Chapter 8

18 4 0
                                    

Today's Saturday. Hindi sana ako dadalo sa reunion kaso naaawa ako kay Klare. Matagal na niya itong pinagplanuhan at ayaw kong masira ito dahil lamang sa konti lang ang dadalo.


Pati si Jerome ay pupunta rin kahit kakalabas niya lang sa hospital. I don't know kung anong meron sa kanilang dalawa ni Klare dahil nagiging malapit kasi silang dalawa.


Hindi ko pa nacocontact si Brandon. Hindi ko rin kasi feel na pumunta doon na may kasama. Gusto ko ako lang mag-isa.


Sumakay ako ng taxi papunta sa isang event hall, doon daw kasi gaganapin ang reunion. Nang makarating ako doon ay bumaba na ako at pumasok na. Everything looks perfect.


Mukhang pinaghandaan talaga ni Klare at ang mga ibang nag-organize nito ang reunion. Sayang nga lang at wala masyadong dadalo.


Pansin ko lang na ako lang mag-isa. Wala dito ang iba pati na rin si Klare kaya nagtaka ako. Kailangan na nandito sila dahil sila ang nag-organize nito.


Muntik na akong mapatili nang biglang lumabas si Klare at ang mga kaklase namin from nowhere. May hawak silang cake at isang tarpaulin na may nakalagay na "Sorry Veronica"


Hindi ko akalain na gumawa sila ng ganito para lang saakin. Masaya ako dahil kahit konti lang sila, nag-effort pa rin. Tatlo lang ang babae, apat kapag kasama ako. Lima ang lalaki dahil wala pa si Brandon at Jerome, mukhang magkasabay sila.



"Hindi niyo naman kailangan na gawin ito. Nakakahiya naman sa inyo." Nahihiyang sabi ko sa kanila.


"Bakit ka ba nahihiya? Kami nga dapat ang mahiya dahil sa ginawa namin sayo dati." Natatawang sabi ni Nana habang nakatingin saakin.


Tumahimik sila lahat at nag-iwas ng tingin na parang ayaw marinig ang tungkol sa nangyari dati. Bumalik rin sila sa pag-iingay nang pumasok si Jerome at Brandon.


Mukha namang maayos na si Jerome. Nakangisi na ito na parang walang sakit na iniinda. Si Brandon naman ay nakatingin saakin gamit ang kanyang walang emosyon na mata.


"Yanzee will be the mc." Sabi ni Klare na nandito na pala sa tabi ko.


Umakyat na si Yanzee sa isang mini stage na nasa gilid. Nakasuot siya ng puting dress na kumikinang, ipinapakita talaga nito na mayaman na siya.


Isa siya sa mga nabully ni Helga dahil sa pagiging mahirap. Well, pati rin naman mayaman ay binubully niya. Ganoon siya kasama.


"Good afternoon everyone! Marami na ang nagbago saatin, tama ba? Bago ko sasabihin ang mga naaccomplish nating lahat. Magkakaroon muna tayo ng isang prayer."



Tinulak ni Jerome si Charles dahil ayaw pa nitong umakyat sa stage. Nahihiya ata. Bumuntong hininga muna siya bago umakyat.


Nang matapos ang prayer ay humanap na ako ng ibang mauupuan. Ayaw ko kasing tumabi kay Nana. Baka gagawin naman niya ng topic ang tungkol sa nangyari saakin dati. Ayaw kong balikan at marinig pa 'yon lalo na sa lugar na 'to.


"Umupo ka na dito sa tabi ko." Sabi ni Klare saakin sabay pakita saakin ng isang bakanteng upuan na nasa tabi niya.


Umupo na ako sa tabi niya dahil ayaw ko namang baliwalain si Klare. Siya na nga ang nagmamagandang loob na paupuin ako sa tabi niya.


Ngayon lang kami nagkita simula nang last na pagpunta namin sa hospital. Marami akong tinanong sa kanya, tungkol sa mga kaklase naming hindi dumalo at tungkol sa kanilang dalawa ni Jerome.



"Kayo na bang dalawa ni Jerome?"


Umiling siya at tumawa pa, "Nahihibang ka na ba? Hindi kaming dalawa dahil may girlfriend na siya."



Hindi ko alam na may girlfriend na pala si Jerome. Paano kaya kapag gusto niya si Jerome kahit may girlfriend na 'to? Masyado siyang obvious kaya hindi malabo na mangyari 'yon.


"Klare, ang kaibigan ni Veronica ay isa ng model. Hindi nga lang sikat. Si Veronica naman ay isa ng high school teacher at hulaan niyo kung saan siya nagtuturo? Syempre, sa skwelahan natin." Nakangiti na sabi ni Yanzee.


Naging mayabang na rin siya. Tama nga ang sabi nila, people do change. Dati ay hindi ito palasalita at sobrang humble nito. Iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao.


"Si Jerome ay isa ng CEO sa kanilang kompanya. Si Brandon naman ay isa ng lawyer. Kahit na mataas na ang posisyon at narating ni Jerome, hindi pa rin siya nagbabago. He's still the same cocky and arrogant Jerome."


Tumayo si Jerome dahil naiinis sa sinabi ni Yanzee. Lalapitan na sana niya ito kaso pinigilan siya ni Brandon. Tiningnan ko siya, pinapakalma niya ngayon si Jerome na ngayon ay umuusok na dahil sa galit.


Bumaling saakin si Brandon kaya napaiwas ako ng tingin. Ibinigay niya saakin ang calling card niya pero hindi ko pa rin siya tinawagan kahit na dadalo talaga ako sa reunion.


"Si Charles ay isa ng engineer, Nana is a flight attendant, Kid is now a pilot, si Xenon ay isang celebrity, Arkyn is a chef at si Ford ay isa na ring teacher."


Huminga muna ito ng malalim bago ulit nagsalita. "Ang taas na nang narating ng section na 'to. Sayang nga lang talaga at wala dito ang iba para malaman ang mga profession ninyo. Ako naman ay isang sikat na architect, gulat ba kayo?"



"What are you doing, Yanzee?" Naiinis na tanong ni Klare sa kanya. Halos lahat din kami ay tiningnan siya ng matalim dahil hindi maintindihan kung ano ang pinupunto niya.



"Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na mayaman na ako at abot ko na rin kayo." She ended her speech at bumaba na rin sa stage para umupo sa tabi ni Nana.


Napatili si Klare nang biglang namatay ang ilaw. Kinapa ko ang aking cellphone na nasa bulsa ko para sana ay gawin 'yong light. Rinig ko rin ang sabi ni Klare na huwag kaming mag-alala dahil babalik rin ang ilaw at matutuloy pa rin ang reunion na 'to.


In just a minute, bumalik na ang ilaw. Napahawak ako sa lamesa dahil sa nakita ko. May isang mensahe na nakalagay ngayon sa pader na nasa aming harapan. It was written in blood.



"You cannot go out. You will all die."

She Who Can See DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon