Chapter 4

28 8 4
                                    

Natanggap na rin ako dito sa school na 'to, hindi ako sigurado kung dahil ba kay Klare o dahil rin ba sa galing ko sa pagtuturo. Maraming connections si Klare dahil nagmula siya sa isang mayaman na pamilya. May mga shares rin sila dito sa school na 'to.


"Class dismissed." Lumabas na ako sa classroom nang sabihin ko 'yon. May pupuntahan pa kami ni Klare mamaya at sigurado akong naghihintay na siya sa labas ng school ngayon.


Kailangan naming pumunta sa hospital ngayon, 'yon ang sabi ni Klare. Hindi naman talaga importante na pumunta pa kami pero mapilit kasi siya. Gusto niya talagang marinig ko kung paano humingi ng tawad saakin si Jerome.


"Oh nandyan ka na pala! Kanina na ako dito naghihintay."


I scanned her outfit at namangha sa kanyang suot. She's very stylish. Ano na kaya ang trabaho niya? Sa ganda niyang 'to, baka isa na siyang artista.


"I brought my car with me. May gagawin ka pa ba?" Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan sa kanyang bag at naglakad na palayo. I followed her, wala naman akong sasakyan kaya makikisakay na lang ako tutal pareho lang naman kami ng pupuntahan.




"Wala na akong ibang gagawin. Ano tara na?" Sumakay na kami sa sasakyan niya at pumunta na sa hospital na kung saan nandoon si Jerome.



Hindi naman malayo ang hospital sa eskwelahan kaya mabilis lang kaming nakarating doon. We parked Klare's car first bago pumasok sa hospital. Hinanap pa namin ang room ni Jerome dahil paniguradong wala na siya ngayon sa emergency room.



Hindi ko alam kung tinawagan ba ni Jerome si Klare. Ang nakalagay kasi doon sa sulat na ibinigay ni Klare sa kanya ay tumawag lang kapag gising na siya.



Nang mahanap na namin ang room ni Jerome ay agad na kaming pumasok doon. Nagulat kami nang makita ang isa sa mga naging kaklase namin dati. Si Brandon, ang kaibigan ni Jerome. Alam kong siya 'yon dahil sa expression niyang napakalamig at sa mga mata niyang walang emosyon, para bang ayaw ipakita kung ano ang kanyang nararamdaman.



"Why are you here?" Tanong ni Brandon kay Klare. Ngumiti si Klare at itinuro pa ako kaya napatingin si Brandon at Jerome saakin.



"Umalis na nga tayo dito, Klare, Okay na saakin na makita sila." Bulong ko pero ang bruha, ayaw talagang umalis sa lugar na 'to.



Hindi ko talaga gusto na pumunta sa hospital dahil marami akong nakikita na mamamatay sa lugar na 'to. Sumasakit na nga ang ulo ko at medyo nanghihina na ako.



"Shh! Huwag ka ngang ganyan. Pumunta rin ako dito para humingi ng pera dahil tayo ang tumulong sa kanya nang masagasaan siya. Hindi ako sikat na model kaya kailangan ko rin ng pera. Duh!"



"Alam niyo namang naririnig namin kayo diba?" Tanong ni Jerome. Tumawa si Klare at dahan dahang nilapitan si Jerome na nakahiga ngayon sa hospital bed.


Dahil nanghihina ako ngayon, umupo muna ako sa isang sofa. Mukhang ang room na ito ay para sa mga VIP lang. Hindi lang basta hospital bed ang hinihigaan ngayon ni Jerome, mukhang king size pa ngayon eh.



"Bumalik ka na pala dito, Veronica?" Nakangisi ngayon si Jerome. Mukhang hindi pa rin nagsisisi sa ginawa nila dati saakin. I suddenly felt my blood boil.


"Hindi ba halata?" Lumaki ang kanyang mata nang sabihin ko 'yon. Akala niya siguro na ako pa rin ang dating Veronica na inaasar nila at pinaglalaruan.



"Grabe! Nagbago na siya 'no? Gulat ba kayo?" Natatawang tanong ni Klare kay Jerome. Napatingin ako kay Brandon na walang ginawa kundi ang manahimik ngayon. Kinakagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sa malayo, may sariling mundo talaga ang isang 'to.




Ngumiwi ako nang maramdaman ko na sumakit ang aking ulo. Kailangan ko talaganng umalis sa lugar na 'to. Ayaw ko ring kausapin si Jerome dahil wala naman akong mapapala dahil kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya hihingi ng tawad saakin.



"Aalis na ako." Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nila dahil lumabas na ako. Kahapon ay hindi naman ako ganito nang pumunta ako dito sa hospital.



Nang makalabas ako sa hospital ay umupo muna ako sa isang malapit na bench. Huminga ako ng malalim at trinapuhan ang aking noo. Kanina kasi ay pinagpapawisan ako kahit na malamig sa loob.



"What happened to you back then?"



I almost shrieked nang marinig ko si Brandon. Bakit nandito siya at bakit nagtatanong siya tungkol dati? Ayaw kong sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari dati dahil hindi naman siya maniniwala.


"Bakit niyo ako iniwan?" Seryoso kong tanong sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako sa aking mata.



"I am not as bad as you think. Hindi kita iniwan, napasama lang ako sa kanila. Maraming tumutol sa pag-iwan sayo but Helga was too powerful. Alam mo naman 'yon diba?"



Alam ko 'yon, matagal ko ng alam 'yon. Mayaman si Helga, pinakamayaman saamin noong bata pa kami. 'Yong tipong kayang patalsikin ang mga magulang namin sa kanilang trabaho.




Ayaw kong maniwala sa kanya. Isa siya mga taong inaasar ako dati tas bigla na lang siyang naging ganito? Nalilito ako.



"You look okay. Wala naman siguradong nangyari sayo dati diba?" Kahit na walang emosyon ang pagkasabi niya, alam kong concerned pa rin siya.



Gusto kong hindi gawing big deal ang pag-iwan nila saakin pero anong magagawa ko? Nang dahil doon ay nagbago ang buhay ko at hindi nila alam kung anong nararamdaman ko noong mga araw na 'yon kaya mahirap talaga magpatawad.



"Nabalitaan na lang namin na lumipat na kayo sa ibang lugar."


Wala talagang may alam kung anong nangyari saakin at kung anong pinagdaanan ko noong mga araw na 'yon. My family kept it as a secret. Sino ba naman ang proud na sabihin na nababaliw ang kanilang anak simula nang maiwan siya mag-isa sa gubat? No one.


"Wait." At iniwan na niya ako.



Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik rin siya. May dala siya ngayon na milk tea. Umupo ulit siya sa tabi ko at ibinigay saakin 'yon. His face is still stoic. Ano kayang ipinaglihi sa isang ito? Sama ng loob ba?



"Drink that."



Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Hindi ko alam kung ako lang ba pero ang ganda niya pala ngumiti! He should always smile kasi mukha na siyang galit sa mundo eh.


"I should go. See you." Gaya naman ng dati, bumalik na siya sa pagiging malamig. Akala niya siguro na may mahuhulog sa kanya na babae kapag palagi siyang mukhang walang paki sa mundo.



Dahil meron akong number ni Klare, tinawagan ko na siya. Papunta na raw siya dito ay may sasabihin din raw siya ng importante. Hinintay ko siya dahil wala naman akong masasakyan pauwi at siya rin ang dahilan kung bakit nakapunta ako dito.


"Veronica!" Inakbayan niya ako nang makita ako na nakaupo sa isang bench.



Umupo siya tabi ko at ako naman ay hinihintay ang importante na sasabihin niya. Kailangan ko ring umuwi ng maaga ngayon kasi may trabaho pa ako mamaya sa bar. Hindi ko naman gusto na bigla na lang hindi magparamdam doon.


"It's about our classmates."



Nakakunot ang aking noo na tumingin sa kanya. Ano naman ang importante na sasabihin niya tungkol sa mga kaklase namin dati?



"May plinano silang reunion. Kailangan raw na pumunta tayo. This saturday na 'yon and I don't think na pupunta si Helga." Hindi ko siya maintindihan. Bakit naman hindi pupunta si Helga?


"Bakit naman?"



"Hindi mo pala alam." Ano kaya ang ibig niyang sabihin?



"Anong hindi alam?"


"Helga's broke. Gaya mo ay hindi na rin namin alam kung asan siya nakatira ngayon pero ang alam lang namin ay mahirap na siya."

She Who Can See DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon