Chapter 10

13 2 0
                                    

Lahat ay di mapakali sa sinabi ng robotic voice. Ang iba ay nagpupumilit na lumabas pero anong magagawa namin? Close pa rin ang pinto at hindi naman namin kaya na buksan 'yon dahil nasa labas nakalock 'yon.



"Ano? Wala tayong gagawin para makalabas dito? Ayaw ko pang mamatay! Masyado akong maganda para mamatay!" Maarte pa ring sabi ni Nana.


"Are you joking?" Tanong ni Ford, mukhang naiinis sa sinabi ni Nana.


"Mukha ba akong nagbibiro?"


We are trapped inside the event hall. Hindi kami makakalabas at kung makakalabas man kami, paniguradong walang buhay na. I can see death which is a good thing, right?


"Bukas pa 'yon! Huwag na huwag kayong matutulog at huwag niyong ikurap ang mga mata niyo. Someone is playing trick on us kaya kailangan nating makita kung sino ang may gawa nito!" Seryosong sabi ni Klare. Sila ang nag-arrange ng event nito kaya kapag may mangyaring masama, sila ang sisihin 'yon ang sabi niya.



Ilang oras din ang lumipas at ang iba saamin ay pinipigilan pa rin na matulog at ang iba naman ay nakatulog na dahil sa pagod. This incident just made me remember what happened years ago. Bumalik din ang takot ko na baka bigla na lang magpakita ang babaeng matanda.



Ang akala ko ay limot ko na ang nangyari dati pero nang bumalik ako sa lugar na 'to, napatunayan ko na hindi pala. Hindi ko pa sila napatawad at natatakot pa rin ako sa mga posibleng mangyari.


"Are you okay?" Sabi saakin si Klare habang nakatingin sa kamay ko na nanginginig na. Pumikit ako ng mariin bago itinago ang aking kamay.


Hindi ko rin siya sinagot dahil alam kong malalaman din niya na nagsisinungaling ako. I am not okay. I am scared.


"Kung masama pakiramdam mo, matulog ka na lang. Ako na bahala sayo."


Dahil gusto ko rin naman matulog, ipinikit ko na ang aking mata at hinintay na dalawin ako ng antok. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay.



Nag-aaway silang lahat at hindi nag-iisip ng paraan para makaalis sa lugar na 'to. Nagsisisihan pa sila. Nakakainis na silang lahat.



"Kung gusto niyo talagang humanap ng paraan para makalabas dito, kumilos kayo at mag-isip! Huwag kayong puro sisi, walang mangyayari saatin kung 'yon lang palagi ang ginagawa natin." Naiinis na rin na sabi ko sa kanila, hindi na makapagpigil sa nararamdaman.



Natahimik  silang lahat at tumango rin na para bang tama ako sa sinabi ko. Kinuha ni Arkyn ang cellphone niya at nagtaka na lang kami ng bigla na lang niyang ginulo ang buhok niya. He looks confused.



"Bakit walang signal dito? Tatawagan ko sana ang mga pulis na kilala ko pero tingnan niyo, walang niisang signal!" He even showed us his phone.


Kinapa ko ang aking bulsa at kinuha ang cellphone na ipinasok ko doon. He was right. Wala talagang signal dito pero kahapon naman ay meron, sa tingin ko lang. Ginamit ko pa ang cellphone ko.



"The hell is happening to us?! Sino naman ang gago na pinaglalaruan tayo?" Jerome exclaimed, galit na galit na ito.


"Meron bang signal dito, Klare? Ikaw naman ang pumili ng event hall na 'to, diba? Ano? Magsalita ka!" Sabi naman ni Yanzee. Mukhang gusto nang sabunutan ni Yanzee si Klare.



"I-I don't know! Pwede ba, huwag niyo akong sisihin! Hindi ko naman alam na mangyayari saatin ito!"


"If you want to leave, alive. Mag-isip tayo ng paraan, puro kayo sigaw at puro kayo sisi!" Seryosong sabi ni Brandon sabay lapit saamin. His under eye was dark, mukhang hindi talaga natulog kagabi.


"Kunin natin ang upuan at itapon sa pinto or something sharp para sibakin na natin yan! Gigil na ako!" Sabi naman ni Charles.


Dahil wala namang masama sa pagtry, ginawa namin ang suggestion niya. Marami rin kaming ginawa na mga paraan para makaalis dito pero wala. Wala ring mga bintana sa lugar na ito kaya hindi namin masisira ang mga glass na nakalagay sana doon.



"It's almost 7:00 pm! Ano na ang gagawin natin?" Natatakot na sabi ni Nana. Tiningnan ko ang cellphone ko, 6:55 na. Malapit na at kinakabahan din ako.


Nang pumatak na ang 7:00 pm, natahimik kaming lahat at napaupo na lang sa lapag. We are all tired. Gusto naming makalabas dito pero pagod na kami, hindi na namin kaya.



Gaya ng inaasahan namin, narinig naman namin ulit ang robotic voice. Humahalakhak ito na parang natutuwa dahil mukhang sumusuko na kami.



"Bakit sumusuko na kayo? It's not yet the end. Marami pa akong gustong gawin sa inyo. Jerome, these past few days nakatanggap ka ng mga message tungkol sa mangyayari sayo at alam ko ang iba rin sa inyo ay nakatanggap nun. Kumusta ba? Natatakot na ba kayo?" Our mouth fell dahil sa sinabi nito.


Siya ba ang tinutukoy ni Jerome sa mga post niya? Kung ganoon, bakit niya ito ginagawa saamin? Ano naman ang kasalanan namin sa kanya?



"Hayop ka! Paalisin mo na kami dito, gusto na naming umalis! Huwag mo nga kaming ginagawang tanga!" Galit na sigaw ni Jerome.



"The game is not yet over. Every 7:00 pm, you will all receive a challenge at dapat magawa niyo 'yon kung gusto niyong mabuhay. This is not a prank. This is not a prank." Paulit-ulit na sabi niya hanggang sa natapos din ang mensahe niya.



Napasinghap kaming lahat nang bumukas ang pinto. Dahil sa takot ay pumunta agad sila doon. Lalabas sana sila kaso napaatras din nang makita na may mga balloons na pumapasok sa loob. Isang kurap lang ay sirado na ang pinto.


"What are we supposed to do? Anong meron sa mga balloons na 'to?" Tanong ni Klare.


"Kung naririnig mo ako, sumagot ka! What are we supposed to do?" Dugtong din niya.


"Nakita ko 'to sa social media sites, ang balloon ata na ito ay may laman na mga pangalan natin at dapat nating hanapin natin kung asan 'yon nakalagay." Sabi ni Kid.


"Mamamatay siguro ang hindi makahanap ng kanyang pangalan!" Sabi naman ni Nana.


Lumaki ang aking mata at dahil sa takot ay pinutok ko ang balloon. Hindi pangalan namin ang nakalagay sa balloon kundi isang description na tungkol sa sarili namin na nagmala-riddle ang dating.



"Her skin is white as paper
Her eyes makes you want to keep her
But deep inside her,
She has a secret
She can see death."


Nanindig ang balahibo ko nang mabasa ang nakalagay doon. Alam kong ako 'yon pero paano niya nalaman na may kakayahan ako nun? Sino siya?

She Who Can See DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon