Taong 1946
Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nagsimula na nang bagong pamumuhay ang pamilyang Buenavista. Tahimik na nagsimula ng panibagong pagkakataon ang mag asawang Roberto na tinatawag na Berto at si aling Delia, tinuturuan din nila ang mga anak nilang si Fina, Rosa at Pedio gamit ang mga kanilang nalalaman.
Mahirap lang sila kaya sariling sikap at tulong tulong lang ang kanilang ginagawa. Kahit ganoon ay masaya naman silang namumuhay at nawala na din ang kanilang pangamba sa mga dayuhan.
"Nay kulang pa ba to?" sigaw ni Pedio na ngayon ay tumigil sa pagsisibak ng kahoy.
"Tama na yan, itabi mo na lang ang iba para may panggatong pa tayo bukas" sigaw pabalik ni nay Delia na nasa kusina ngayon.
Si Pedio ang bunso sa pangalawa sa anak ni Nay Delia at nag iisa lang itong lalake kaya siya ang mas laging nauutusan na mag igib ng tubig mula sa balon at ang mag sibak ng kahoy na kinukuha nila ng tatay nila mula sa mga nahulog na sanga puno sa ilog na nasa gitna ng kagubatan.
Liblib ang kanilang lugar at unti lamang ang nakatira. Nasa bundok sila kaya bumababa pa talaga sila para kumuha ng mga sanga ng puno na ibibilad para may panggatong. Ang balon naman ay nasa isang kilometro ang layo mula sa kanila. Hindi lamang sila ang kumukuha ng tubig roon maski ang mga nakakalayong bahay din.
Magkakalayo ang bahay dito kaya kahit magsigawan pa sila ay walang makakarinig sa kanila kundi sila-sila lang rin.
"Nay tapos ko na po hugasan ang pinagkainan" sambit ni Fina ngayon na nag pupunas ng kaniyang kamay.
Si Fina ang bunso sa magkakapatid, makulit at masayahin ang batang ito, kaya ito ang kinagigiliwan ng pamilya. Si Fina ang nakatoka sa paghuhugas ng pinggan minsan ay nag sasalitan sila ni Rosa.
"Sige anak maglinis kana ng katawan dahil mabaho kana" magiliw na sambit ni nay Delia.
"Nay naman" naasar na tugon ni Fina na kina iling lang ni nay Delia.
"Mukhang mabango ang niluluto mo mahal" pambobola ni tatay Roberto kay nay Delia na nag luluto ngayon ng tuyo na nilagyan ng kamatis. "Malayo palang naaamoy ko na" dagdag niya na umaarting sumisinghot singhot pa.
Si tatay Roberto ay isang magdadaro o nagtatanim lang ng mga palay at mais sa palayan ni Mang Juan, masayahin at sobrang sipag ni tatay Roberto, mabait din ito kaya marami siyang mga kaibigan.
Si Mang Juan naman ang may ari ng palayan na tinataniman ni tatay Roberto, magkaibigan silang dalawa kaya minsan ay may palibreng bigas ito sa kanila.
" Naku! May tatlong anak kana, ganyan ka parin" iritadong sambit ni nay Delia.
"Oh bakit? Kahit bente pa ang anak natin, sa luto mo lang ako masasarapan" ngising tagumpay ni tay Roberto.
Napailing na lang si nay Delia, si nanay Delia ay 35 taong gulang na, bata pa siya ng mapangasawa niya si tay Berto. Mabait si nay Delia pero may pagkamasungit ito minsan.
"Uy! Rosa puro ka higa dyan tulungan mo kong maghanda ng hapunan" sigaw nito kay Rosa na sa loob ng silid ngayon. "Kukurutin ko talaga singit mo dyan, pag di ka pa bumangon" pananakot pa nito.
Si Rosa ang panganay sa tatlong magkakapatid, matigas ang kaniyang ulo at mahilig lang siyang humilata buong araw. Kumikilos lamang siya kung kailan niya nais. Minsan ay sinasama rin siya ni Nay Delia sa ilog at sa pamamalengke para may gawin din siya dahil hindi niya naigagalaw ang kaniyang katawan daig pa naparalisa.
"Mamaya" sigaw pabalik ni Rosa.
"Anong mamaya? Puro ka mamaya ahh" striktong sabi ni nay Delia. "Hindi ba sumasakit likod mo kakahiga dyan?" dagdag na tanong ni nay Delia. "bumangon kana dyan at tulungan mo ko rito at makakain na" sambit niya pa. Wala ng nagawa si Rosa kaya bumangon na siya, sinandok na niya ang kanin na mais nila at nilagay sa plato. naghanda na rin siya ng maiinom.
Nang matapos silang kumain ay nahiga na muli si Rosa at nag hugas naman ng pinggan si Fina habang si Pedio ang nag iibig ng tubig. Kasalukuyan naman na nagpapahinga na si tay Berto dahil siguradong napagod ito sa pagtatanim ng palay at mais.
Alas singko na ng pumasok sa loob ng kwarto si nay Delia at nakita niyang nakahiga lang si Rosa roon. "Anak, anong plano mo sa buhay?" panimulang tanong ni nay Delia. "Paano nalang kung may asawa kana?" alalang tanong ni nay Delia.
"Ma, matagal pa ako mag aasawa, ang pa-pangit kaya ng kabaryo natin" iritableng sagot ni Rosa.
"Ay gusto ng gwapo, e di naman marunong magtrabaho.. Ano na lang ang kakainin niyo, banig?" sarkastikong sagot ni nay Delia. "Dapat matuto kang kumilos kilos dito, gumawa ka ng gawaing bahay dahil yun ang trabaho ng babae, pano nalang kung pag uwi ng asawa mo wala pang pag kain, ano ipapakin mo sa kaniya." paninermon ni nay Delia.
"Matutulong na po ako" biglang sabat ni Fina ng matapos maghugas ng pinggan, mukha naman na hindi pinapakinggan ni Rosa si nay Delia kaya umalis na din ito.
"Matulog kayo ng mahimbing" tanging sambit ni nay Delia bago lumabas ng silid. Alas sais palang ay pinatay na ang ilaw at sinarado na ang pinto at bintana na hudyat na pag tulog.
Kinabukasan, hindi pa sumisikat ang araw ay nagtungo na sa bayan si nay Delia, Fina at Rosa. Namamalengke sila ngayon para sa kanilang umagahan at pananghalian.
"Hindi raw nakauwi ang dalagang si Filma kagabi" sabi ni Aling Susan kay Aling Flora.
"Bakit daw?" kuryusong tanong naman ni aling Flora.
"Sabi daw e nakipagtanan" iiling iling na sambit ni Aling Susan. "Bigla rin kasi nawala si Danny na nobyo ni Filma" dagdag niya.
"Kalahating tamban" sambit ni nanay matapos makapamili ng isda.
Tinimbang iyon at sobra pero hinayaan na ni Aling Susan dahil suki naman niya si nanay. Biniyaran naman ito ni nanay ng five centavos.
"Kailan pa daw?" tanong pang muli ni Aling Flora.
"Uy suki balik ka ha" magiliw na sambit pa nito. "Tatlong araw na ang nakalipas" sabi niya kay Aling Flora.
Nang matapos na sa pamamalengke ay umuwi na rin sila dahil alas syete na at mag luluto pa sila.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...