CELINE

67 13 2
                                    

BOOK TITLE: Celine
AUTHOR: @Celinaticz
RATINGS: 8 / 10

TITLE:

-Para sa'kin hindi bumagay ang pangalan ng character sa title ng story. Yes I know na halos kay Celine umikot ang buong k'wento pero may mga characteristic naman siya. Do'n ka magbase para sa title. 'Di ba may mahabang asul na buhok siya at berdeng mata?

BOOK COVER:

-It's calm. Hindi siya masakit sa mata kaya okay siya. Ang naging problema lang dito, walang gaanong interesting sa cover mo. Hindi siya gaanong makakahatak ng readers kapag gan'yan.

CHARACTERIZATION:

-Like what I said halos kay Celine umikot ang lahat kaya para sa'kin medyo nabigyan mo siya ng maayos na characterization. May mga part lang na magulo pero nagiging maayos naman kapag iniintindi.

DIALOGUE AND NARRATION:

-Dito ka maraming dapat baguhin. I admit na maganda ang flow ng story mo pero nakulangan ako sa pagnanarate. Masyado siyang mabilis at may times na magulo. Paiba iba pa ang font na ginamit mo kaya mas lalong gumulo. I suggest na isang font nalang ang gamitin mo at ibihin mo nalang kapag important details.

GRAMMATICAL AND TYPO ERRORS:

-Wala naman akong nakitang mali sa grammar kasi sobrang dali lang siyang intindihin. Alisin mo nalang 'yong part na may english. Mas maganda kasi na purong tagalog ang gamitin mo kasi angkop 'yan sa surroundings ng character at pananalita niya. Sa typo madali lang 'yang ayusi. Revise mo lang at basahin ulit.

ADVICE AND THOUGHTS:

-Be detailed. Iparamdam mo sa readers ang nararamdaman ng character. Make us feel. Mas lawakan mo pa ang imagination kasi may potential ka na. Sa proper use of words dapat alam mo kung pa'no. Ang dami kasing part na pinuputol mo ang salita at nagiging iba na siya. Choice of words.

OWN OPINION:

-Your story is pretty good. It has a nice plot. If maayos mo ang mga sinabi ko trust me hahatak ka ng maraming readers. Just revise at always be detailed. Good luck sa mga susunod mo pang stories. Thank you for choosing our critique club para icritic ang story mo. We highly appreciate it. Have a great day!

CRITIC BY: gril18

"Drink your soju sulkkun!"

Soju Writers Critique ShopWhere stories live. Discover now