I really thought that it will be the end of me. Maraming tumakbo sa isipan ko nang tumama ang ulo ko sa pader. I was being paranoid, oo alam ko 'yon. Sino ba naman ang hindi mapaparanoid kung may kakayahan ka na gaya ng akin?
"I am really sorry, Ma'am. Hindi ko na po talaga 'yon uulitin. Nadala lang po talaga ako sa galit at inis ko kay Lia." Mahinang sabi saakin ni Tasha. Nginitian ko siya at hinawakan ang aking kumikirot na ulo.
"Okay lang 'yon. Huwag ka saakin magsorry. Doon ka kay Lia." Nakangiti pa rin na sabi ko. Ang akala ko ay parehas silang dalawa ng ugali ni Helga. Hindi pala kasi nagsosorry ito kapag may kasalanan na nagawa habang si Helga hindi.
"Opo, ma'am."
Lumabas na ako sa clinic ng school at nakasalubong ko pa si Lia. Nang makita niya ako ay agad siyang humakbang palayo saakin, mukhang nahihiya siya dahil pinatulan pa niya si Tasha.
"Lia." Banggit ko sa pangalan niya.
She lifted her head and gave me a timid smile. Nginitian ko siya dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na may naiinis at naiinggit sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama.
"M-Ma'am.."
"Hindi mo kasalanan ang nangyari saakin. I am okay." Ngumiwi siya at dahan dahang tumango. Pupunta ata siya ngayon sa guidance office. Alam ko naman na hindi na nila ito uulitin.
Hindi na ako pupunta sa guidance office dahil ang sabi saakin ng principal ay magpahinga muna ako at kapag may kailangan daw silang malaman tungkol sa nangyari, icocontact lang daw nila ako. Hindi naman talaga malala ang sugat ko sa noo, over acting lang talaga ako.
Ilang minuto ang lumipas nang may lumapit saakin. Nandito kasi ako ngayon sa aking opisina at kapag gusto nila akong kausapin. Pumunta lang sila dito, 'yon ang sabi ko kanila kanina.
Nakayuko pa rin ngayon si Lia. Pansin ko lang sa kanya, parati siyang yumuyuko na para bang nahihiya sa mundo. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya. I was bullied back then at alam kong pati rin siya ay naranasan 'yon. Hindi ko talaga alam kung bakit lapitin ako ng mga bully.
"Ma'am, gusto ka po sanang kausapin ni Kuya." Nahihiyang sabi niya saakin. Hindi ko rin alam kung bakit gusto akong kausapin ng Kuya niya. Hihingi ba 'to ng tawad saakin eh wala naman siyang ginagawang masama at wala namang kasalanan ang kapatid niya.
"Kuya Brandon.."
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ni Brandon. Ang akala ko ay namamalikmata lang ako nang makita siyang papalapit saakin. He's wearing a white long sleeve shirt tapos nakapiko ito hanggang sa kanyang siko.
Mukhang galing lang ito sa trabaho. Ano nga ba ang trabaho ng isang 'to?
"Sorry sa ginawa ng kapatid ko." Sincere na sabi niya saakin. Hindi ko alam na magkikita pa kaming dalawa.
"You don't have to apologize. Hindi rin naman kasi kasalanan ng kapatid mo ang nangyari saakin. Huwag mo na siyang pagalitan."
"No.. Ako na ang bahala sa kapatid ko." Seryoso na sabi niya na para bang ayaw niyang makialam ako sa gagawin niya sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Misteri / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...