Kabanata 39

145 23 0
                                    

Spaghetti


Gumaan ang naging trabaho ko nang hindi na ulit nagpakita si Ludociel sa kanilang bahay. Ganon parin ang naging sitwasyon ni Abby, kinabukasan mabilis niya paring nakakalimutan ang mga lessons namin pero ma tiyaga ko paring inuulit ito sa kanya. Naka moveon narin kami sa mga colors at nasa mga letters na kami ngayon.


“Ma? matagal ka pa ba? walang maiiwan kay Calvin.” sabi ko habang nakatingin sa aking relo.

Malapit na ang klase namin ni Abby! ma lalate yata ako ngayon.

“Matagal pa ito, Je. Nasiraan kami ni Cyrille naghahanap pa kami ng malapit na talyer dito.” aniya.

“Naku! pano na to? oras na ng trabaho.” malungkot kong sinabi.

She sighed. “Mag absent ka muna, Jewel.”

“Naku hindi pwede sayang naman, Ma.” sabi ko at ibinaba ko na ang tawag.

Mabilis kong binihisan si Calvin ng isang kulay blue na polo shirt at maong shorts with belt at isang maputing sapatos. Pagkatapos ay kinarga ko na siya papasok ng aking sasakyan.

“Walang magbabantay sayo baby, kaya isasama nalang kita.” sabi ko habang tinitignan siyang naglalaro ng isang maliit na teddy bear.

“Ma-ma spag-he-” nabubulol niyang sinabi.


Mag diet kana Calvin oh? parang awa mo na! sumisikip nanaman mga damit mo, nagtitipid pa si Mama heheheh. Sana naman maintindihan ni Ludociel na kailangan kong isama si Calvin. Siguro magdadasal nalang ako na sana wala siya ngayon! Lord.. please?


Pagkababa ko ng sasakyan ay karga karga ko na si Calvin. Nakita ko ang pagka gulat sa mga mata ng mga kasambahay nang makita ako, agad naman silang napangiti nang nakita si Calvin.


“Ayy! ang cute! ang pogi naman.” ani kasambahay.

“Pamangkin mo mam?” tanong niya.

“My son.” sagot ko at tuluyan ng nakapasok sa loob ng bahay.

“May anak ka pala mam. Akala ko dalaga ka pa mam.” pahabol niya.


Nagpasalamat ako nang wala si Ludociel sa bahay, agad naglabas ng kuna ang kanilang kasambahay at inilagay ko si Calvin doon at bumaling na ako kay Abby. Napansin ko ang pangungunot ng noo ni Abby habang nakatitig siya kay Calvin.

“That's mine!” aniya at mabilis na tumakbo patungo sa kuna.

Hinahampas hampas niya ito at hinila. Mabilis na inawat ng mga kasambay ang nag wawalang si Abby at kinarga ko si Calvin na ngayon ay umiiyak na.

“Ayaw niya yatang ipagamit sa iba ang kuna niya, mam.” ani kasambahay.

“Mam akin na muna ang anak niyo, kami na ho muna bahala sa kanya hanggang sa matapos ang klase ninyo.” sabi ng isa pang kasambahay.


“Sige, pasensya na ho kayo sa abala.” sabi ko sabay bigay ko kay Calvin sa kanya.

Bumaling ako kay Abby na ngayon ay nakahawak parin sa kanyang kuna. Linapitan ko siya at hinimas ang kanyang likod.

“That's yours Abby. Only yours. Lets dance?” maligaya kong sabi sa kanya.

“Yes teacher!” aniya at mabilis na siyang pumwesto sa tabi ng kanyang upuan.



Naging maayos ang mood ni Abby pagkatapos naming mag energizer. She really loves to dance at bumubuti ang mood niya pag ginagawa ito. Hindi ko mapigilan ang pagsulyap sulyap sa anak ko na ngayon ay maligayang naglalaro kasama ang mga kasambahay. Kahit sino talagang makakita kay Calvin, gagaan talaga ang loob sa kanya.


Ilang sandali ay kumabog ang puso ko nang nasilayan ko ang swabeng pagpasok ni Ludociel sa loob ng bahay as usual naka formal attire siya, dahilan kung bakit mas lalong sumisigaw ang kanyang kakisigan.


Hala bakit siya nandito? malamang bahay niya ito. Siraulo na ba ako? mabilis ko siyang sinalubong para makapag paliwanag.


“Good afternoon sir. Uhh. Dinala ko kasi si Calvin dito sana ay-
hindi ko natapos dahil may nakita akong galit sa mga mata niya.

Nanliit ang kanyang mga mata at halatang dismayado. “At nag dala ka pa talaga ng lalaki dito?”


“Sir hindi-


“Tapusin mo nalang yang klase mo para makaalis na kayo.” masungit niyang sinabi at pumasok sa isang kwarto.



Hindi ako pwedeng umalis nalang basta ng hindi ako satisfied sa performance ko bilang isang guro. Binabayaran ako ng maayos kaya dapat kong tumbasan o higitan ang isusukli kong kalidad sa pagtururo. Inatasan ko munang mag sulat si Abby ng letters nang narinig kong malakas na umiyak si Calvin. dali dali akong lumabas ng studyroom at pinuntahan si Calvin.

Naabutan kong tinatahan siya ng mga kasambahay, agad akong lumapit sa kanila at kinarga siya.

“Mam baka nagugutom.” ani kasambahay.

“Ano hong gusto niyang kainin at ipagluluto ko mam.” aniya.

“Spaghetti!” ani Calvin.


Tumawa ang mga kasambahay sa naging sagot ng anak ko.


Hindi parin tumatahan si Calvin, sinasayaw ko na siya ngayon habang kinakarga hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa sala. Naabutan ko doon si Ludociel na nakatuon ang mga mata sa kanyang laptop. Sumasakit narin ang mga bisig ko sa kakakarga kay Calvin, may katabaan kasi ang batang ito. Nagulat nalang ako nang may biglang kumuha sa anak ko sa mga bisig ko.


Walang kahirap hirap na kinarga ni Ludociel ang anak ko gamit lamang ang isang kamay.


“Leave your son to me, go and continue your class.” pag uutos niya at tinalikuran na ako.

Lagi talaga siyang ganyan, sa tuwing magsasalita tatalikod rin pagkatapos. Mabibilang ko lang talaga sa daliri kung ilang segundo lang ang sandaling kaya niya akong kausapin.


Mabilis kong binalikan si Abby na ngayon ay naglalaro na ng kanyang barbie.

“Are you done, Abby?” tanong ko.


She smiled. “Yeah. What else teacher?”

Napangiti ako nang makita ang papel ni Abby. Hay salamat! at ginawa niya talaga kahit iniwan ko siya dito. A big thank you to you Abby dahil hindi mo ako pinahirapan ngayon! Nang natapos na ang klase ay mabilis akong naglakad patungo sa sala.



Napahinto ako nang nahagip ng aking paningin ang tumatawang si Calvin habang inaangat siya ni Ludociel sa ere. Ngayon ko lang yata narinig na humagikhik siya ng ganon kalakas.


“Superman!” ani Calvin at sabay taas ng kanyang kanang kamay.


Isang patak ng luha ang pinakawalan ng mga mata ko habang nakatingin sa mga mata ng anak ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. Napabaling din ako kay Ludociel na ngayon ay masayang nakipag hagikhikan kay Calvin.


Siguro kung pumabor lang sana ang tadhana samin noon, totoong anak niya sana itong yakap yakap niya ngayon. Edi sana ako ang ina ng anak niya. Edi sana kami yung pamilya ngayon. Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang nahuli kong sumulyap si Ludociel sakin. Mabilis ko silang nilapitan at umamba akong kunin si Calvin ngunit hinawi ng anak ko ang kamay ko.

“No!” aniya sabay pulupot ng mga kamay niya sa leeg ni Ludociel.

Oh no!


“Maam handa na po ang spaghetti ni Calvin.” ani kasambahay.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon