I woke up light headed. Kahit hindi ayaw kong pumunta sa trabaho ay hindi ko magawa dahil baka pagalitan ako ni Mama. She wouldn't like me locking myself in my room just because I feel light-headed again. Oo, hindi 'to first time na nahihilo ako.
Nahihirapan ako araw araw at hindi talaga ako masasanay dito pero kahit ano pa ang gawin ko, walang mangyayari. Permanente na ata 'to. Kailangan kong kumayod dahil wala akong makakain. Mami is sick while Papi died because of heart attack. I foresaw Papi's death but I couldn't do anything.
Mahirap saakin 'yon na makita kung paano siya namatay pero kahit anong gawin ko at kahit pigilan ko 'yon, may iba namang mangyayari sa kanya at babawian pa rin siya ng buhay.
"Wake up, anak." Sabi ni Mama sabay tapik saaking balikat. Kahit gaano ko sabihin sa kanya na may kakayahan ako na makita ang pagkamatay ng mga tao pero ayaw niya pa rin niyang maniwala.
She's also not her usual self anymore. Simula nang mamatay si Papi, nagbago na siya.
"Maliligo na po ako." Tumayo ako at kinuha ang aking tuwalya. Hindi rin naman ako ang dating Victoria na mahiyain. Nagbago rin ako simula ang araw na 'yon. I am not normal and will never be normal.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang isang malinis na puting shirt at pants. Hindi na rin ako kumain dahil hindi 'yon sapat para kay Mami.
Our life changed because of that incident. Naubos ang pera ni Mami at Papi dahil sa pagpapagamot saakin. Akala nila ay nababaliw na ako kaya every week ay pumupunta ako sa isang psychiatrist.
Hindi ako nababaliw. Sana nga ay nababaliw na lang ako pero totoo 'to, totoo lahat ng nakikita ko.
I sighed and let go of all my thoughts. Lumabas na ako sa bahay at pumara ng sasakyan.
Nagtatrabaho ako sa isang cafe bilang isang waitress. Graduate ako ng Bachelor of Secondary Education at part time job ko lang 'tong pagiging waitress. Hindi rin kasi magkakasya ang sahod ko sa pagiging guro kaya naghanap ako ng part time job. Marami akong binabayaran gaya na lamang ng gamot ni Mami at ang rent ng bagong bahay namin.
Iba na ang tinitirahan namin dahil lumipat kami ni Mami simula nang namatay si Papi. Hindi rin kasi kaya ni Mami na tumira sa bahay na kung saan ay nagpapaalala kay Papi. Ilang years na ata nang lumipat kami pero kahit marami ang nangyari sa lugar na 'yon, gusto ko pa ring bumalik.
"One frappe and two slices of chocolate cake." Bago ko pa naisulat 'yon ay may imahe na naman akong nakita. Isang babae ang mamamatay dahil may lalapit sa kanyang babae, sasaksakin siya nito.
Natulala ako ng ilang segundo pero di rin 'yon nagtagal dahil tinapik ako ng babae. Tiningan ko siya ng mabuti. She's wearing a cami top and a skirt at nakakasilaw rin ang bright red niyang lipstick.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Tanong niya saakin. Tumango ako at pumunta na lang sa counter para sabihin ang inorder niya. Nag-aalala ako para sa kanya dahil baka siya 'yong babaeng nakita ko na mamamatay dahil sa saksak.
Ilang minuto ang lumipas bago pa ibinigay saakin ang order nito. I delivered it to her immediately at dahil wala naman masyadong tao sa Cafe kaya doon na lang ako pumwesto sa tabi niya. May mga babae rin dito sa Cafe pero alam ko na siya 'yong nakita ko.
I am not being mean pero kapag kasi nakita mo ang kanyang mukha, maiinis ka kahit wala namang dahilan. She has this resting bitch face that can make someone irritated.
Lumaki ang aking mga mata nang may nakita akong lumapit sa kanya na babae na kakapasok lang. Galit na galit ito na para bang may ginawang masama ang babae sa kanya. Nakakuyom ang kanyang kamao at nanlilisik ang kanyang mata na nilapitan ang costumer namin na babae.
Hinila niya ang buhok nito dahilan para lumabas ang ibang mga trabahante sa cafe. Ang iba rin na mga costumer namin ay inilabas ang kanilang cellphone para kuhanan ng picture o video ang nangyayari.
"How dare you? Kabit ka! Kabit!" She shouted. Pumasok ang security guard namin at pinigilan ang babae sa pagiging hysterical. Hinihila niya pa rin ang buhok ng aming costumer nang biglang sumigaw ito dahilan para mabitawan ng babae ang paghila sa buhok ng kabit na tinutukoy niya.
"Pake mo ba kung kabit ako? Kasalanan ko bang nagkagusto ang asawa mo saakin?" Naiiritang sabi nito sa babae.
Tumawa ng pagak ang babae at hinila ulit ang buhok ng kabit ng kanyang asawa. Minumura pa niya ang babae kaya pinigilan ulit siya ng guard namin. Lumabas ang manager namin sa kanyang opisina at pinagsabihan na umalis na lang sila kung nag-aaway lang naman sila dito.
Lahat ay napasinghap nang may inilabas ang babae na isang kutsilyo at nilapit niya'yon sa aming costumer. "Kung mahal mo pa ang buhay mo, layuan mo ang asawa ko."
"Tanga ka ba? Hindi ko lalayuan ang asawa mo. Kung inggit ka, pumikit ka." Sasaksakin na sana niya ito ng kutsilyo kaso hinawakan ko ang kanyang kamay para hilain ang kutsilyo na hawak niya.
Hindi na ako mahina na gaya ng dati kaya nahila ko ang kutsilyo sa kanya. Nabitawan niya ito kaya humarap siya saakin para taliman ng tingin. Alam kong galit siya pero hindi maganda na gumawa siya ng kasamaan dahil lang doon.
"Palabasin niyo na siya!" Utos ng manager namin. Hinawakan ng security guard ang kamay nito at pinilit na siya ay ilabas. Lahat kami ay napatingin sa babae, she's choking and I don't understand why she's acting like that.
Tutulungan na sana namin siya nang bigla siyang mahulog sa kanyang kinauupuan. May sumigaw pa saamin na iilan dahil sa nakita nila. She is lying on the floor, cold and lifeless.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Napigilan ko siyang masaksak ng babae ay namatay pa rin siya dahil lang sa kanyang chocolate cake na inorder. My ability to see death isn't a blessing, it is a curse.
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
Maaga kami pinauwi at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang babae. I can't stop their death. Mamamatay pa rin sila one way or another.
Pinuntahan ko si Mami sa kanyang kwarto para painumin ng gamot. I never foresaw Mami's death, hindi naman sa gusto kong mangyari 'yon. Thankful nga ako dahil kahit matanda na siya ay hindi pa rin siya binabawian ng buhay. Hindi ko gustong makitang mamatay si Mami.
Nakita ko kung paano siya bumangon nang makita ako. Halata sa kanya na nanghihina na siya pero hindi pa rin siya sumusuko. She really loves me dahil hindi niya pa rin ako iniiwan.
"Anak, gusto mo bang bumalik sa dati nating bahay?"
I can't believe that she said that. Akala ko ba ay ayaw niyang pumunta sa bahay na nagpapaalala kay Papi. Bakit biglaan na lang ang kanyang pagdedesisyon?
"Bakit po?"
She smiled weakly at me, "Nandoon ang Papi mo."
"Papi is already dead, Mami. Kung gusto niyo pong bumalik doon, sige po." Kahit na bumabalik pa rin saakin ang nangyari noong bata ako. Natrauma ako noong araw na 'yon pero ngayon, okay na ako. Okay na siguro ako.
"I know. Gusto ko lang pumunta doon dahil namimiss ko na ang bahay natin. Pagbigyan mo na ako, nak. Matanda na ako at pakiramdam ko na nga ay susuko na ang aking katawan."
Gusto ko rin namang bumalik eh kaso Natatakot pa rin ako na baka bumalik ang matandang 'yon at tuluyan na ako.
"Kung 'yan po ang gusto niyo."

BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...