"Congratulations"
Kaliwa't kanan ang batian sa pagtatapos namin ng High School. Masayang masaya kami nina Cherry at Carol. Narito rin si daddy, mommy at si ate Nathalie.
"Congrats Natasha, graduate na tayo" magiliw na bati ni Carol.
"Congrats sa'tin" bati naman ni Cherry.
"So ano ganap sa inyo Natasha?" magiliw na tanong ni Carol.
"Ah kakain lang kami sa labas e" sagot ko
"Kami din" sabat ni Cherry.
"Dalawang buwan din tayong di magkikita, mamimiss ko kayo" pag dadrama ni Carol "huhuhu" iyak niya kunwari.
"Ano namatayan lang" sabat ni Cherry.
"Natashaa"
Napalingon ako sa direksyon ni ate Nathalie ng tawagin niya ako. Tumagos ang paningin ko sa babaeng nakatingin ng diritso sa akin. 'Pamilyar' nakasuot siya ng toga na maroon gaya ng sa amin.
"Hoy" pang aagaw atensyon ni ate sa tinitignan ko. Tinakpan niya ang direksyon na iyon gamit ang sarili niya.
"Hay ate Nathalie" bati ni Cherry.
"Ang ganda mo po" pambobola ni Carol.
"Ay matagal na Carol" magiliw na tugon ni ate. Nagtawanan pa sila pero ako di na umimik na parang binuhusan ng malamig na tubig ng makitang ngumiti ang babaeng tinitignan ko kanina pa.
Lagi ko siyang nakikita kung nasaan ako, hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako o nagkataon lang.
"Ano ba yang tinitigan mo dyan Natasha?" tanong ni ate na bumalik na ako sa ulirat. Nagpaalam na din sina Cherry at Carol,
Bumaling ako ulit sa direksyon kung nasan nakatayo yung babae pero wala na siya. "Ah wala ate" tanging tugon ko, tumango naman siya.
"Lika na inaantay na tayo ni mom and dad" sambit niya at nagsimula na nag lakad, sumunod naman ako sa kaniya.
"Congrats anak" bati ni mommy.
"Congratulations" bati ni daddy.
Pumasok na ako sa loob matapos ang kwentuhan at batian na naganap samin ni mom and dad.
Nakadungaw na lang ako sa bintana sa loob ng kotse ni daddy. Ang driver ay si daddy na katabi si mommy sa front seat at kaming dalawa naman ni ate sa likod.
Nag aayos ng mukha si ate, bilib din ako sa kaniya dahil maganda parin ang pag kaka make up niya kahit umaandar ang kotse.
"May nakita ka ba?" biglang sambit ni ate ng makababa na kami ng kotse. Nauna si mommy at daddy kaya kaming dalawa ang nasa hulihan na nakasunod sa kanila.
"Huh?" takang tanong ko.
"Sabi ko, may nakita ka ba kanina?" sambit niya na parang sigurado siya sa sinasabi niyang na may nakita ako.
"Alin?" maang maangan ako, di ko alam kung tama ang nasa isip ko.
"Kung ayaw mo sabihin, okey lang" sabi niya sabay buntong hininga "malalaman mo din yun pag uwi natin ng probinsya" dagdag niya.
Nagtaka naman ako dahil sa mga sinasabi ni ate at sa mga kinikilos niya, para bang may gusto siyang ipahiwatig sa akin.
Nandito kami ngayon sa Romulo Cafè, masasarap ang mga pagkain dito, may kamahalan nga lang. Naisipan naman na dito na lang kami kakain para ma-celebrate ang pagtatapos ko ng High School.
BINABASA MO ANG
Devil's Understrapper (1946-2019)
Historical FictionNaniniwala ka bang sa mundong ito ay mga tao at hayop lang ang nilikha ng Diyos? Kilalanin na'tin ang dalawang taong hindi maaring mag-ibigan sapagkat sila ay nasa magkabilang panig. Nangyari na ito noon, ngunit mangyayari ulit ngayon. Mababago ba...