Kabanata 3

285 60 2
                                    


No Boyfriend


Pangalawang araw ngayon ng eskwela. Pagkababa ko ng sasakyan namin ay napansin kong maaga yata ako ngayon.

Sinulyapan ko ang aking relo at napagtantong 6:10 pa lang ng umaga at ang unang klase namin ay 7:45. Oh? masyado ba akong excited? gayon paman ay napag pasyahan kong maglakad lakad nalang muna sa Activity Center.


Umupo ako sa gilid ng stage habang sinusubukang tawagan si Cyrille. Nag ring ito ngunit hindi siya sumasagot. Tumatakbo nanaman ang puso ko!

That last time I checked, okay na kami. Pero hindi parin ako nakakalimot sa ginawa niya. And never akong makakalimot! Never!

Am I paranoid again? Nakikipag talo nanaman ako saking sarili kung bubuksan ko pa ba ang Facebook account niya para maliwanagan.



Ilang minuto ay napag pasyahan kong buksan nga ito. Okay chill. Nagawa ko pang paypayan ang sarili ko at bumuntong hininga.


Nang nabuksan ko ito ay mensahe ko ang unang nag pop up doon. Binisita ko kaagad ang chatbox niya at napagtantong wala na siyang ka chat roon. Tanging GC lang nila ng mga pinsan niya ang mistulang nag iingay sa kanyang messenger, at hindi narin niya chinachat yung mga babae. Thankgod!

Bahagyang gumaan ang puso ko at kinagat ko ang aking pang ibabang labi.

“So early huh?”

Naagaw kaagad ang aking paningin sa lalaking nagsalita. Hawak hawak niya ang isang walis habang seryosong nakatitig sa akin. Tumuwid ako sa pagkakaupo at bahagyang pinagdikit ang dalawang hita.


Do I know him? Hindi ko siya sinagot dahil hindi naman ako nakikipag usap sa hindi ko kilala. Luminga linga ako sa paligid at nakita kong kaming dalawa lang pala ang nandito. Kinabahan agad ako.



Nagpatuloy parin ako sa pagtutok sa aking cellphone. Hindi narin naman niya ako kinausap. Habang naglilinis siya ay tinititigan ko siya. Hindi siya pamilyar at mukhang matanda lang siya ng kaunti sakin. Ang bata naman yata niyang Janitor? pawis na pawis na siya ngayon.


Matangkad siya ng bahagya kay Cyrille at mas mature ang features ng kanyang katawan. So manly huh? Kayumanggi ang kanyang balat at naka clean cut siya dahilan kung bakit napapansin ang perfect shape ng kanyang mukha.



Natigil siya sandali at napabaling sakin. Mabilis na nagtama ang aming mga mata at nagpakita ang ngiti sa kanyang mapula at mamasa masang labi. Nagsimula siyang magsalita ulit.



“Waiting for a boy?” Sabi niya at pinunasan ang kanyang pawis gamit ang isang towel na naka permi sa kanyang balikat.


Hinihintay ko naman talaga si Cyrille ngunit hindi ko aaminin yon! dahil baka tsismoso din ang isang ito at baka ipagkalat niya pa at malaman ni Mama ang tungkol samin, lalo na ngayon na lumiliit na ang mundo namin.


“I don't have a boyfriend!” may pagkairita sa boses ko.

Narinig kong may mga yapak galing sa likod ko. Nag angat ako ng tingin at sinubukang sundan ito. Kaagad kong naaninag si Cyrille na palapit sakin ngayon, hinihingal.


This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon