Kabanata 8

213 46 1
                                    

Baliw

Pagkauwi ay naging laman parin ng utak ko ang pag uusap nina Mama at Cyrille. Pag nalaman ba ni Mama ang relasyon namin ay bukod sa magagalit ay madidismaya kaya siya? dahil bulakbol ang boyfriend ko? hindi naman sa bulakbol pero parang ganon na nga.


Habang seryoso kaming nagtitipon sa mahabang table ng library. Napansin kong wala parin si Grace. Siya pa naman yung leader sa Research paper namin pano nato?

“So ayun na nga, gusto kong pag aralan natin yung lived experiences ng mga prostitutes.” sabi ni Isabel

“Pano yan? itatanong natin sa kanila kung ilang lalaki ang naikakama nila sa isang araw? o kaya magkano ang estimated payment sa kanila ng isang costumer? per hour ba yon?” may kuryosidad sa boses ko.

“Seriously, yan gusto niyo?” disappointed na tanong ni Monica.

“Easy, naisip ko lang naman eh.” sabi ko sabay taas sa dalawang kamay ko.

Tumuwid ako sa pagkakaupo nang napagtantong naagaw namin ang atensyon ng mga mambabasa.

“I want something sensible.” ani Monica sabay hawak sa ulo niya at halatang nag iisip.

“Pano kaya kung mga street vendors? Titingnan natin kung magkano yung kinikita-
hindi na natapos ni Paula ang suggestion niya dahil pinutol na siya ni Monica.

Mas lalong umiling si Monica at napamura. “Ano ka ABM? Humss tayo, uyy.”


Ang sungit talaga nito oh. Kapag school works na ang pinag uusapan nag iiba talaga ugali nito. Perfectionist kasi ito natatakot magkamali kahit nga may mali lang siyang isa sa test ikina dedepress niya na ito. Ikinahihiya niya pa ang sarili niya pag nakakuha siya ng markang less than 95. She is the most competitive person I know.


Habang pinagmamasdan ko si Monica, nakakain talaga ng makapal niyang eye glasses ang buong mukha niya. Ang liit lang kasi ng mukha niya actually. Bakas sa mukha niya ang pagka stress niya ngayon. Habang sina Paula at Isabela ay nag eenjoy lang sa free wifi dito.


“Sorry, I'm late.” sabi ni Grace na kakarating lang at nagpupunas pa ng pawis.

“Ba't ka natagalan?” seryoso kong tanong.

She rolled her eyes. “Ah, hmmm. Kinausap ko lang ang kuya ko.”

“Eh ano pa nga ba? Upo na.” ani Isabela at tinuro ang bakanteng upuan sa tapat ko.


Ilang oras ang ginugol namin sa pag iisip kung ano ba talaga ang Research topic namin. Ngayon kasi kukunin ni Mama ang topic namin. By the way siya din ang research teacher namin ngayong second sem. Aniya ay bibigyan niya ng 50 points kung sino mang grupo ang makakapag submit sa kanya ng research topic ngayon.


Seryosong nakatingin sakin si Grace habang nakahawak parin sa puting mouse ng kanyang laptop. "Jewel?"


“What?” agad kong sagot ng hindi siya tinitingnan. Abala kasi ako sa pakikipag chat kay Cyrille.



Cyrille :

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon