LOVING YOU IN EVERY WAY

158 19 8
                                    

BOOK TITLE: Loving You in Every Way
AUTHOR: @IamXtianFire38
RATINGS: 6/10

-Hindi po ako professional writer, pero marunong naman po akong bumusisi ng mga storya. Wag niyo po sanang masamain ang mga bibigay kong opinyon. Salamat po!

TITLE:

Maganda naman ang title, hindi ko pa masyadong nakikita ang pagkakatugma ng story sa title dahil prologue at chapter one pa lang ang nagagawa mo.

BOOK COVER:

Maganda ang book cover, wala naman akong nakikitang mali dito. Regards po sa gumawa.

BLURB / SYNOPSIS:

ORIGINAL: Ang kwentong ito ay pumapatungkol sa isang lalaki at babae na ilang beses ng nagmahal ngunit naging sanhi lamang ng muli nilang pagkatumba. Ngunit sa dinami dami ng tao sa mundo ay pagtatagpuin ang dalawang sawi sa pag-ibig.

Maututunan kaya nila na muling magmahal at magtiwala? Papayag ba silang simulant ang bagong yugto ng pagmamahalan kahit na madilim ang nakaraan ng isa't isa?

Abangan ang kauna unahang love story na inihahandog ng XtianFire Creation.

OPINION: Ang kwentong ito ay pumapatungkol sa isang lalaki at babae na ilang beses ng nagmahal, ngunit naging sanhi lamang ng tuloy-tuloy at masakit na pagkatumba. Sapagkat sa dinami-daming tao na pwede nilang makasalamuha ay ang isa't-isa ang ipinagtagpo ng mundo, dalawang indibidwal na sawi at naghahanap ng tunay na pag-ibig.

Maututunan kaya nila na muling magmahal at magtiwala? Papayag ba silang simulan ang bagong yugto ng pagmamahalan kahit na madilim ang nakaraan ng bawat isa?

Tunghayan ang kauna-unahang love story na inihandog ng XtianFire Creations.

CHARACTERIZATION:

Wala naman akong nakitang mali sa characteristic ng mga characters sa story.

DIALOGUE AND NARRATION:

-I would suggest pumili or magdagdag ng iba pang words sa pagna-narate and dialogs, medyo di bagay kasi ang mga ibang salita. BUT maaayos naman ang mga iyon. Basahin mo rin ng paulit-ulit ang bawat chapters na nagawa mo, para maayos mo ang mga typos.

ORIGINAL: "Alam niyo ba na isang mamamatay tao ito? Sinamantala niya ang kahinaan ko at di man lang tumitingin sa dinadaanan. Balak yata niya na paakyatin ako sa langit nang mas maaga." Saad ni Shayne.

OPINION: "Alam niyo bang mamamatay tao ang lalaking 'to? Sinamantala niya ang kahinaan ko at hindi man lang tumitingin sa dinadaanan! Balak yata niya akong paakyatin sa langit ng maaga at wala sa oras," nagrereklamong sigaw ni Shayne.

-Medyo dagdagan mo ang feelings ng mga dialog at narration mo para ramdam ng mga readers ang pananalita ng bawat characters.

GRAMMATICAL AND TYPO ERRORS:

-I would suggest na dagdagan mo ang quotation marks, para mas maintindihan ang bawat sentence and medyo linawin mo ang mga salita dahil medyo hindi maintindihan. Katulad nito;

PROLOGUE:

THIRD PERSON P.O.V

ORIGINAL: Isang napakaguwapong lalaking nagngangalang Paul Dela Cruz- mapagmahal ngunit laging bigo sa pag-ibig kahit pa naging totoo lamang siya sa kaniyang sarili. Ang sakit na dulot ng ilang beses na pagkakaloko sa kaniya ay nagsanhi sa kaniyang malakas- isang lalaking hindi na muling iibig pa at basta lamang magtitiwala sa sinumang babae. Ngunit ang isang babaeng muling magpapatibok ulit ng puso niya.

OPINION: Paul Dela Cruz, isang napaka-guwapo at mapagmahal na lalaki. Ngunit kahit gaano pa siya ka-guwapo at mapagmahal, lagi parin siyang bigo sa pag-pili ng babae. Ang sakit na epekto ng mga panloloko sa kaniya ng mga babang iniibig niya, ay ang naging sanhi sa kaniyang pangako sa sarili, ang hindi na basta-bastang magtitiwala at magmamahal sa sinumang babae. Ngunit mapapako ang kaniyang pangako sa kaniyang sarili, nang dahil sa isang babaeng magpapatibok ulit ng kaniyang puso.

---------------------

CHAPTER ONE:

THIRD PERSON P.O.V

ORIGINAL: Dahil sa kalasingan kakahintay sa magtatanghal sa club na kaniyang pinuntahan. Di na napigilang komprontahin ni Shayne si Paul dahil sinayang lamang nito ang oras niya at muntik na siyang patayin. Nang makaakyat na sa entablado si Shayne ay wala na siyang nagawa kundi sukahan ito sa sobrang hilo nito. Nagdulot lamang siya ng kahihiyan sa buong club at ibinulgar sa taumbayan na isang mamamatay tao si Paul.

OPINION: Dahil sa kalasingan, kakainom habang naghihintay sa magtatanghal ng club na kaniyang pinuntahan ay 'di na napigilang kumprontahin ni Shayne si Paul sapagkat sinayang lamang nito ang kanyang oras at kamuntikan na siyang patayin. Nang makaakyat na sa entablado si Shayne para mag reklamo, hindi na niya natiis ang kahiluhan at napasuka na lamang siya sa itaas na nagdulot ng sobrang kahihiyan sa mga tao sa loob ng club, ngunit walang pakialam si Shayne kahit pinagkakandirian na siya ng ibang tao at itinuloy ang balak. Ipinag-sigawan niya sa mga tao na isang mamamatay tao ang lalaking kasama niya sa entablado.

OWN OPINION: Ipagpatuloy mo lang panunulat, maganda ang plot ng story mo at nakakabighani din ng readers ang description mo sa story. Advice ko lang ay dagdagan mo ang mga bantas (quotation mark, exclamation point, dots, etc.) yun lang naman ang kulang, all in all maayos naman, ipagpatuloy mo lang ang paga-update. Thank you!

CRITIC BY: KenzyChloe24

"Drink your soju sulkkun!"

Soju Writers Critique ShopWhere stories live. Discover now