Kabanata 28

142 25 0
                                    

Yakap


Nagising ako dahil sa sobrang pananakit ng aking ulo. Tinitigan ko ang kisame at hinawakan ang aking labi, totoo kaya lahat ng nangyari kagabi? totoo bang hinalikan niya talaga ako? Nabulabog ang aking pag iisip nang tumunog ang cellphone ko dahil sa alarm.

Nasapo ko ang aking noo. Alas dies na pala!

Mabilis kong hinablot ang tuwalya at agarang naligo. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto, nahagip ko kaagad ang mga mata ni Ludociel na nakatitig sakin.


“Goodmorning.” he smiled.

Umindak ang puso ko.

“Goodmorning.” I smiled.

Bumaba ang paningin ko sa mga papel at libro na nasa table.

“Anong ginagawa mo?” kuryoso kong tanong.

“I'm studying.” aniya at nakatutok na ngayon sa kanyang libro.

Bakit ba siya dito nag aaral? hindi naman sa pinapaalis ko siya pero..


Ginawa ko ang aking daily routine naglaba ako, naghugas ng pinggan at tsaka naglinis. Nagluto narin ako ng tanghalian namin ni Ludociel as always sinigang na isda. Pagkatapos kong gawin ang lahat ay sumulyap ako kay Ludociel na hanggang ngayon ay abala parin sa ginagawa. Ewan ko ba pero mas lalo akong humahanga sa pagiging hardworking niya. Siguro kung kasal na kami, sobrang workaholic siguro ng isang ito. May time pa kaya siya samin ng mga anak niya?


Lumapit ako sa kanya para sana yayain siyang kumain ngunit hindi pa ako nakapagsalita ay hinigit na niya ang baywang ko, dahilan kung bakit ako napaupo sa mga hita niya.

Napatili ako sa ginawa niya.


Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig habang ang mga mata niya ay patuloy paring nakatuon sa librong nasa harapan namin ngayon. Sumayaw nanaman ang puso ko dahil sa kuryenteng nanunuot sa kalamnan ko ngayon! pinagpawisan pa ako ng kaunti sa aking noo.


“Kain na tayo.” anyaya ko sa kanya.

“Maya na.” aniya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

“Akala ko ba nag aaral ka?” tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

“Yeah, I just need motivation.” aniya at hinigpitan ang yakap niya galing sa aking likuran.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pintig ng kanyang puso. Posible pala yon? Hindi ko akalaing kinakabahan pala siya ngayon.

Palihim akong ngumiti at kinagat ang pang ibabang labi. Sinubukan kong basahin at intindihin ang kanyang libro pero umaatras talaga ang utak ko kapag mga numero na ang usapan.


Nagulat kami dahil sa biglang pagbukas ng pintuan. Sabay kaming lumingon doon at naaninag ko ang gulat sa mukha ni Jysele. Teka ba't siya nandito? mabilis akong nataranta at tumayo habang si Ludociel naman ay nananatiling kalmado parin. Nagawa ko pang sumulyap sa likuran ni Jysele at nakita ko ang iritadong mukha ni Myrna, siguro iginiya niya ang kapatid ko papunta sa silid ko.


“Ate.” ani Jysele at ngumiti.

Halata parin sa mga mata niya na naguguluhan siya sa nakita at marami siyang gustong itanong.

“Baby.” sabi ko sabay yakap sa kanya.

“I missed you.” she whispered.


This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon