Chapter 5

23 4 1
                                    

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung bakit nangyari kay Helga 'yon. Kung bakit sila naghirap. Baka nga karma 'yon, dami na niya kasing mga masasamang ginawa. She was a bully back then at hindi ako sigurado kung nagbago na ba siya.


Mayaman naman siya at mukhang nasa kanya na nga ang lahat pero bakit ang sama sama pa rin ng ugali niya? Ano bang problema niya at bakit papansin siya?


Si Jerome rin hindi din nagbago, mukha pa ring pasaway. Sana nga lang talaga ay huwag niya akong inisin sa reunion na mangyayari sa Saturday.


Pero hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko si Brandon. Ang akala ko kasi ay wala siyang ginawa noong mga panahon na 'yon. Akala ko wala siyang paki kasi palagi naman siyang mukhang walang paki sa kinagagalawan niya. Mukhang may sariling mundo.


Hindi ko rin alam kung dadalo pa ako sa reunion. Marami kasi akong gagawin at baka mahirapan rin ako na pagsabayin ang lahat ng 'yon.


"Ma'am, pwede po bang lumabas? Gusto ko po sanang magbanyo." Itinaas pa niya ang kanyang kamay. Isa siya sa mga estudyante ko.


I nodded then she gave me a timid smile. Mukha siyang may problema at parang ilang minuto lang ay iiyak na siya.

"Ma'am, pwede po bang mag-cr rin kami?" Lima sila na gustong pumunta ngayon sa banyo. Lahat sila ay babae at at sabay rin nilang itinaas ang kanilang mga kamay.


"Sure. Bilisan niyo na lang dahil may quiz pa tayo."

Sabay rin silang tumayo para pumunta sa banyo. Nginitian ko ang aking mga estudyante na ngayon ay mukha ring may problema. Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganoon.


"Why? Anong problema ninyo?" Tanong ko sa kanila.


Bago pa siya nagsalita may nakita naman ako. Alam ko kung sino 'yon dahil kakalabas lang naman nila para pumunta sa banyo. May isang babae ang mamamatay ngayon dahil sa pagkabagok ng ulo.


Ngumiwi si Delilah bago ako sinagot, "Si Tasha po at ang mga kaibigan niya, pumunta sa banyo para awayin si Lia. M-Ma'am, puntahan niyo po sila! Baka po may mangyari kay Lia."


Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumunta na rin sa banyo. Maraming banyo sa eskwelahan na ito kaya nahirapan ako sa paghahanap. Nang may marinig ako na ingay sa isang banyo na hindi masyadong pinupuntahan ng lahat ay nalaman ko kaagad na nandito sila!



"Cheater ka! Aminin mo na nangopya ka saakin! Cheater never wins, Lia! Porket matalino ako at nasa akin na ang lahat, mangongopya ka na?" Rinig kong sigaw ni Tasha.


Agad kong binuksan ang pinto at nakita kung anong ginagawa nila ngayon kay Lia. Tinutulak nila ito at si Lia naman ay walang ginagawa.


"Kung tungkol 'to sa exam dati, hindi ako nangopya sayo. Pati ba naman 'yan ginagawang big deal?" Mahinang sabi ni Lia habang nakayuko.


Hindi siguro nila naramdaman ang presensya ko dahil nakafocus lang ngayon sila kay Lia. Tumikhim ako kaya nakatingin na sila ngayon saakin.


"M-Ma'am, what are you doing here?" Kinakabahang tanong ni Tasha. Pumagitna ako sa kanila dahil ayaw kong mag-away sila. Hindi pwede na may mangyari ngayon dahil baka masisante pa ako!


"Ikaw, Tasha. What are you doing?"

Nagulat ako nang inirapan niya ako. Itinuro niya si Lia na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.


"Kasalanan niya kasi ang lahat! Mang-aagaw siya! Ako sana ang mananalo sa pageant na 'yon kaso naging pabida siya." I can't believe what she's saying right now. Walang kabuluhan.


"Matagal na 'yon kaya bakit ngayon mo pa brinibring up? Ano ba talagang problema mo, Tasha?" Ngayon ay nakataas na ang noo ni Lia.


"What I'm saying is you don't deserve everything! Kung hindi dahil sa kuya mo na sikat at gwapo, hindi ka mananalo!"


"Walang kinalaman si Kuya sa pagkapanalo ko! Sabihin mo lang na insecure ka, lahat na lang ay napapansin mo saakin!"


I sighed dahil ayaw talaga nilang tigilan 'to. Nagulat na lang ako nang bigla na silang nagsabunutan habang nasa gitna pa rin nila ako.

Ilang mura rin ang narinig ko galing sa bunganga ni Tasha. Funny, naaalala ko si Helga sa mga ginagawa ng mga batang 'to. Dahil sa pagiging insecure, gumagawa na ng masama.


"Stop being delusional! Hindi ka maganda!" Sigaw ni Tasha na hinihila pa rin ang buhok ni Lia. Hindi rin nagpatalo si Lia dahil hinihila niya rin ngayon ang buhok ni Tasha.


"I'm not being delusional! Maganda talaga ako at you're just being insecure! Inggit ka dahil nasa akin ang lahat na gusto mo!" Galit na sigaw rin ni Lia.


"Matapang ka lang dahil nandito ngayon si Ma'am! Duwag ka kasi! Duwag!"



"Tulungan niyo nga ako dito!" Sigaw ko sa mga kaibigan ni Tasha. Alam kong natatakot sila ngayon kay Tasha pero dapat matakot sila ngayon saakin dahil ako ang teacher nila. Ibababa ko ang grades nila kapag hindi nila ako tutulungan dito!


Masyadong mabilis ang pangyayare dahil imbes na si Lia ang naitulak nila, ako ang naitulak. Tumama rin ang ulo ko sa pader dahilan para maramdaman ko ang dugo na tumutulo galing sa aking ulo.


Hinawakan ko ang aking ulo at mahinang napaupo sa lapag. I stared at my students, nagulat rin sila sa nangyari at natatakot na rin.


Hindi ako sigurado kung ako ba ang babaeng nakita ko sa aking isip. Ang babaeng mamamatay ngayon. Natatakot ako dahil baka katapusan ko na 'to.


"Someone call the school nurse! O-Or call our classmates! Bilisan ninyo!" Rinig kong sabi ni Lia. Nakita kong napangiwi si Tasha at may namumuo rin na luha sa kanyang mga mata.


Takot na takot siya nang makita ang aking kalagayan. Mabilis siyang tumakbo at baka rin ay pumunta siya sa classroom para mapuntahan ako ng mga kaklase nila.


I was not being nosy noong umawat ako sa kanila. Gusto ko lang ipakita na bilang teacher nila, kaya ko silang ipagtanggol dahil pangalawa kaming mga magulang nila.


Nagtataka rin ako kung bakit ako ngayon ang dapat na nasa kalagayan ni Lia. Ang ipinakita saakin ay isang babae na nakasuot ng uniform. I was not wearing my uniform, siguro hindi ako 'yon pero paano kaya kapag nagbago ang lahat ng pwedeng mangyari ngayon?

She Who Can See DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon