Kabanata 18

151 29 0
                                    

Galit


Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang pinahiram na tshirt ni Ludociel sakin. Plain white ito at mistulang naging dress ko na nga ito. Pagkalabas ko ng Cr ay naabotan ko na siyang natutulog sa sala. Pawisan siya ngunit mahimbing parin ang tulog, iniwan ko na siya roon at pumasok na sa kanyang kwarto.



Simple at malinis lang ito at walang masyadong gamit. May study table siya sa paanan ng kanyang kama at isang malaking wooden cabinet sa kaliwang banda ng silid na ito. May isang electricfan na nakatayo sa tapat ng kama, nasa sala pa ito kanina ah? anyway thanks for your generosity Ludociel at humiga na ako sa kanyang kama. Kaagad naman akong nakatulog dahil sa pagod.


Umaga nang nagising ako dahil sa matinding gutom. Lumabas kaagad ako at napatantong umalis na nga siya. Nakita kong may naiwang pagkain sa mesa at may isang sticky note na nakadikit sa table pinulot ko kaagad ito at binasa.

“Eat and go home safely.”

Ngumiti ako at sinimulan ko ng kumain. Itlog at ham ang iniwan niyang ulam sa hapag, na guilty tuloy ako dahil hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya. Nang natapos akong kumain ay narinig kong bumukas ang pintuan. Mabilis akong nagtungo roon at nakita ko si Myrna.


Nanlaki ang mata niya nang makita ako. “Andito kapa pala.”


Bakit basta basta nalang siyang pumapasok dito? ganito ba talaga siya? ano kayang ginagawa nila ni Ludociel pag silang dalawa lang ang nandito?


“Uhh. Paalis narin ako.” pagdadahilan ko at tinalikuran na siya.

“Huwag ka ng bumalik.” aniya

Nagulat ako sa sinabi niya at hinarap ko siya. “Hindi nanaman talaga ako babalik dito hilingin mo man o hindi.”

“Mabuti. Dahil sasagotin ko na siya at ayokong makitang may dinadala siyang babae dito.” aniya at umalis.

So nililigawan pala siya ni Ludociel. So what? who cares?


Pumasok ako ng bahay namin na parang wala lang nangyari. Nang nakarating ako sa aming living room ay naaninag ko si Cyrille na nakahiga sa sofa at naka pwesto ang kanyang ulo sa mga hita ni Mama. Nagtawanan sila habang hinahaplos ni Mama ang buhok ni Cyrille. What a scene!


Naglakad nalang ako patungo sa aking kwarto nang narinig kong nagsalita si Mama.


“Where have you been?” panimula niya.

“Sa kaibigan ko lang, Ma.” sagot ko.

She raised her eyebrow. “Bakit hindi ka umuwi?”

Hinarap ko na siya. “Hindi ko kayang manatili dito, Ma.” pag amin ko.

“See? Marianne aalis nalang ako para hindi na niya kailangang umalis.” sabat ni Cyrille

“No! walang aalis! ito na ba? ito na ba ang paraan ng pag rerebelde mo Louise?” she said angrily.

“Hindi ako nag re-
hindi ko natapos dahil sinapawan na niya ako.

“Huwag mo akong galitin Louise! hindi mo na ba ako nirerespeto? I can't believe nagpalaki ako ng ganitong klaseng bata sa pamamahay ko! One wrong move louise at makakarating ito sa lolo mo!” pagbabanta niya.

“Wala akong gina-
sinapawan niya na naman ako.

“Sumasagot kapa.” aniya sa mataas na boses.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon