Kabanata 15

169 34 0
                                    

Sunset


Sa sobrang bilis ng panahon ay hindi ko na namalayang summer na pala. At sa susunod na pasukan ay mag co-college na ako.


“Ano bang course gusto mo?” ani Paula sakin habang kumakain ng chicharon.

Natigil ako sa pag aasikaso sa aming table. “Education bakit?”

“Buti ka pa meron na.” ani Grace

“e ikaw? anong sayo?” tanong ko naman sa kanya.

She sighed. “Business Ad. Ang gusto ni Papa para sakin e. Alam mo na, ako yung magmamana.”

“Wag na nga muna tayong mag usap tungkol dyan! yan ba pinunta natin dito?” ani Isabela na naka swimsuit na.

Nag angat ako ng tingin. Ano kayang kinabukasan ng babaeng to kahit siguro magunaw na yung mundo chill parin ang isang ito.



Naka t-shirt parin ako at shorts pero naka bekini na ako sa ilalim nito. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan kong lumalangoy na sa dagat. Dala dala ko na ang aking salbabida para kahit papaano ay mag enjoy naman ako sa dagat. Ako lang kasi ang hindi marunong lumangoy.


Ngumisi ako nang makita ang mga batang pinaglalaruan ang mga buhangin, pinili kong sumali muna sa kanila bago sumisid sa dagat. Kahit lumalabo na ang memorya ko sa nakaraan ay hinding hindi ko parin makakalimutan ang hilig namin ni Papa gumawa ng castle.


“Hi. Ano gawa niyo?” tanong ko at umupo sa tabi nila.

Ngumiti ang dalawang cute na mga bata na tingin ko ay nasa 3-4 years old. Sa tingin ko ay kambal sila dahil para lang silang pinagbiyak na bunga! Pareho ring color pink ang kanilang mga swimsuit.

“I'm building a castle!” sabi ng isang bata.

“Oh! that's nice. Can I join?” masigla kong tanong.

Tumango lang sila at ngumiti. Nang natapos namin ang ginagawa ay nasira lang ito ng isang malakas na alon. Nakita kong napawi ang ngiti ng mga bata at unti-unti na silang umiiyak ngayon. Oh no!


“Oh! baby what happened?” malambing na sinabi ng isang magandang babae na papalapit sa amin.

“Ate!” sabi ng bata sabay iyak.

Habang papalapit ang babae sa kinauupuan namin ay may sumunod sa kanyang nakatopless na lalaki. Sa moreno niya palang balat ay nakilala ko kaagad siya. Nagpapanic na ang dalawang bata at hinahampas ang mga kamay ko. Mukhang ako pa yata ang sinisisi nito ah?

Tumayo ako at sinubukang aluhin sila ngunit niyakap na sila ng babae.

“I'm sorry for the noise.” sabi ng ate ng mga bata at agad tinahan ang mga umiiyak niyang mga kapatid.

"Myrna-" Tawag ni Ludociel sa babae.

Mabilis na nagtama ang aming mga mata at mukhang wala na siyang balak dugtungan pa ang kanyang sinabi.

Nasaksihan ko ang pag init ng pisngi ng babae nang titigan si Ludociel. "Ako na ang bahala dito, don't worry too much."

Kumunot ang noo ko. Sila ba? Umatras ako at umambang talikuran sila.

“Anong nangyari? inaway mo?” ani Ludociel at tumingin sakin.

“Ofcourse not!” sagot ko kaagad.

“Don't blame her, Ludociel.” ani babae at ngumiti sakin.


Sino kaya to? wala naman siyang kapatid. Kinarga ni Ludociel ang isang bata at dinala niya ito malapit sa dagat. Habang naglalakad siya ay sinundan ko na siya.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon