Kabanata 29

133 21 0
                                    

Mali


“My long lost daughter.” ani Mama sabay yakap sakin.

“Mama naman!” pagreklamo ko.


Kumain na kami sa hapag. Hindi ko mapigilan ang paglantakan sa mga pagkaing hinanda ni Mama. Namiss ko talaga to! ang tagal ko ring hindi nakakain ng ganito.


“Talaga bang patay gutom ka nitong nakaraang buwan, Jewel?” natatawang tanong ni Cyrille.

Ngumisi lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.


“Hayaan mo na, namiss niya yan.” ani Mama.

Dahil ako ang mabilis kumain ay ako rin ang naunang natapos. Pinagmasdan ko nalang silang lahat na abala parin sa pagkain. Nakita kong sinubuan ni Mama si Cyrille ng spaghetti. Sabay napangiwi ang mga kaibigan ko sa nakita.


Tumawa nalang ako at inabala ang sarili sa pag babalat ng orange. This is truly awkward but kailangan kong masanay sa ganito. Nahagip ko ang paningin ni Mama na ngayon ay nakangiting nakatitig sakin. Punong puno ng kasiyahan at pagmamahal ang kanyang mga mapupungay na mga mata.



Hindi ko maiwasang hindi punahin ang gaan ng nararamdaman ko ngayon. Nakaramdam ako ng kagalakan sa aking puso habang pinagmamasdan si Mama na masayang nakikipag usap kay Cyrille. Hindi ko pinagsisihan na minsan kong nilisan ang tahanang ito dahil don, nakamit ko ang estado ng puso ko ngayon.


“Are you okay?” ani Grace


“Oo naman! masaya ako dahil nakabalik na ako.” sabi ko sabay ngiti sa kanya.



Pumunta ako sa Engineering Department at agad kong nahanap si Ludociel na naglilinis doon. Papalapit palang ako ay itinigil na niya ang kanyang ginagawa at sinalubong agad ako ng yakap. Napansin ko rin ang pagtitig ng mga taong naroon at ang kanilang pagbubulong bulongan. Kumalas kaagad ako sa kanyang mga bisig.

“What's wrong?” natatawa niyang sinabi.

Ngumuso ako.

“Wag ka ngang masyadong PDA.”  I complained.

Nanliit ang kanyang mga mata. “Bakit? may magagalit ba? wag mong sabihing ikinahihiya mo ako?”

“No! of course not!” mabilis kong tanggi.

“That's my girl!” aniya at pinisil ang aking pisngi.

“Tara na! mag date na tayo!” sabi ko sabay higit sa kanyang tshirt.

He smirked. Inayos niya ang kanyang tshirt at pilit na pinakalma ako. Damn it! I missed him!


“Oh! easy baby.” aniya sabay gulo sa aking buhok.

Hinawi ko kaagad ang kamay niya. Shit! my hair!

“Tatapusin ko lang to sandali.” aniya at kumuha ng isang upuan galing sa loob ng classroom at inilahad niya ito sakin.


“Sit.” he commanded.

"Patagal pa ba yan?" Umirap ako sa kawalan at pinili nalang umupo.


Pinagmasdan ko siya habang naglilinis. Mukha talaga siyang big time na mabait na amo at tinutulungan ang kanyang mga trabahador na maibsan ang kanilang pagod. Kahit sa totoong mundo siya itong trabahador dito pero kung pag mamasdan mo lang talaga siya, mabilis mong maitatangging hindi.


Diyos ba siya? bakit napaka perpekto niya? Habang nakatunganga ako ay nahagip ng paningin ko ang mga babaeng palihim na sumusulyap sulyap sa kanya.



Mabilis akong tumayo at kumuha ng isa pang mop at ginaya ko ang ginagawa ni Ludociel. Nakita kong natigil siya dahil sa ginawa ko at nakapamaywang na siya ngayon.



“What the hell are you doing Louise!” tumaas na ang kanyang boses at hinablot ang mop na hawak ko.


“Shit! Give that to me! I can't just sit here and watch you. Gusto kong matapos kana agad!” pagdadahilan ko.


“Alright. I'll be quick. Now, sit and watch me watching you.” aniya sabay kaladkad sakin pabalik sa upuan.




Sira na ba talaga ang ulo niya? Pano siya matatapos niyan kung panay ang tingin niya sakin? Binalikan ko ng tingin ang mga babaeng kani kanina lang ay nagnanakaw ng tingin sa kay Ludociel. Inirapan nila ako isa isa at binigyan ko sila ng isang sarkastikong ngiti sabay labas ng aking dila.


Masaya akong tumapak sa loob ng aming bahay at natigilan ako dahil sa sigaw ni Mama galing sa aming sala.


“Alam mo na pala na may kalokohang ginagawa ang ate mo! at kinukunsinti mo pa!” ani Mama.

Kumabog ang puso ko.


“Ma. Hayaan mo na si ate, baka maglayas nanaman yun.” nanginig ang boses ni Jysele.


Anong kalokohan ba ang ginawa ko? Agad akong sumulpot sa harapan nila at naaninag ko ang galit na mukha ni Mama.


“Ma. What's wrong?” tanong ko.


“I'm so devastated! ginawa mo pang dahilan ang relasyon namin ni Cyrille para maglayas!” pasigaw na sinabi ni Mama.

Napaawang ang labi ko.

“Ma. Kakabalik ko lang-
hindi ko na natapos dahil sinapawan na niya ako.


“Oo kakabalik mo lang! pero may dala kana namang problema! Pinalampas ko ang paglalayas mo noon! tikom ang bibig ko sa tuwing nagkakausap kami ng lolo mo! At ngayon? nakikipag relasyon ka sa kasing hirap lang ng daga? are you out of your mind?” she said angrily.

Parang pinunit ang puso ko. Heto nanaman? Part 2?


“Ma, mahal ko siya.” yun lang ang nasabi ko dahil bumuhos na ang mga luha ko.


“At nag live in pa talaga kayo!” aniya at umiling iling.


“Ma, hindi.” sabi ko habang pinipigilan ang pag piyok ng aking boses.


Inirapan niya ako at sarkastikong tumawa. “At nagsisinunggaling ka pa talaga? Nahuli na kayo ng kapatid mo! He's a bad influence! Una lumayas ka dahil sa kanya at ngayon nagsisinunggaling kana! now tell me, paano siya nagiging mabuti para sayo?”


Nasapo ko ang aking noo. “Ma, masipag si Ludociel. Mahal niya ako! alam ko magiging successful siya. Ma.. wala kaming ginagawang masama! hayaan niyo ho kami.”

“That son of a bitch! Anak siya sa labas ni Florencio. Tingin mo mapapakain ka ng pride niya? sa decision making niya palang palpak na siya! Sino bang taong gustong magpakahirap kung gayong pwede naman niyang halikan ang mga salapi? Stop that pointless love! hindi kayo mabubuhay sa pagmamahal lang!” aniya at umalis.




Nagkulong ako sa aking kwarto at hindi ko magawang matulog sa kakaisip kay Ludociel. Pano na kami? Ilang sandali ay may narinig akong mga tunog ng mga sasakyan.


Lumabas ako ng aking kwarto at sumilip sa bintana. Tatlong SUV ang naka park sa labas ng aming bahay at naunang lumabas si lolo doon at sumunod narin sa kanya ang kanyang mga body guards. Tipid akong ngumiti nang magtama ang mga mata namin ni Vimothy. So he's with grandpa all this time.


Mayor si lolo sa davao at alam kong normal lang na may kasa- kasama siyang mga body guards. Pero kinakabahan parin ako dahil hindi ko lubos maisip kung bakit siya nandito ngayon at bakit ganito karami ang kanyang mga body guards?


Bumukas ang pinto at agad kong pinunasan ang mga luha na nasa pisngi ko. Sinalubong kaagad ni Mama si lolo at ganon din si Jysele pati narin si Cyrille. Nag angat ng tingin si lolo sakin at pinanood akong dahan dahang humahakbang papalapit sa kanya. Alam kong hindi ito normal! alam kong may mali sa mga nangyayari.

This Time I'll Be Selfish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon