Kabanata 30

144 23 0
                                    

Mapanghusga


“What have you done, Marianne? at takot na takot sakin ang apo ko?” patawang sinabi ni lolo.



Nagawa kong hawakan ang kamay ni lolo at nagmano. Tipid rin akong ngumiti sa kanya. Ilang sandali ay biglang sumulpot si Manang Fe sa tabi ko.


“Oh! Alex nandito kana pala.” ani Manang.

“Aba! Pabata pala ng pa bata itong si fe. Baka mamaya pag nagkita tayo ulit e, sanggol kana.” pagbibiro ni lolo.

Tumawa nalang kami dahil sa sinabi ni lolo.

Likas na palabiro itong si lolo noon pa man, naalala ko pa noong bata pa lamang ako, nagpa iksi ako ng buhok tapos sinabihan niya ako na kamukha ko na raw si Madam Auring kaya grabe yung iniyak ko noon, mas naniwala pa talaga ako sa kanya kaysa sa salamin. Pero kahit ganon hindi parin maipagkakaila ang pagka strikto niya, maaaring dinadaan niya lang sa biro ang lahat. Maaaring nagkukunwari lang siyang walang alam pero nakamasid na pala siya sa mga ikinikilos mo, kilala siya ng lahat sa pagiging pulido niya.


Ano kayang magiging reaksyon ni lolo pag nalaman niya yung tungkol samin ni Ludociel? maiintindihan niya kaya?


“Uhh. Grandpa?” panimula ko habang lumalakad papalapit sa kanya dala dala ang kapeng itinimpla ko para sa kanya.


Bumaling siya sakin habang hawakhawak parin ang newspaper na nasa dalawang kamay niya.


“Jewel.” tanging tugon niya.

“Bakit nga po pala napadalaw kayo grandpa?” tanong ko at tumabi narin sa gilid niya.


“May sasabihin daw ang Mama mo sakin day.” aniya at tinitigan ako.

Yung mga titig niya, para bang sinusuri niya ako. Nagkukunwari ba siya? o may alam na talaga siya?

"May sasabihin ka, day? You look stressed." He smirked.

I cleared my throat. “Mga ilang araw ka dito grandpa?”


“Hangga't wala pa akong napapatay.” aniya


Napaawang ang labi ko.

“Biro lang day.” aniya sabay tawa.

Kakatapos ko lang maligo nang binuhay ko ang cellphone ko. Mga mensahe ni Ludociel ang unang tumambad sa screen.


Ludociel :

Please answer my call.

Louise, where the hell are you?

Are you killing me?


Mabilis akong nag reply sa kanya. Sobra ko pala siyang pinag alala!


Ako

Nasa bahay lang. Nandito na kasi si
lolo, naging busy lang :)


Ilang minuto akong naghintay ng reply niya ngunit wala akong natanggap, busy siguro siya sa trabaho. Minabuti kong tumulong muna kay Manang fe na abala na ngayon sa paghahanda ng dinner.


“Ako na dito.” saway niya


“Ako na, Manang. Wala kasi akong ginagawa.” pagpipilit ko.

Natigilan siya at sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.


“Bakit po?” kuryoso kong tanong.


This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon