Kabanata 44

146 22 0
                                    

Jealous


Kinabukasan ay humingi na ako ng pasensya kay Henry dahil hindi ko na siya nahintay kagabi, mabuti nalang at naintindihan niya ako.



Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay si Calvin naman ang inayosan ko, habang inaayos ko ang snowcap ni Calvin ay tumunog ang cellphone ko.

Isang unknown number ang tumatawag. Tinitigan ko pa ito ng ilang sandali bago ko napag pasyahang sagutin ang tawag.


“Hello?” panimula ko.

“Baby, nasa labas na ako.” ani Ludociel.

Baby?

Huh?

Bakit siya nandito? Magsasalita pa sana ako pero ibinaba na niya ang tawag.


Mabilis kong kinarga si Calvin at sinuot ko na ang aking bag na may lamang mga gamit niya. Pagkarating ko sa aming sala ay naabutan ko na sina Ludociel, Mama at Cyrille na nagtatawanan. Talaga ba? kailan pa kayo naging close? mabilis na tumayo si Ludociel nang makita ako.


“Take care, Jewel.” ani Mama.

Hala ka, tinataboy niya ba ako? uupo pa sana nang mabilis na kinuha ni Ludociel si Calvin sa mga bisig ko nanigas ako sa ginawa niya. Nakita ko pang tahimik na ngumiti si Cyrille sa nakita.


“Superman.” ani Calvin at pumalakpak.


“Uhh, Ma. Mag mamall lang kami ni Calvin bibili ako ng ilang damit niya, lumalaki na kasi.” sabi ko sabay ayos sa damit ni Calvin.

“I told you, nag o-overweight na si Calvin.” tumawa si Cyrille.

“Sasamahan ko na sila tita.” ani Ludociel sabay hawak sa baywang ko.


“No problem.” she smiled.




Hawak parin ni Ludociel si Calvin habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Hindi ko parin matanggal ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa.


“I missed that smile.” ani Ludociel nang nahuli akong palihim na ngumiti.

Mabilis kong winala ang ngisi ko at nag iwas ng tingin.

He smirked. "Oh, huwag ka ngang mahiya."

Kumunot ang noo ko at inirapan siya.

“Bakit ka nga pala napasugod sa bahay?” seryoso kong tanong.

“Napasugod? I think the right word is napadalaw.” pagtatama niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa manibela.

“Whatever!” mabilis kong sinabi.


“Whatever.” ani Calvin.

At napatawa nalang kami sa pang gagaya ni Calvin.


“I love you.” ani Ludociel at inilagay ang isang kamay sa aking hita.

Tumayo kaagad ang balahibo ko.

“luv yu moma.” ani Calvin.

Ganyan talaga siya, halos lahat ng marinig niya ginagaya niya.

“I love you too.” malambing kong sinabi.

“Para kanino?” ani Ludociel na ngayon ay itinaas ang isang kilay.

“Para sa anak ko.” sabi ko.

Nasaksihan ko ang pagngiwi niya.



Pagkarating namin sa JMall ay agad kong tinahak ang kids wear.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon