ALONG WITH THE ROADS, 1889

62 13 2
                                    

BOOK TITLE: Along with the Roads,1889
AUTHOR: @shiningblueee
RATINGS: 9.5 / 10

TITLE:

Wala akong problema sa title. HF talaga ang dating.

BOOK COVER:

Maganda. Hindi masakit sa mata. Simple pero hindi boring tingnan. Maganda ang background ang font na ginamit. Swak lang siya para sa HF na genre.

CHARACTERIZATION:

Medyo hindi pa ganon ka established ang katangian at karakter ng mga tauhan, given na rin dahil ilang chapters pa naman ang iyong naisusulat. Pero so far, maayos naman. Masasabi kong maganda ang naging paglalarawan mo sa tauhan lalong-lalo na sa bidang babae.

DIALOGUE, ERRORS, TYPOS:

Since magaling ka namang magsalaysay ng k'wento, gusto ko lang na maging teknikal sa iyong pagsusulat.

Mga bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin.
○Wastong paggamit ng 'ng' at 'nang'
○Action at Dialogue tag (focus more here)
○Paggamit ng wastong bantas
○Wastong paggamit ng doon/roon, dito/rito, diin/riin at iba pang d/r.

TIPS FOR YOU ---

WASTONG PAGGAMIT NG "NG" at "NANG"

1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.

Mga Halimbawa:

○Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak niya.
○Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig para sa mga bata.

2. Ginagamit ang “ng” sa mga pangngalan.

Mga Halimbawa:

○Pumunta ng paaralan ang guro.
○Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.

3. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.

Mga Halimbawa:

○Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.
○Ang silid-aralan ng mga bata ay ibinaha.

4. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.

Mga Halimbawa:

○Bumili ng magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.
○Kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.

5. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap

Mga Halimbawa:

○Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-aaral niya sa ikaapat na baitang.
○Inalis ng matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

NANG

1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit

Mga halimbawa:

○Takbo nang takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman niya.
○Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay nang bigay sa ibang tao.

2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

○Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si Jose sa bahay nila.
○Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni Alysa.)
○Hayaan mo na na kunin niya yung mga gamit niya. (Hayaan mo nang kunin niya yung mga gamit niya.”

3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.

Mga Halimbawa:

○Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
○Umalis ka nang maaga upang iyong maabutan ang tatay mo sa bahay.

WASTONG GAMIT NG D/R.
daw-raw, din-rin, doon-roon, diyan-riyan, dini-rini

**Ang rin, raw, rito, roon, riyan, at rini ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na y at w.

Halimbawa:
1. Gusto raw niya kumain ngayon ng mangga na may bagoong.
2. May lumitaw raw na mga bagong pulo sa Pilipinas?
3. Nasasaktan na rin siya kaya huwag ka nang manggulo pa.

**Ang din, daw, dito, doon, diyan, at dini ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

Halimbawa:
1. Hindi naman daw sinasadya ang nangyari kaya patawarin mo na siya.
2. Kailangan dito ngayon ang mga gamit na pinapadala sa iyo kahapon.

○DIALOGUE TAG

***Kuwit o comma ang gagamiting panghiwalay sa pagitan ng script at dialogue tag.
***Pero kung tandang pananong/question mark o tandang padamdam/exclamation point ang ginamit sa pagpapahayag ng tanong o damdamin, hindi na kailangang gumamit ng kuwit/comma.
***Ang unang letra ng salita pagkatapos ang script ay nasa maliit na titik o hindi dapat naka-capitalized, maliban na lang kung pangngalang pantangi o proper noun ang unang salita.

Halimbawa:

“Pahingi naman ako ng pizza pie,” sabi ni Jambol sa kaibigan.

“Walang forever!” singhal niya.

Sumigaw siya, “Itigil ang kasal!”

“Maghihiwalay rin kayo!” sambit niya bago bumuhos ang luha sa kaniyang mata. “Tandaan n’yo ‘yan!”

○DIALOGUE TAG

***Tuldok o period ang gagamiting panghiwalay sa pagitan ng script at dialogue tag.
***Pero gaya ng dialogue tag, kung tandang pananong/question mark o tandang padamdam/exclamation point ang ginamit sa pagpapahayag ng tanong o damdamin, hindi na kailangang gumamit ng tuldok/period.
***Ang unang letra ng salita pagkatapos ang script ay nasa malaking titik o ito ay dapat na naka-capitalized.

Halimbawa:

“Sabi ko namang maghihiwalay rin kayo.” Ngumisi siya nang nakakaloko.

Sinampal niya ang larawan ng kaniyang nobyo. “How dare you?”

“Bakit ngayon ka lang?” Pinanlisikan siya nito ng mata at saka kumuha ng pamalo. “Sinabi ko namang umuwi ka nang maaga!”

OWN OPINION:

Hindi ko gamay ang d'yanrang HF pero may ilan lang akong paaala sa iyo. Kung maaari ay gumamit ka ng ilang malalalim na salita para talagang kapani-kapaniwala na nasa 1889 kami. Dalhin mo kami sa panahong ito gamit ang mga titik at salita. The vibe, the atmosphere— lahat. Nawa'y maging matagumpay ang pagbabahagi mo ng iyong k'wento.

CRITIC BY: Kokoykolokoy

"Drink your soju sulkkun!"

Soju Writers Critique ShopWhere stories live. Discover now