Kabanata 32

143 23 0
                                    

Warning : SPG.
Read and imagine moderately.


Don't Stop


Sa kalagitnaan ng inuman naming dalawa ay nakita ko ang pamumula ng mukha ni Ludociel ngayon. Napatawa nalang ako nang napansin kong pati mga mata niya ay namumula narin.



“Oh! isa pang shot.” sabi ko sabay lahad ng baso sa kanya.

Hinawi niya ito gamit ang kanang kamay.

“You are crazy. Ako lang ang pinaiinom mo.” aniya at binalik sakin ang baso.

Ngumuso ako.

“Akala ko ba ayaw mong umiinom ako?” pagdadahilan ko.

Kinagat niya ang pang ibabang labi. “Linalasing mo ako.”

“Anong klase ka bang tao pag lasing? I want to know, Ludociel.” sabi ko at ngumisi.




Kilala ko siya bilang isang seryoso at hardworking na tao. Gusto kong malaman ang other side niya kahit pa ang worst side niya. Pinagmasdan ko ang mga bote ng alak at nakita kong last shot na niya itong ilalahad ko sa kanya. Mabilis kong ibinigay sa kanya ang baso at mabilis niya rin itong ininom. Habang inuubos kong kainin ang mga chichirya ay napansin kong pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri at nagsimulang mag salita.



“Kawawa si Sarah inaalipin ni Miss Minchin.” aniya gamit ang lasing na boses.

Oh?

Tinakpan ko ang bibig ko. Sinubukan kong pigilan ang paghalakhak ko.

“Iligtas natin si Sarah!” pagpipilit niya.

Nag angat ako ng tingin. "Oh? Sa tingin ko unahin muna natin si Dora. Kasi alam mo na, masyadong dilikado ang panahon ngayon maraming masasamang loob. Baka mapano siya."

Nanliit ang kanyang mga mata. Pagod siyang yumuko at ngumuso. "Okay. I don't think Dora needs help. She's enjoying her life as a kid, tanga nga lang."

Halos mamula ako sa kakatawa.


Ilang sandali ay narinig ko pa siyang kumanta.


“Tayo na sa sine skwela tuklasin natin ang siyensya buksan ang pag iisip tayoy likas na scientist” aniya habang nakapikit.


Lumapit na ako sa kanya at sinabayan siya sa pag kanta. Ilang sandali ay idinilat niya ang kanyang mga mata at kumunot ang kanyang noo.


“Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa bahay ko?” masungit niyang tanong.

“Si jewel.” sagot ko sa kanya.

“Hindi ikaw yan! Maganda si Jewel.” pagsaway niya.


Aba! anong ibig mong sabihin pangit ako? Lumapit ako sa kanya at hinilig ko ang kanyang ulo sa balikat ko. Ilang sandali pa siyang nagpumiglas pero di nagtagal ay kumalma narin siya. Tinapik ko ang kanyang leeg at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na siya.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon