I gaped for I was horrified. I saw another death when something pop up in my mind. Bigla bigla na lamang nagpapakita ang imahe ng isang tao na hindi ko alam kung sino. Ipinapakita nito kung paano sila mamatay and it was devastating because I can't help them. Kahit anong gawin ko, mamamatay pa rin sila.
I was not like this when I was just a kid. Tahimik lamang ang buhay ko dito pero ngayon iba na. Nagbago na simula nang naiwan ako nang mga kaklase ko sa gubat. I can still remember it. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil ng dahil doon naging ganito ako.
Hapon na at nandito pa rin kami ng aking mga kaklase sa gubat. Today's our field trip. Hindi ko lang maintindahan kung bakit sa dami ng lugar dito pa kami pumunta. Hindi ko talaga gusto ang gubat, natatakot kasi ako. Baka kasi may mga hayop na bigla na lang magpapakita saamin.
"Classmates! Look at Veronica! Tahimik na naman." Helga, one of my classmates exclaimed.
Nakayuko lang ako dahil natatakot ako. Gusto ko ng umuwi pero kailangan pa kasing sabay kami ng mga kaklase ko. Hindi ko lang alam kung bakit gusto ng mga kaklase ko sa lugar na 'to. Nakakatakot kaya.
"Pabayaan mo na siya, Helga." Sabi ni Jerome. Napatingin ako sa kanya. He's smirking dahilan para kumunot ang aking noo. Isa siya sa mga kaklase kong pasaway at alam ko na may iniisip na naman siyang masama.
"What are you thinking, Jerome?" Nagulat ako nang magsalita si Brandon, isa rin siya sa mga kaibigan ni Jerome. Minsan lang kasi siya nagsasalita pero kapag nagsalita siya, puno ng kalokohan ang lumalabas sa kanyang bunganga.
"Hindi naman niya kayo inaano diba? Manahimik na nga kayo. Gusto ko ng umuwi sa bahay." Klare hissed at my classmate. Ngumiwi ako at yumuko na lang para maiwasan ang kanilang tingin.
"Duh! Can you take me a picture na lang, Klare? Dami mong sinasabi!" Nana said to Klare. Bumuntong hininga si Klare at kinuha ang camera na kanina pa inaabot ni Nana.
"Class, Ilang minuto na lang at uuwi na kayo. Calm down." Sabi ni Teacher Anne. I secretly nodded dahil baka simpleng pagtango ko lang ay gawin nilang big deal.
Ilang minuto na lang makakuwi na rin ako sa bahay. Kailangan ko lang gawin ang ginagawa ko palagi, ang manahimik at magkunwaring wala ako dito.
"Veronica, pwede mo ba akong samahan doon? Gusto kong umihi." Bulong ni Helga saakin. Nagulat nga ako dahil nandito na siya sa tabi ko. Ang bilis lang niyang kumilos.
"S-sige.." Hinila niya ako at pumunta kami sa malayo. Walang banyo sa lugar na 'to kaya siguro ako na iihi lang si Helga sa damuhan.
Tiningnan ko siya, hinihintay ko na ibaba niya ang kanyang palda. Ngumisi siya saakin at kinurot ng mahina ang aking pisngi. "Hindi na ako naiihi eh! Mauna ka na lang!"
"Alis na lang tayo. Sa bahay na lang ako iihi." She made a face, hindi ata nagustuhan ang aking nasabi. Umiling siya at mahina akong tinulak palayo.
"Babantayan kita." She seriously said. Tumango ako at ibinaba ang aking palda. Suot namin ngayon ang aming uniform kaya madali lamang ibaba 'yon. Dahil sa takot ay napatingin ako sa taas, madilim na ang langit.
Nang matapos ako ay ihinala ko pataas ang aking palda. Napatingin ako sa lugar na kung saan huling nakita ko si Helga. Wala na siya dito kaya wala akong magawa kundi ang magpanic.
Nagsimula akong maglakad, hinahanap ko kung saan ang daanan. Nararamdaman ko ang mga luha kong nahuhulog galing sa aking mata. I am scared because I don't know where my classmates are! Hindi ko rin alam kung asan si Teacher Anne.
"Teacher!" I shouted as loud as I can. Gusto ko na marinig niya ako dahil natatakot ako dito. Baka may hayop na lumapit saakin at kagatin ako dahilan para hindi na ko makakauwi ng buhay.
Ang aking mga paa ay hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. Gusto ko nang umuwi at makita si Mami at Papi!
"Teacher Anne!" Nang makarinig ako ng kakaibang tunog ay napatakbo ako ng mabilis. Muntik na nga akong madapa dahil hindi ko nakita na may sanga ng puno na nahulog sa baba.
"Oh bata! Ba't nandito ka? Saan ang mga magulang mo?" It's an old woman wearing a black dress. May hawak rin siyang kahoy, hindi ko alam kung para saan.
Mami said that I shouldn't talk to strangers pero wala akong magawa, ako lang mag-isa dito at iniwan na ata ako ng aking mga kaklase! Takot ako at gusto ko ng taong tutulong saakin para umalis sa lugar na 'to.
"W-wala po dito. Iniwan po ata ako ng aking kaklase." Nauutal ko na sabi. She stared at me with her concerned eyes.
"Kawawa ka naman kung ganoon. Gusto mo bang pumunta sa bahay ko at doon na lang tumira?" Mahinanon na sabi niya saakin. Umiling ako dahil ayaw kong mangyare 'yon. Gusto ko sa bahay lang ako!
"Ayaw ko po! Gusto ko pong makita si Mami at Papi ko. Ayaw ko po!"
"Bata, sumama ka na lang saakin." Hahawakan na sana niya ako kaso lumayo ako. Ang mata niyang puno ng awa kanina ay napalitan ng galit.
Tinaliman niya ako ng tingin at parang ipinaparating saakin na sumunod na lang ako. Hindi ko siya gusto at nakakatakot siya! Hindi ako sasama sa kanya kahit anong gawin niya.
Ipinakita niya saakin ang kanyang dalang kahoy, "Nakikita mo 'to? Kung gusto mong mabuhay, sumama ka saakin."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na umiling. Kahit natatakot ako sa banta niya, hindi pa rin ako sasama. Ayaw kong sumama sa kanya!
Dahil masyadong maliit ang aking katawan, mabilis niya akong hinila at ikinulong sa kanyang bisig. Matanda siya pero ang lakas niya!
Natakot ako kaya nakagat ko ang kanyang kamay. Napalakas 'yon kaya naitulak niya ako. Mahigpit niyang hinawakan ang kahoy at malakas na ipinalo niya saakin 'yon. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses niya akong pinalo gamit 'yon.
I cried and cried until I lost my consciousness. Hindi ko lang alam kung bakit pagkagising ko ay nasa gitna na ako ng kalsada, namamaga ang aking katawan at puno ng pasa. Mas nagulat pa ako nang may isang imahe akong nakita, isang pamilya ang mamamatay dahil sa pagkabangga sa puno.
Tumayo ako kahit nanghihina ang aking katawan. Iginala ko ang aking mga mata at pinilit ang aking sarili na maglakad. I want to go home. I want to see my parents because I know that they are extremely worried about me.
A loud noise caught my attention. Napalingon ako doon at muntik na akong matumba nang makita ko ang isang sasakyan na tumama sa isang puno. Mahigpit kong ipinikit ang aking mata at nilapitan 'yon para sana tulungan kung sino ang taong nasaloob nun.
Napanganga ako nang makita na ang nasa loob ng sasakyan na 'yon ay ang nakita ko kanina. Bakit nagkatotoo 'yon?
I will never forget that day because of that day, my life changed.
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...