BOOK TITLE: Falling For The Beast
AUTHOR: @Ash_Twilight
RATINGS: 8/10TITLE:
It's somehow catchy, yung tipong anong klaseng 'beast' ang nais mong ipahiwatig dito sa kwento- if it is a real beast, a person with a beast personality, etc. Nice pick for the title, but, I suggest na palitan ng "A" yung "The" (Falling For 'A' Beast) Since singular lang po yung "Beast".
BOOK COVER:
Okay lang po yung book cover, nice picture, okay yung color na pinili, okay din yung font, siguro wala kang problema dito... Good job.
BLURB/SYNOPSIS:
Okay lang din yung description ng story- it is thrilling, although suggest ko lang yung sa "Warning" paragraph mo; okay lang din naman na ilagay mo siya diyan, but it could be better to create a part na pwede mo siyang ilagay, 'yong tinatawag nilang "Front Matters" o di kaya'y "About the Book", which is found in the beginning of the story. Pwede mo ring ilagay doon ang Dates kung kailan ka nag-start at nag-end, some notes and acknowledges kung meron man.
Staring the story with "Prologue" already may not be a good thing- alam kong marami kang gustong pasalamatan o sabihin sa mga mambabasa mo so you can put it there.
CHARACTERIZATION:
Well, nakaligtaan mo ata ito- most stories started by describing your characters first. Their appearance- kung ano ang kulay ng buhok, mata, balat at kung ano-ano pa, and their personality. Kailangan mong magsimula diyan para malaman ng mga mambabasa mo kung ano ang mga itsura ng mga characters mo, okay?
DIALOGUE/NARRATION:
Okay lang din po yung pag-narrate niyo ng story, well-described po kung ano yung pangyayari, pero watch out lang po tayo sa tenses ha?
GRAMMATICAL/TYPO ERRORS:
Honestly, may mga konti po kayong typos- pero hindi naman siya ganoon kaseryoso. Well, since two parts pa lang po yung story niyo, I suggest na ilaan niyo po muna ng oras niyo sa pag-edit at pag-scan ng mga typos bawat chapter bago po kayo gumawa ng bago- sa ganitong paraan po ay makafocus na po kayo sa kasulukuyan niyong chapter at hindi niyo poproblemahin ang mga previous chapters niyo.
Watch out din po ulit sa tenses ha? And I see that you're good in using Taglish as your medium dito sa story na 'to- keep it up lang po.
OWN OPINION:
Well, medyo bitin pa po ako ng konti about sa story niyo- siguro dahil two parts pa lang, and somehow hindi pa konektado ang title mo sa storyline, but I'm looking forward sa mga next chapters mo. Thank you for the story you made, and thank you po dahil pinili niyo itong book club na'to. Just continue striving for success and I'm sure someday- magiging one of the best ang story mo na'to na kayang mong ipagmalaki sa buong mundo.
Good job and God bless po!!
CRITIC BY: Orieleiro20
"Drink your soju sulkkun!"
YOU ARE READING
Soju Writers Critique Shop
Random[Temporarily Closed: First Batch Closed] Welcome to "Soju Writers Critique Shop" a Wattpad based help offering constructive critiques for your stories. To decide whether or not you should be request a "Soju Writers Critique Shop", please acquaint yo...