Kabanata 38

141 23 0
                                    

Mango


Pagkarating ko sa bahay ni Ludociel ay agad kong ipinark ang sasakyan ko sa labas ng kanilang bahay. Nakita kong may isang BMW na nakapark narin doon. Kinabahan kaagad ako. Nandito kaya siya? eh, ano naman kung nandito nga?



Nasa pintuan pa lamang ako nang binati na ako ng mga kasambahay. Isa isa ko silang ginawaran ng ngiti. Naagaw ang aming atensyon nang may narinig kaming isang sigaw ng umiiyak na bata. Mabilis kong hinanap ang sigaw na iyon at dinala ako ng mga paa ko sa kanilang malawak na sala.


Naaninag ko ang malapad na balikat ng isang lalaki na ngayon ay nakatalikod sa harap ko.

Umindak kaagad ang puso ko.

Agaw pansin ang kanyang katangkaran at ang pag mature ng kanyang katawan, nabulabog ang paninitig ko sa kanya nang nakita kong nag wawala na si Abby at tinatapunan niya ng mga laruan si Ludociel, panay naman ang panunuyo at ilag ni Ludociel sa kanya.


“Go away! I'm gonna punch you!” pagbabanta ni Abby.

Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa at hinarap ko si Abby.


“Abby, calm down.” sabi ko sabay pakita ko sa kamay kong itinaas baba ko.

Tumitig siya dito at sinabayan niya ito ng paghinga.

Nilapitan ko siya at agad hinimas ang kanyang likod.


“Let's dance?” maligaya kong sinabi.


“Yes teacher!” aniya at agad tumakbo sa study room.


Pagkaalis ni Abby ay naabutan ko si Ludociel na parang gulat pa sa nangyari.


“Goodmorning, sir.” panimula ko.

Tumuwid ako sa pagkakatayo nang bahagyang nanginig ang mga tuhod ko.

“Goodmorning.” malamig niyang tugon.

Sinubukan kong hagilapin ang kanyang paningin ngunit hindi na siya nag abalang tingnan ako.


Batid kong mukhang papasok siya sa trabaho ngayon dahil naka formal attire siya, pero nang nagsimula na akong humakbang papunta sa study room ay naramdaman ko ang mga yapak niya sa likuran ko.

I swallowed hard.


“Ako na ang bahala kay Abby, sir.” sabi ko ng hindi siya tinitignan.

“Yeah.” aniya pero hindi parin siya tumigil sa paglalakad sa likuran ko.


Humarap ako sa kanya para sana e assure sa kanya na wala na siyang dapat ipag alala pa. Ngunit napaatras ako nang nakita kong matalim niya akong tiningnan hanggang sa napasandal na ako sa pintuan. Lumapit ang katawan niya sakin at napapikit ako.

I can sense that he is mad at me. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat ng mga tingin niya sakin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na maaaring tungkol ito sa nakaraan namin, kasi ang tagal na non! Dekada na! Siguro naman naka move on na siya. Hindi naman siguro siya ganito kababaw!



“Excuse me.” aniya at binuksan na ang pintuan.


Natapilok pa ang kanang paa ko dahil sa biglaang pag atras ko. Inayos ko ang aking sarili at pumasok narin sa loob. Damn it!

Naabutan ko silang naglalaro ngayon. Kahit pala gaano kalaki ang katawan mo o kahit gaano ka pa ka astig tignan, pag ang anak mo na talaga ang nakikipag laro sayo ay napapasunod ka talaga sa gusto nito.


This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon