Kahit kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon, nagtrabaho pa rin ako. Ayaw kong hindi pumasok sa school dahil baka mag-alala naman ang mga estudyante ko. Hindi rin naman malala ang sugat ko.
Pumasok na ako sa classroom at nagtackle ng isang lesson. Maraming nagtanong saakin kung kaya ko ba, tinanguan ko lang sila. Pati rin ang mga teacher ay nagtanong rin sa nangyari kahapon.
"Ano ba nangyari, Ma'am? Marami kasing gusto malaman kung bakit nasugatan ka! Sa noo mo pa naman, sayang clear skin."
Dahil hindi naman talaga ako mahilig magkwento, hindi na lang ako nagsalita. Mas mahirap 'yon, baka pagalitan pa nila ang mga estudyante ko at baka sisihin pa nila. Ayaw kong mangyari 'yon.
"Ma'am, okay ka lang po ba talaga? Pwede ka naman pong magrest." Sabi ng isa sa mga estudyante ko.
"Okay lang naman ako. Huwag na kayo mag-alala dahil hindi naman masakit ang sugat ko na 'to at maliit lang 'to."
Nang matapos ang schedule ko buong araw, dinalaw ako ni Klare. Gusto niya atang magpasama kay Jerome. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit palagi na lang siyang pumupunta doon.
"Hindi naman tayo magtatagal doon. Gusto ko lang naman makita si Jerome at gusto ko rin malaman kung dadalo ba siya sa reunion." Sabi niya saakin bago kami sumakay sa kanyang sasakyan.
Siya na rin ang nagdrive dahil rest day raw ng driver niya. Nang makarating kaming dalawa sa hospital ay pumunta muna kami sa mga nurse dahil nagpromise raw si Klare sa kanila.
"Picture po, ma'am!"
Hindi naman sikat si Klare na model pero mayaman siya kaya siguro siya pinagkakaguluhan ng tao sa lugar na 'to. Marami siyang connections kaya nakakapagtaka na hindi niya ginagamit 'yon para maging sikat na model.
Bigla kong nahawakan ang ulo ko nang may makita naman ako na taong mamamatay. Hindi ko talaga gusto na pumunta sa hospital na 'to, bakit pa ba kasi ako pumunta dito?
Naalala ko naman ang tungkol kay Jerome. Meron siyang kaaway at pinopost niya ito sa social media. Umiling ako nang maisip ko na baka siya 'yong lalaki na mamamatay ngayon. Hindi ko alam kung gut feel ba 'to.
"I don't want to burst the bubble pero pumunta na tayo kay Jerome!" Sabi ko kay Klare na hanggang ngayon ay kasama pa rin ang mga nurse.
"Bakit? Excited ka ba na makita si Jerome? Crush mo?"
Mabilis akong umiling. Hindi ba siya nag-inisip? Paano ko magugustuhan ang nambully saakin dati?
"Tara na nga!"
Hinila ko ang kamay niya at mabilis na pumunta sa room ni Jerome. Sana lang talaga ay hindi ako magkamali sa iniisip ko.
"Calm down. Ako na ang magbubukas ng pinto." Bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang may lumabas na lalaking nakamask.
Pumasok na kami sa room ni Jerome at nagulat nang makita na may dugo na lumalabas sa kanyang tiyan. Halata ito dahil color white ang suot niya na damit.
"N-nurse! Tawagin mo ang nurse!" Utos saakin ni Klare. Ginawa ko ang inuutos niya at bumalik na rin sa room ni Jerome.
Alam kong ang lalaki na lumabas sa room ni Jerome kanina ang gumawa no'n. Hindi ako nagkakamali, siya nga 'yon. Kung siya nga talaga 'yon, bakit niya ginawa 'yon kay Jerome? At anong ginawa ni Jerome sa kanya?
Marami mang nagawa saakin si Jerome, hindi ko siya gustong saktan o patayin. Wala akong karapatan na bawiin ang buhay niya dahil hindi ako ang diyos.
Isinugod kaagad si Jerome sa Operating room dahil malalim daw ang sugat niya at maraming dugo rin ang nawala sa kanya. Nasa labas na rin kami ngayon ni Klare at hinihintay ang mga magulang ni Jerome.
Bakit kasi iniwan siya ng taga-bantay niya? Kung hindi sana siya iniwan, hindi mangyayari sa kanya 'to.
Hindi ako sigurado kung mamatay siya kasi baka nagbago na rin ang tadhana na para sa kanya. Marami akong nakikita na mamamatay sa lugar na 'to kaya baka hindi siya. Sana nga ay hindi siya.
"How did you know na mangyayari sa kanya 'yon?" Biglaang tanong ni Klare saakin habang nakatingin pa rin sa operating room.
I don't know what to say to her. Kahit kaibigan ko siya, ayaw ko pa ring aminin ang tungkol sa kakayahan ko. Matagal na panahon noong huli kaming nagkita at nagkasama kaya hindi pa rin maiwasan na hindi ko siya pagkatiwalaan.
"Anong sabi mo? Hindi ko alam na mangyayari sa kanya 'yon." Hindi ko siya tiningnan dahil baka malaman kaagad niya na nagsisinungaling ako.
Bumuntong hininga siya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.
"Bakit ka ba nagmamadali kanina? Gusto mo talagang matapos kaagad 'to para di masayang oras mo? May trabaho ka, alam ko 'yon pero sana naman pagbigyan mo ako. Gusto lang kitang makasama."
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pakiramdam ko gusto ni Klare si Jerome kaya binibisita niya 'to.
"Bakit kaya lapitin sa aksidente si Jerome? Dami niyang kaaway. Napaghahalataang asshole talaga." Sabi niya. Tumawa pa ito!
"Nakakapagtaka lang talaga." Napatingin ako sa kanya kaya bumaling naman siya saakin.
Her brows were furrowed. Nagtataka ata sa sinabi ko.
"Anong nakakapagtaka?"
"Una, 'yong car crash at pangalawa, sinaksak siya. Nakita mo rin naman ang mga post niya sa social media diba? Mukha talaga siyang may kaaway at nakakapagtaka kung sino ba ang may gawa ng lahat ng 'yon."
Kahit gusto kong malaman kung sino ang may gawa nun. Ayaw ko rin namang mag mukhang pakialamera dahil labas ako sa usapan na 'to. Hindi naman kami close ni Jerome para makialam sa problema niya,
"Alam kaya ng pamilya niya ang tungkol doon? Tungkol sa marami siyang kaaway?"
"Hindi ko alam."
Pakiramdam ko ay sasabihin ni Klare ang tungkol sa problema ni Jerome.
"What are you thinking?"
"Sasabihin ko ang problema ni Jerome sa mga magulang niya. Kilala ko siya at ayaw ko namang mabalitaan na patay na siya dahil lang sa problema niya na hindi niya binabanggit sa mga magulang niya."
Tumayo siya bigla dahilan para mapatayo rin ako. Nandito na ang mga magulang ni Jerome at sasabihin niya na ngayon ang tungkol sa problema ng anak nila.
Inexpect ko na pupunta si Brandon dahil may nangyari naman sa kaibigan niya. Sobrang busy siguro niya kaya hindi siya nakapunta.
Kinausap ni Klare ang mga magulang ni Jerome kaya lumayo muna ako para bigyan sila ng privacy. Gusto ko na ring umuwi dahil sumasakit na ang ulo ko sa hospital na 'to. Kahit ilang beses ko nang babanggitin 'to, hindi pa rin talaga ako nagsasawa na sabihin na ayaw ko sa hospital.
It took a minute or two nang matapos silang mag-usap. Nilapitan ako ni Klare dahil uuwi na ata kaming dalawa.
Bumuntong hininga siya ulit at marahang ginulo ang buhok, "Malapit na ang reunion tapos bigla na lang mangyayari 'to. Kailangan ko na atang ilista kung sino ang dadalo."
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...