Kabanata 35

140 23 0
                                    

Strength


“Mama spaghetti.” pagmamakaawa ng anak kong si Calvin.

Nasapo ko ang aking noo.

Tumawa si Cyrille at inangat niya si Calvin. “Ang takaw takaw naman ng baby boy namin.”

“Ako na dito Je. Asikasuhin mo muna ang mga bisita.” ani Mama na ngayon ay abala sa pagluluto.


Mabilis akong nagtungo sa kitchen at nilagyan ko ng mga pagkain ang mga packlunch. Si Jysele naman ay abala sa pag hahanda ng mga prices para sa games na magsisimula na mamaya. Ilang sandali ay natigilan ako nang tumunog ang Cellphone ko.



“Hi!” ani Monica sabay ngiti sa screen.


“Anong sadya mo uyy.” I smiled.

“Hindi ikaw ang sadya ko. Asan ba ang birthday boy?” masungit niyang tanong.

“Naku! nagbibihis pa yata ng costume niya. Mamaya padadalhan kita ng pictures niya.” sabi ko.

“Ay? matagal pa ba?” tanong niya at humikab.

“Malapit na. Alam kong gabi na dyan kaya matulog ka na.” I said.

Ngumuso siya at pagod na kumaway bago niya ibinaba ang tawag.


Karga karga ko na si Calvin ngayon habang naglalakad ako papunta sa aming garden, dito kasi ang venue ng Children's Party. Pagkarating ko sa garden ay naaninag ko ang napakaraming mga bata na naka superhero costume. Mas lalo silang naghiyawan nang may dumating na mga mascot na sina Spiderman at Iron man.


Agad namang kumalas si Calvin sa mga bisig ko at tumakbo palapit sa dalawang mga mascot, yumakap siya dito at pumapalakpak. Kinunan ko siya ng mga litrato kasama ang paborito niyang superheroes. Ilang sandali ay nagsimula ng umingay ang music at nagsayawan na ang mga bata habang si Calvin naman at ang dalawang mascots ay gumiling giling na din sa stage.



Kontento na ako sa buhay kasama ang anak ko. Siya ang nagbigay kulay sa buhay ko. He is my strength and will always be.



Naka simpleng white dress lang ako at nakalugay ang aking buhok, habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin, ay hindi ko na mahanap ang kislap at kaligayahan sa aking mga mata. Ang konsepto ko sa kasal noong bata pa ako ay nakasuot ako ng isang maputi, makintab at napaka habang gown samantalang ang hawak kong boquet ay nagsusumigaw sa karikitan at mga makukulay na mga bulaklak.



Habang naglalakad ako sa red carpet ay maiiyak ako dahil sa kagalakan na nararamdaman at nagpupugay ang mga tao nang makita akong naglalakad papalapit sa aking prince charming. Sabay kaming mangangako sa isa't isa at mag I do tapos maghihiyawan ang mga tao pagkasabi ng pari ng "you may kiss the bride."





Ang mundong ito ay hindi isang fairytale. Hindi lahat may happy ending at unti unti ko ng tinatanggap na ang konsepto ko sa kasal ay mananatiling sa isipan ko na lamang.


“Sigurado kana ba talaga dito?” ani Mama.

“Oo naman ma. Pa expire na ang visa ko e.” pagdadahilan ko.


“Pwede ka namang umatras, Je.” may pag aalala sa kanyang boses.


“Ngayon na ang kasal, Ma. Ngayon pa ba ako aatras?” tanong ko.

Bakas parin sa mga mata niya ang pag aalinlangan. I know we both have the same concept of a wedding. But..




“You may kiss the bride.”



This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon