We arrived at our old house. Luma na ito pero maganda pa rin. Tila ba bumabalik lahat ng alaala namin sa lugar na 'to nang makita ang bahay namin. We will be staying here for good, matanda na si Mami at ayaw ko namang mapagod siya sa kakalipat namin ng tinitirahan.
I already processed my papers. Magtratransfer ako sa lugar 'to, maganda rin naman sigurong magturo sa lugar kung saan ka nagmula. Sana nga lang at walang mangyaring masama.
Naghahanap rin ako ng part time job sa siyudad ngayon. Hindi naman kasi pwede na pagiging teacher lang ang trabaho ko, wala man akong babayaran na rent pero nasanay na rin ako kasi na may part time job ako palagi at baka may plano rin kasi si Mami na ipaayos ang bahay.
"Good afternoon po! Naghahanap po kayo ng waitress sa cafe ninyo? Gusto ko po sanang mag-apply." Sabi ko sa manager. Sanay na ako sa pagiging waitress. Sino naman ang hindi masasanay diba? Ito lang naman kasi ang nag-iisang part time job ko.
"Wala eh pero may kilala akong naghahanap ng waitress. Alam mo ba 'yong bar na malapit lang dito? Naghahanap 'yon sila."
"B-Bar?" Nagulat ako dahil hindi talaga ako naka-experience na magtrabaho sa isang bar. Hindi pa nga ako nakapunta doon sa tanang buhay ko.
"Are you interested? Kakausapin ko ang may-ari dahil kilala ko naman siya."
"Huwag na po. Nakakahiya naman. Ako na lang po."
I went to the bar that he was talking about. Hindi naman siguro pagbebenta ng katawan ang gagawin ko rito. Well, maayos naman ang bar na 'yon at hindi rin naman ako papayag na ibenta ang katawan ko.
I handed my files to the manager and I also did an interview. Mabait naman ang mga tao dito kaya hindi ako nahirapan. Sinabi rin nila saakin kung magkano ang sweldo sa lugar na 'to.
Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay nagtratrabaho pa rin ako sa bar. Hindi naman ako nakakatanggap ng pambabastos galing sa mga costumer dahil nandyan ang mga bouncer at sobrang classy ng mga tao dito.
"Isang scotch sa table number 4."
Nang inilapag saakin ang scotch ay ibinigay ko na 'yon sa nag-order. Hindi rin naman bago na nakikita ko paminsan kung paano sila mamatay pero pinipilit ko rin naman ang sarili ko na baliwalain na lang 'yon.
"Hey! I think I know you!" Isang babae ang lumapit saakin at para bang ineexamine ang aking mukha.
"Madame, you must be mistaken." Tatalikod na sana ako nang hinila niya ako sa aking kamay. Humalakhak siya at pumalakpak pa!
"Sabi ko na nga ba! Veronica? Ikaw ba 'yan?"
Paano niya ako nakilala? I've changed. Hindi na ako ang dating Veronica. Sa pananamit at sa buhok, kakaiba na. Ang dating itim at mahaba kong buhok ay napalitan ng color brown at shoulder length.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to! Si Klare! Ang classmate mo noong grade 1! Hindi mo ba ako nakikilala?"
Bumalik lahat nang nangyari saakin sa loob ng gubat. Kung paano ako pinalo ng kahoy ng ilang beses at kung paano nasira ang buhay ko dahil doon. They left me. Kung hindi sana nila ako iniwan ay hindi mangyayari saakin 'yon.
"Hindi ako si Veronica." Wala akong pinakitang emosyon. Kahit palagi niya akong pinoprotektahan no'ng bata pa kami, masakit pa rin na hinayaan niya akong maiwan mag-isa.
"Galit ka ba saakin? Is this because of what happened when we were just kids?"
"Aalis na ako." I don't want to talk to her. Hindi ko kaya, nasasaktan pa rin ako.
"Alam kong galit ka! Pinilit ko sila na balikan ka, Veronica! Helga was very persistent back then, gusto niyang mawala ka dahil naiinggit siya sayo! Kaibigan kita at hindi ko magagawa 'yon sa kaibigan ko." Halos maiyak na siya nang sabihin niya 'yon.
Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niya. Ayaw ko rin siyang makita!
"Bata pa lang ako noon! Hindi ko kayang puntahan ka dahil papagalitan ako ni Mama! Please listen to me."
I am being childish. Kailangan kong pakinggan ang explanation niya dahil gusto ko nang pakawalan ang galit na nararamdam ko. Matagal na panahon na 'yon, kailangan ko na rin sigurong mag move-on.
"Kaibigan kita, alam mo naman 'yon diba? Hindi pa rin nagbabago 'yon. You will always be my friend."
Hinawakan ko ang kanyang kamay, "I am sorry.."
Ngumiti siya at mahigpit na niyakap ako. Biglang may tumawag saakin kaya kumawala ako sa yakap niya at nginitian siya.
"Babalik ako mamaya."
Nag-order ulit ng drinks ang isang table at mabilis ko rin 'yong isinerve sa kanila. I want to talk to Klare to clear things out.
Pinuntahan ko siya sa kanyang inuupuan. Hindi ko siya namukhaan kanina dahil nagbago na rin siya. Kulot na ang buhok niya at naging morena na rin siya.
"Talk." Seryosong sabi ko sa kanya. She told me everything, kung anong ginawa niya noong naiwan ako sa gubat ng mag-isa at kung paano siya nasiyahan nang makita ako ng mga magulang ko sa gitna ng kalsada.
Alam rin niyang nagkaroon ako ng ilang sessions sa psychiatrist. Tinanong pa nga niya kung bakit ganoon pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan. Sapat na pinatawad ko na siya pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyayari saakin.
Alam kong hindi siya maniniwala. Sino ba naman ang maniniwala na nakikita ko kung paano mamatay ang isang tao. I don't want to be called a freak.
"Sabi mo saakin kanina na teacher ka, gusto mo bang mag-apply sa school na kung saan tayo nag-aral dati? Marami akong connections doon, gusto mo bang ipakilala kita para madali lang ang pagkapasok mo?"
"Hindi na kailangan, Klare. Nakakahiya naman sayo."
"Ano ka ba? Kung gusto mo tawagan mo na lang ako. Here's my calling card." Ibinigay niya saakin ang calling card niya at tumalikod na rin.
Sino pa kaya ang makikilala ko sa muling pagbalik ko dito sa lugar na 'to?
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Misteri / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...