Kabanata 37

147 26 0
                                    

First Day

Nagulat ako sa 6 digits na pa sweldo ng trabahong inalok ni Grace sakin. Aniya malapit daw sa kanya ang magiging boss ko kaya nag offer siyang siya na mismo ang mag abot ng mga documents ko sa magiging boss ko. Home School ito kaya mas malaki ang sweldo pero hindi ko akalaing ganito ito kalaki.

Ilang araw ang lumipas ay nakatanggap ako ng tawag galing sa isang babae aniya ay sekretarya daw siya ng aking magiging boss at natanggap na raw ako. Syempre natuwa ako pero hindi mawala sa isip ko ang pagdududa kung totoo ba talaga lahat ng narinig ko kasi ngayon lang yata ako nakapag apply na hindi ko man lang kilala kung sino talaga ang inaaplyan ko.




Naguguilty tuloy ako dahil tingin ko mas napadali lang ang pagkatanggap ko dahil kay Grace, ang unfair naman para sa ibang empleyado na matiyagang nag apply samantalang ako ni hindi man lang pinagpawisan.

“Ihahatid kita sa first day mo.” ani Grace sa kabilang linya.

“Hindi na Grace alam ko nanaman ang address, sobra sobra na ang naitulong mo sakin.” nahihiya kong sambit.

“Ayos lang. Wala naman akong gagawin bukas ng umaga.” aniya.

“Oh sige fine. Basta agahan mo ang punta sa bahay, ayaw kong ma late lalo na't first day ko bukas.” sabi ko.

Tumawa siya. “Alright maam.”



Maaga akong nagising at naligo. Pinili ko ang isang floral na pencil skirt at isang color white na long sleeves at tinupi ko ito hanggang siko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sakto namang yumakap itong suot ko sa aking manipis na katawan. Sinuot ko kaagad ang puting heels at naglagay narin ng simpleng make up sa aking mukha.

Pagkababa ko ay agad kong naaninag si Grace na nagkakape sa aming sala, ngumiti siya nang nakita ako.

“Truly beautiful.” he smiled.

“Thanks. You also.” sabi ko at ngumiti narin.

Lumapit ako sa anak kong pinapakain na ni Mama ngayon. Nakita kong may mga sauce pa ng spaghetti ang kanyang magkabilang pisngi kaya sa ulo ko nalang siya hinalikan.

“Take care, Jewel.” ani Mama habang sinusubuan si Calvin.

“Yeah. Ikaw na muna bahala kay Calvin, Ma.” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.



Pagkapasok ko sa sasakyan ni Grace ay pinaharurot na niya agad ito at mabilis kaming nakalayo sa aming bahay.

“Sino ba talaga itong boss ko?” tanong ko nang nakaramdam ako ng kaba.

“Chill. Mabait siya tsaka palagi naman siyang wala kaya ang lagi mo lang kasama sa bahay ay ang mga katulong.” aniya habang nakatingin ang mga mata sa daan.

“Ilang taon ang bata?” seryoso kong tanong.

“9 Years old with Intellectual Disability.” aniya.

I nodded. “Alright.”




Pagkababa namin ng sasakyan ay nabusog ang mga mata ko sa pagtitig sa bahay na nasa harapan namin. Ang ganda naman! siguro ang yaman ng boss ko! nakita kong pumasok kaagad si Grace sa loob ng gate na para bang siya mismo ang nakatira dito.

“Hoy! doorbell muna.” sabi ko at sumunod narin sa kanya.

“Good morning maam Grace.” ani kasambahay at ngumiti narin sakin.


This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon