung nais kong iparating kaya nalungkot ako."Ibig kung sabihin na parang may kakaiba sa tingin ate" pamimilit ko.
"Anong klasing tingin ba? Yung manyak na tingin?" tanong niya.
"Hindi" napipikon na ako
"Ano ba?"
"Yung nakakatakot tumingin" sambit ko.
"Yung nakakamatay yung tingin?" ngisi niya. "Saan nakakamatay sa kilig o literal na patay" dagdag niya.
Hindi na talaga ako natutuwa kay ate Nathalie, ginagawan niya ng biro ang lahat ng sinasabi ko. Hindi na lang ako nag salita at sumimangot na lang.
🎶🎶We were both young when I first saw you.🎶🎶
Napalingon ako ng magpatugtog si ate Nathalie ng kanta ni Taylor Swift. Nakangisi siya sakin ngayon.
🎶🎶I close my eyes and the flashback starts:
I'm standing there
On a balcony in summer air.🎶🎶
.🎶🎶See the lights, see the party, the ball gowns,
See you make your way through the crowd,
And say, "Hello."
Little did I know...🎶🎶"Sorry na...Pinapatawa lang naman kita..." sambit niya.
"Natatakot na kaya ako ate, nakuha mo pang magbiro" sumbat ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historische RomaneNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...